Bigla kong sinara ang libro. Parang nobela pala ito, parang hindi totoo pero tunay ang nangyaring iyon sa alamat ng Mondabor. Napatihaya ako. Kagaya ng dati, nasa ilalim na naman ako ng lamesa habang pilit na tinatapos ang pagbabasa. Tiningnan ko ang pages, kaunti na lang. Nilagay ko sa tiyan ko ang libro bago napapikit nang mariin. Mag- isa na naman ako sa underground. Abala lagi ang dalawang lalaki sa taas. Ilang sandali pa, biglang bumukas ang bakal na pinto kaya nahintakutan ako, si Tatay Herming ang pumasok. Napangiti ito nang makita ako. May nakapasak ng earpiece sa tenga ko dahil nangingilabot pa rin ako sa mga ingay ng mga halimaw na iyon. Agad akong tumayo papunta kay Tatay Herming. Atubili ako nang lumapit sa kanya pero gusto kong alamin ang lahat tungkol kay Zyair. "Tay," ha

