Chapter Seven- Snob, Analyn

1728 Words
Ang ganda ng paligid, preskong hangin, luntiang bulaklak, matatayog na punong-kahoy, musikang galing sa hampas ng alon, maputing buhangin at malinis na kapaligiran. It feels like heaven. Nakatayo ako ngayon sa gitna at ine-enjoy ang magandang tanawin. Nakasuot ako ng summer dress na kulay dilaw. Hinayaan ko lang ang mahaba kong buhok na tangayin ng hangin. Nare-relax ako. Wala akong tsinelas at naka-paa lang ako, I want to feel the sand. Teka lang, bakit nga ba ako nandito? Wala akong kasama at ako lang mag-isa. Lumingon ako sa paligid, nakita ko ang munting bahay na naroroon. Wala ba akong kasama nang magpunta ako rito. Humakbang ako papalapit sa munting bahay na naroroon. Simple lang ito, gawa sa kahoy ang buong bahay at nipa naman ang bubong. Siguradong malamig dito kapag gabi. Nasa may pintoan na ako, naka bukas naman kaya pumasok na ako sa loob. Maganda ang loob ng bahay. Nakaamoy ako ng mabangong niluluto kaya naman tinungo ko ang kusina. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang lalaking nakatalikod, nagluluto ito. Nakatitig ako sa malapad niyang likod. He is topless. My goodness! Ang ganda ng katawan nito. Hindi ako makapaniwalang pinupuri ko ang binata. "Don't stare at me like that." Narinig kong saad nito sa swabeng boses. Nahihibang na ata ako. Kinurap-kurap ko ang aking mga mata. Lumingon na pala ang binata at ngayon nga ay nagtama ang paningin namin. Nagulat ako sa binatang kaharap ko. Is he even real? Ngumiti ito ng ubod tamis. "Hi Babe. Are you hungry?" malambing nitong tanong. Babe? What the heck is he saying? We're not even close! My goodness. "B-babe? Me?" naguguluhan kong tanong at itinuro ko pa talaga ang sarili ko. Tumango ang binata, tumalikod muna ito at pinatay ang stove. Paglingon nito ay inalis nito ang apron na ginamit nito. Nang makalas ang apron ay kitang-kita ko ang kanyang matigas at malapad na dibdib. Sigurado akong matigas 'yon dahil na rin sa pagkakahulma. "Like the view?" tanong nito at saka pilyong ngumiti. Napalunok ako. No! This is not happening. Umiling ako, hindi ko aaminin na humahanga ako rito. "O-of course not!" mabilis kong tanggi. "If you say so. Let's eat now," maawtoridad nitong saad. Napatango na lang ako. Ngunit hindi pa nakakalayo ang binata nang biglang sumulpot ang pusa sa may paanan ko. "Meow!" dahil sa gulat ay mabilis akong napatakbo sa gawi ni Iñigo. I'm allergic to cat. Agad kong niyakap ang binata. Takot akong malapitan ng pusa. Nagtataka niya akong tiningnan. "Miss na miss mo ba talaga ako?" natatawa nitong tanong. "M-may pusa." Natatakot kong sagot. Tiningala ko ang binata saktong nagtama ang paningin namin. Isang dangkal na lang ang layo nang mga labi namin sa isa't-isa. Ilang sandali pa ay naglapat na nga ang labi namin. Napapikit ako dahil sa kakaibang sensasyong nadarama ko. Marahan lang ang galaw ni Iñigo, tila ba nanantiya. I kissed him back, mas lumalim pa ang halikan naming dalawa. Dalang-dala na ako sa halikan namin. His lips is sweet and delicious. Kung hindi umeksena ang malanding pusa ay hindi mapuputol ang halikan naming dalawa. "Ahhh!" napasigaw ako. Sinampal-sampal ko ang pisngi ko, panaginip lang pala. Thanks God it just a dream, no it's a nightmare. Napabuntonghininga ako. It feels so real, hinaplos ko ang aking labi. Nag-init ang mukha ko dahil sa eksenang napanaginipan ko. Oh my goodness! No! Not him. Not the one I hate. Mabilis akong bumangon at naghilamos ng mukha. I need to clear my mind. Pero hindi pa rin mawala-wala sa isipan ko ang aking bangungot. Bumalik ako sa kama ko dala ang cellphone ko. I need to divert my attention. Tiningnan ko ang aming group chat kung online ang mga kaibigan ko. At laking pasalamat ko na naka-online sila. May madidisturbo na naman ako. Pilya akong napangiti. Umayos ako nang upo at pinindot na ang call button. Ilang sandali pa ay nag join na rin ang TSP girls. Nakita kong may iba't-iba silang ginagawa, pero nagkaroon pa rin sila ng time upang sagutin ang tawag ko. Sila may kanya-kanyang responsibility, ako heto at tambay lang sa bahay. Ayaw ko muna ng mabigat na responsibilidad. Gusto kong sulitin ang kalayaan ko. "Hey! Natulala ka na dyan, Analyn!" narinig kong saad ni Joy. Napabuntonghininga na naman ako. "How are you guys?" matamlay kong tanong. "I'm busy designing my client request," sagot ni Juliet. Isa nga naman itong Architect. "Ikaw bakit ganyan ang mukha mo?" si Jaqui. Nakita ko itong ngumunguya ng saging na hawak nito. "I have a nightmare." Mahina kong saad. "And then?" si Shessa. "It feels so real. At affected ako masyado." Nakanguso kong kwento. "Sabihin mo na ang detalye. Huwag pa-suspense at gusto ko nang matulog." Nakabusangot ang mukha ni Fe. "Where are you?" mukhang gabi na sa kanila o kaya ay madaling araw na. "Nasa US ako, mga isang buwan ako rito, for training purposes," sagot nito. Tumango na lang ako. "The details!" naiinip na paalala ni Jaqui. Nakita ko ang pagsubo nito ng saging. Natulala ako, na-imagine ko ang halikan namin ni Iñigo. Oh my goodness! Anong nangyayari sa akin? I can't believe this. "Analyn!" napapitlag ako nang sabay-sabay nilang isigaw ang pangalan ko. Alam kong pulang-pula na ang mukha ko. "Ano bang nangyayari sa 'yo? Bigla-bigla ka na lang na natutulala dyan." Naiiling na saad ni Juliet. Inayos ko muna ang sarili ko at iniwas ang tingin sa matakaw na si Jaqui, she and the banana are my distraction. "Ganito kasi 'yon. Nanaginip ako- I mean binangungot ako. . ." umpisa ko. Nakita ko naman silang tumigil sa kanilang ginagawa at nakinig muna sa akin. Tsk! Dakilang mga mosang rin eh. Mosang short for tsismosa. ". . . nasa isang magandang lugar daw ako, I love the place, parang isang paraiso." Nakangiti kong kwento. "Sabi mo bangungot, bakit naging paraiso? Tsk!" si Shessa na tahimik lang kanina. Napanguso na lang ako. "Ang susunod bangungot na." Nakasimangot kong saad. "Next update please!" biro ni Jaqui na siyang ikinatawa namin. "Then, pumasok ako sa bahay at alam niyo ba kung sino ang nakita ko?" "Iñigo!" sabay-sabay nilang sagot. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwalang alam nila kung sino. "Paano niyo nalaman? Binangungot rin ba kayo?" inosente kong tanong. Nagsitawanan naman ang mga mababait kong kaibigan. "Masyado ka kayang halata!" natatawa pa ring saad ni Joy. "Namumula 'yang mukha mo oy!" segunda ni Fe. Minsan talaga napapaisip ako kung kaibigan ko nga ba sila. Mukhang hindi kasi halata ang pagiging supportive nila sa akin. Sarkastikong saad ng isipan ko. "Sige kayo na lang mag-kwento." Naiinis ko nang saad. Tumawa ulit sila. "Ito naman, 'di ka na mabiro. Sige na ituloy mo na 'yan at baka bangungutin din kami." Kinindatan pa ako ni Juliet. Tsk. "Pagkatapos nakita ko nga si Iñigo, he's cooking and he called me babe, it gives shiver in my body. After that ay umeksena ang pusa, alam niyo namang allergic ako sa pusa kaya napayakap ako kay Iñigo and then we. . . we. . ." hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin ko dahil tinamaan ako ng hiya. They gave me a curious look, s**t! Mapapasubo talaga akong mag-kwento ng halikan scene namin ni Iñigo. "We what? Bilisan mo naman 'yang kwento mo at nakakainip!" si Shessa. Napakurap-kurap ako. Humugot ako ng malalim na hininga. ". . . we kissed. Mabuti na lang at umeksena ang pusa kundi ay. . ." hindi sana naputol ang halikan naming dalawa ng binata. "Kundi ay ano? Hay, ano ka ba naman mag-kwento. Putol-putol." Mataray na saad ni Joy. Umiwas ako sa mga tingin nila. ". . . hindi sana ako magigising. Mabuti talaga at may pusa roon." I ended my story like that. "Very interesting story." Sarkastikong saad ni Juliet. "Boring kaya!" biro ni Fe. "So, ang kiss ang nightmare mo d'on? Is he a good kisser?" pilyang tanong ni Jaqui. Bigla kong na-imagine ang kissing scene namin. Yeah, he's a good kisser. Really Analyn? Are you serious? A good kisser? Tsk! "Yeah! He is my nightmare at hindi siya good kisser. Ang baho nga ng hininga niya." Mataray kong sagot sa kanya. "Sige na bye! Thanks for listening to my so called nightmare." Nakangisi kong saad. Nag-flying kiss lang sila at nagba-bye bago nag-end ang tawag. Napailing na lang ako. Malapit na palang magtanghali. Wala pa naman akong breakfast kaya gutom na ako. Matapos maligo at magsuot ng pambahay na damit ay bumaba na ako. Dumeretso ako sa kusina. Tumaas ang kilay ko nang magtama ang paningin namin ni Iñigo. Tsk! Naalala ko na naman 'yong kissing scene namin. Umiwas kaagad ako ng tingin sa kanya. "Little sister!" bati kaagad ni Kuya Anwyll nang mapansin niya ako. "Hi Kuya!" bati ko rito. Humalik muna ako sa pisngi nito. Tiningnan ko si Iñigo. Nagdadalawang-isip akong pansinin ito matapos ang nangyari n'ong nakaraang araw. Ngunit ayaw kong bastusin ito sa harapan ni Kuya. Tiningnan ko ito, pero ang atensyon ng binata ay nasa pagkain niya. "Hi!" mahina kong bati, sapat lang upang marinig nito. But the heck. Hindi niya man lang ako pinansin? Kahit ang tumingin sa akin ay hindi nito ginawa. Tsk! Tumikhim ako upang mawala ang nakabara sa lalamunan ko. Gusto ko sana itong tarayan kaya lang nandito kami sa hapag at nakakahiya rin kay Kuya. Matalim ko itong tiningnan. Kumuha ako ng mug ko at nagtimpla ng gatas. Kumuha na rin ako ng plato dahil sasalohan ko na si Kuya. Nasa kaliwang bahagi ako at magkaharap kami ni Iñigo. Nakayuko lang talaga ito at hindi man lang tumingin sa gawi ko. Ini-snob niya ata ang beauty ko. Tsk. Affected much? Tanong ng isip ko. I'm not affected, kaya lang nakakainis lang dahil nag-iinarte ito sa harapan ni Kuya Anwyll. Dahil sa sobrang inis ay kumain ako nang kumain. Ibubuhos ko na lang sa pagkain ang inis ko. Hanggang sa mabilaukan ako. "T-tubig!" uubo-ubo kong saad. Wala na pala si Kuya sa tabi ko, hindi ko man lang napansin ang pag-alis nito at kaming dalawa na lang ni Iñigo. Tinuro ko ang tubig sa kanya. Bakit naman kasi wala akong tubig na inilagay. At ang loko hindi man lang ako tinulungan. Tumayo ito at umalis sa kusina. Mabilis kong inabot ang baso at inisang lagok iyon. Habol ko ang sariling paghinga. He really snob me? Dahil ba binasted ko ito? Tsk! Kainis lang din ang lalaking 'yon. Humanda ka sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD