Kailangan kong magsalita at i-release ang mga nagaganap at 'yon nga ang nangyari nang kusa kong sinadya ang isang TV station na nasa Maynila. Private helicopter ang sinakyan namin ni Nelrose pabalik sa lugar kung saan ito nanggaling. Kung ano ang nalalaman ko, isiniwalat ko na lahat para maging aware ang mga tao at sa pagkakataong ito, pinaniwalaan nila ako. Ala-singko pa lang kanina nang umalis kami at sa kabutihang palad, wala kaming naengkwentro na mga kakaiba. Tahimik ang paligid nang lisanin namin ang lugar sa Tinaca, kung saan kami pansamantalang tumutuloy na mag-ama. Part ito ng Mindanao at deserted na, hindi na ito naaabot ng modernisasyon kaya sagana kami sa gamit at pondo ng mga supply na kakailanganin namin. Kagaya ng inaasahan ko, parang may giyera sa lugar na ito nang makita

