Inis na inis talaga ako sa lalaking 'yon. Hahayaan niya ba talaga akong mamatay?
Nakaka-bad trip talaga ang mokong na 'yon.
Hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang pambabalewala nito kanina sa akin.
"Relax Analyn, huwag mo siyang pansinin. Broken hearted lang siya dahil sa ginawa mo." Pagpapakalma ko sa aking sarili.
Hinga ng malalim. Relax.
Naisipan kong mag-swimming na muna. Aalis ako mamaya at maglilibot-libot, maybe I will buy some books.
Tinungo ko ang closet ko at kinuha ko ang kulay gray kong two piece. Naghubad ako ng damit ko at isinuot ko na ang two piece ko. Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. I'm so sexy, hindi sa pagbubuhat ng bangko pero marami na rin namang nagsabi sa akin na maganda talaga ang katawan ko.
Sinuklay ko ang aking wavy hair. Kinuha ko ang sunblock ko at nagpahid ako sa aking buong katawan. Gusto ko rin sanang pahiran ang likod ko pero 'di ko maabot. Uutusan ko na lang mamaya ang isang maid namin. Kinuha ko ang sarong ko at itinali 'yon sa may beywang ko.
Medyo mainit na rin but I don't care. Gusto kong pagurin ang sarili ko.
Bumaba na ako sa may pool area. Dinala ko ang sunblock at sunglass ko. Pagkababa ko ay nakita ko si Kuya Anwyll. His face is serious. Mukha atang malalim ang iniisip nito, dumako ang paningin ko sa basong hawak nito. Ang aga pa para sa alak.
"Kuya." Tawag ko rito. Mabilis naman niya akong nilingon. Biglang nawala ang seryoso nitong awra at napalitan kaagad ng matamis na ngiti.
"Hi!" bati niya kaagad sa akin.
"May problema ba?" tanong ko rito. Umiwas ito ng tingin. Lumapit ako at kinuha ang basong may lamang alak. Iniwas niya sana pero mas mabilis ako sa kanya. Bumalik ang seryosong mukha ni Kuya Anwyll. Narinig ko pa ang pagbuntonghininga nito.
"I'm just thinking about our company. Sasabak na ako at medyo kinakabahan ako." Mahina nitong sagot. Alam kong nagsisinungaling ito, I can saw it in his eyes. He hides something.
"Don't lie to me. Hindi mo ako mabibilog." Seryoso kong saad.
"Don't worry, little sister. I'm very much fine." Nakangiti nitong saad at inagaw ulit ang basong may lamang alak. Napailing na lang ako. Wala naman akong magagawa kung ayaw nitong i-share ang kanyang problema, I hope na maging okay ito.
Dumeretso na ako sa swimming pool, hinubad ko ang sarong na nakatali sa aking beywang. Ayaw kong lumusong na hindi napapahiran ng sunblock ang likod ko. Ayaw kong magka-sunburn. Napanguso ako, sino kaya ang pwedeng utusan? Tsk. Dapat dumaan muna ako sa kusina para utusan ang isang kasambahay namin.
Napalingon ako nang may marinig akong tumikhim sa likod ko. Biglang nagbago ang mood ko. I really hate him! Lalo na kanina, hindi man lang ako tinulungan. Nakita ko ang pagkurba ng labi nito. Gusto yatang tumawa pero pinipigilan lang nito. Tumaas ang kilay ko nang makitang may dala itong tray na may lamang juice at sandwich.
"What are you doing here?" mataray kong tanong sa binata. Nakita ko ang pagpasada nito sa aking katawan. Baka maloka na naman ito. Tsk! Tumikhim ako dahil parang nawalan yata ito ng boses.
"Wala kang sasabihin?" tanong ko ulit.
Tumikhim muna ito at inilagay ang tray sa mesang nandoon. Sinusundan ko ito ng tingin.
"A-ahm, I want to say I'm sorry about d'on sa kanina." Mahina nitong saad. Malakas akong natawa at nagtataka niya akong tiningnan.
"Really? Muntik na akong mamatay tapos sorry lang ang sasabihin mo?" hindi ko napigilan ang mainis sa binata. Nakita ko itong lumunok. Sana maubusan ka ng laway kakalunok mo! Naiinis na sigaw ng isip ko.
"Umalis ka na!" pagtataboy ko rito.
"I bring you some food and juice, kumain ka muna," imporma ng binata. Hindi ito makatingin sa akin ng deretso. Pilya akong napangiti. Wala naman siyang choice kundi ang sundin ako.
"You really want to accept me your apology, right?" tanong ko sa nang-aakit na boses. I smile at him sweetly. Nakita ko na naman ang paglunok nito. Kapag talaga naubusan ka ng laway, aabunuhan na lang kita. Gaga ka! Dugo ang inaabuno, hindi laway! Saway ng isipan ko. Laway naman ang naubos eh at hindi dugo, may pagka-baliw din 'tong utak ko eh.
Nang makita ko ang mapupulang labi nito ay biglang umukilkil sa isipan ko ang kissing scene namin sa panaginip ko. Parang nag-slow motion ang paligid ko. I saw him how he bit his lips, so sexy and seductive.
"Analyn? Are you alright?" bumalik ang diwa ko dahil sa boses ni Iñigo. Oh my goodness! Am I drooling over him? No! I hate him at 'yan ang nararamdaman ko sa kanya.
Biglang naging pormal ang mukha ko.
Kinuha ko ang sunblock na dala ko at iniabot 'yon sa binata.
"Pahiran mo ng sunblock ang likod ko. Can you do it for me? Kapag nagawa mo 'to ibig sabihin ay forgiven ka na." Mahina kong sambit. Kinuha nito ang sunblock na iniabot ko. Mabilis akong dumapa sa lounge na nandon. Ilang sandali pa ay lumapat na nga ang kamay ni Iñigo sa likuran ko. Naramdaman ko ang lamig ng kamay nito, parang nanginginig pa.
Good for you. Tsk! Mauubos na ngayon 'yang laway mo kakalunok. Sana lang hindi ito ma-dehydrate. Natawa ako sa naisip ko.
Sa totoo lang wala naman akong nararamdamang kakaiba sa binata. Nagbasa ako sa isang romance novel kung ano ang nararamdaman ng taong in love. Mabilis na t***k ng puso kapag nasa malapit lang ang mahal mo, nagliliparang paru-paro sa loob ng tiyan ko, 'yong kuryente sa tuwing magkadaiti ang katawan niyo. Pero lahat 'yon ay hindi ko naramdaman kay Iñigo, tanging inis at galit ang nararamdaman ko sa binata. Dahil sa sobrang pag-iisip ay hindi ko na naramdaman na tapos na palang lagyan ni Iñigo ng sunblock ang likod ko.
"I'm done." Baritonong boses ni Iñigo ang nagpabalik sa aking diwa.
Bigla akong tumihaya, natawa pa ako nang biglang umatras si Iñigo. Is he innocent? Napailing na lang ako.
"Thank you." Pasasalamat ko. Hindi na naman ito makatingin ng deretso sa akin.
"You're welcome." Mahina nitong sagot. Umatras ulit ang binata nang tumayo ako. Tiningnan ko ang likuran ng binata. Napangiti ako, gusto kong bumawi sa ginawa nito kanina. I sweetly smile at him. Dahan-dahan akong humakbang papalapit sa binata. Umatras na naman ito, mas lalo akong napangiti. Akma ko itong hahawakan ng humakbang ito paatras at pak!
Nahulog siya sa swimming pool. Malakas akong natawa. Serves him right.
"H-help!" nauutal nitong sigaw. Hindi ako naniniwalang hindi ito marunong lumangoy.
"Want my help?" pilya kong tanong. Hindi naman malalim ang swimming pool eh.
"H-help-" hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil tuluyan na itong nalunod.
"Oh my gosh! Help!" sigaw ko. Akala ko kasi nagbibiro lang ito.
"What happened?" mabilis na sigaw ni Kuya Anwyll, tumakbo ito papunta sa swimming pool at tumalon. Mabilis niyang nadaluhan si Iñigo. Nang maiahon ni Kuya ang binata ay mabilis ko silang nilapitan. Tinapik-tapik ni Kuya ang pisngi ni Iñigo upang gisingin ito. Napaubo naman ang binata.
"Analyn! What did you do?" galit na sigaw ni Kuya. Ha? Kasalanan ko ba? Hindi ko naman ito tinulak ah.
"Nahulog lang siya kakaatras nito. Hindi ko naman siya itinulak!" depensa ko kay Kuya.
"He didn't know how to swim! Damn it!" kitang-kita ko ang galit sa mukha ni Kuya Anwyll. Ngayon ko lang ito nakitang ganito ka galit. Is he that concerned about Iñigo? Of course Analy! He's his best friend! Sigaw ng isip ko.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Kuya kay Iñigo. Umubo pa muna si Iñigo bago tumango. Basang-basa silang dalawa.
"Wait, magpapakuha muna ako ng towel kay Manang." Mabilis akong naglakad papasok sa bahay.
"Manang Emma!" malakas kong tawag sa katulong. Agad namang lumapit si Manang Emma sa akin.
"Please, pakikuha niyo po ako ng towel. Dalawa. Pakibilisan po." Utos ko rito. Mabilis naman akong sinunod ng Manang. Ilang sandali pa nga ay iniabot na ng matanda ang pinakuha ko.
Tinungo ko kaagad ang pool area kung nasaan sila Kuya at Iñigo.
"Here. Gamitin niyo muna 'to at baka lamigin kayo." Inabot naman kaagad 'yon ng kapatid ko. Nakaupo na ngayon si Iñigo at masama akong tiningnan. Nakokonsensya ako sa ginawa ko. Alam ko namang mahuhulog na ito pero mas pinagana ko pa rin ang kapilyahan ko. Malay ko ba na hindi pala ito marunong lumangoy.
Pumanhik muna sila Kuya Anwyll sa kwarto nito, magbibihis sila.
Kinakagat-kagat ko ang kuko sa daliri ko. I really felt sorry about what happened to Iñigo. I'm not that bad.
Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba. Gagawan ko sila ng tea. Siguradong nilalamig sila ngayon. Mabuti na lang at nakita ko ang isa sa katulong namin na si Wafer.
"Wafer. Mag-init ka nga ng tubig." Utos ko rito.
"Okay po Señorita." Agad naman nitong ginawa ang utos ko. Naghanda ako ng dalawang mug at inilagay sa food tray. Inilagay ni Wafer ang heater sa mesa. Kinuha ko 'yon at nagsalin sa mug. Inilagay ko kaagad ang tea sa mainit na tubig.
Napangiti ako. Maybe this will do. Hindi na magagalit si Kuya Anwyll sa akin. Maging si Iñigo.
Umakyat na ako sa taas at kumatok ako. Ilang sandali pa ay pinagbuksan ako ni Kuya Anwyll. Nginitian ko ito.
"I prepared tea for you, Kuya. Sa inyo pala ni Iñigo." At tumingin ako sa likuran ng kapatid ko. Nakita kong nakahiga ang binata at nakatingin din sa banda ko. Matamis ko itong nginitian. Malapad na binuksan ni Kuya ang pintoan ng silid nito. Pumasok ako sa loob at inilapag sa bedside table.
"Are you feeling better now?" mahina kong tanong sa binata. I noticed that he didn't wear his eyeglasses. He's handsome, no doubt about that. Nakasimangot itong tumingin sa akin.
"Sinadya mo ba 'yon?" mariin nitong tanong. "Of course not! Hindi ko nga alam na hindi ka pala marunong lumangoy!" mabilis kong depensa. Tinitigan niya lang ako.
"Anyway, I prepared tea for you and Kuya. . . and I'm sorry for what happened. I just teased you at hindi ko talaga alam na hindi ka marunong lumangoy. Promise, mamatay man ang kulangot ni Kuya Anwyll." Sinsero kong saad at itinaas ko pa ang kaliwang kamay ko. Napalingon ako nang tumawa si Kuya nang malakas. Nakita ko rin ang multo ng ngiti sa labi ni Iñigo.
"Bakit nasali ang kulangot ko?" natatawang tanong ni Kuya. Namula ang mukha ko. Dahil sa sobrang hiya ay mabilis akong nanakbo palabas ng kwarto ng kapatid ko. What a stupid stunt huh? Analyn, baliw ka na! Sigaw ng isipan ko.
Nagkulong ako sa kwarto ko. Hanggang sa nakatulog ako.
Pagkagising ko ay agad kong nakita ang isang pumpom ng bulaklak. Kumunot ang noo ko.
Kinuha ko ang bulaklak at inamoy iyon. Ang bango. Nakita ko ang munting sulat na nandon. Binasa ko ang card.
White rose symbolize my pure love for you.
Walang pangalang nakalagay. Isa lang naman ang alam kong nanliligaw sa akin at binasted ko na ito.
Hay! I hope hindi ang binata ang nagbigay.