Chapter Six- Chase her. Iñigo

2063 Words
Tinawagan ako ni Anwyll dahil may nakita siyang libro na siguradong magugustuhan ko raw. It's limited edition at old version ng isa sa mga paborito kong author. Hindi na ako nagdalawang-isip pa na magpunta sa bahay ng kaibigan ko at isa pa makikita ko rin si Analyn. Napangiti ako nang maalala ang dalaga. I'm enchanted by her beauty. Katulad ng dati ay inayos ko lang ang buhok ko at inilagay ko ang aking makapal na salamin. Nag-spray lang ako nang paborito kong men's cologne. Napangiti pa ako habang tinitingnan ang repleksyon ko sa salamin. I'm handsome, pero natatago 'yon dahil sa pananamit ko at sa aking makapal na eyeglasses. Papasok na ako sa gate ng subdivision nang makita ko ang papalabas na sasakyan ng dalaga. Bigla kong nakalimutang pupunta nga pala ako sa bahay nila. Agad kong iniliko ang aking sasakyan at sinundan ang dalaga. Sa mall ito nagpunta. Nakasunod lang ako kay Analyn at tahimik itong sinusundan. Nag-order ako habang simpleng pinagmamasdan ang dalaga. Pinili ko ang pwesto kung saan hindi niya ako makikita. Napapangiti ako habang nakikita itong nakangiti sa mga kaibigan nito. How I wish na ganoon din ito ngumiti kapag ako anf kasama nito. Nabasa na kaya nito ang aking sulat? Napangiti ako sa naisip. Siguro nakaramdam ito ng kilig habang binabasa niya ang sulat ko. Naghanda pa naman ako ng dinner date para sa aming dalawa. Sa bahay lang din nila at nagpaalam na ako kay Anwyll. Speaking of my friend ay tumunog ang cellphone ko at nakita ko itong tumatawag. Ilang beses pa akong napamura dahil nakalimutan kong magkikita kami sa bahay nila. Bumuntonghininga ako bago sinagot ang tawag ng aking kaibigan. "Hello?" mahina kong sagot. Napayuko pa ako nang bigla na lang lumingon si Analyn. Natatakot akong makita nito at mapagkamalan pa akong stalker niya. Hindi nga ba? Sarkastikong sigaw ng isipan ko. Napailing na lang ako. "Bro! Are you still there?" nabalik ako sa aking diwa nang marinig ang naiinis na boses ni Anwyll. Tumikhim muna ako bago sumagot. "Y-yeah!" nautal pa talaga ako sa pagsagot dito. "Where are you? I'm waiting for you." Mababakas na talaga ang galit sa boses ng kaibigan ko. "I'm sorry, ahm. . . may pinuntahan lang ako saglit. Punta ako mamaya dyan." Naturingan akong matalino pero ang tagal kong nakapag-isip ng palusot. Tsk. "Okay, hintayin na lang kita." Mahina nitong saad. "Okay. Bye!" paalam ko rito. Pinatay ko na kaagad ang tawag dahil nakita kong tumayo na sina Analyn at mga kaibigan nito. Balak ko pa sana silang sundan nang may babaeng umupo sa silyang kaharap ko. She's sexy and beautiful. But not my type. "Hi handsome!" kagat-labi nitong bati sa akin. Pilit ko itong nginitian. "H-hi!" nauutal kong bati sa babae. Hindi talaga ako sanay na may umaaligid sa aking mga babae. Matamis akong nginitian ng dalaga. "Are you alone?" nang-aakit ang boses nitong tanong. Napalunok pa ako. "A-ah, m-may kasama ako." Pagsisinungaling ko. Sana maniwala ito, hindi pa naman din ako marunong magsinungaling. "Liar!" agad nitong saad. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nito. 'Di ako makapaniwalang alam nitong nagsisinungaling ako. "H-hindi-" naputol ang sasabihin ko nang magsalita ito. "I'm eyeing you handsome, wala kang kasama kaya hindi mo ako mapapaniwala." Seryoso nitong saad. Wala akong nagawa kundi ang tumango. Nakakainis naman ang babaeng 'to. Dahil wala akong makapang salita ay uminom na lang ako ng juice na in-order ko. "Can you be my bedwarmer tonight?" nang-aakit na tanong ng dalaga na siyang ikinabuga nang iniinom kong juice. Uubo-ubo akong tiningnan ito. Seriously? Tumawa naman ang babae sa naging reaction ko. "Are you okay?" tanong pa nito. Alam naman niyang hindi, dahil sa tanong nito. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at saka pinahiran ang aking bibig. "Are you out of your mind?" naiiling kong tanong dito. Umiling ang babae. "I'm serious. You're my type, very innocent and. . ." tumayo ito at lumapit sa bandang likuran ko, dumukwang ang dalaga at bumulong sa punong tenga ko kaya napaigtad ako dahil sa kiliting nararamdaman ko, ". . . a virgin." Bulong nito. What? A virgin? Mabilis akong tumingala sa dalaga at halos isang dangkal na lang ang pagitan ng mga mukha namin. Nakita ko ang pilyang ngiti nito. Walang emotion ang mga matang tinitigan ko ang dalaga. "I'm sorry, Miss. Maling tao ka ng nilapitan." Akmang tatayo na ako nang mabilis niya akong pigilan. "Fine. Pero samahan mo muna akong mag-order. Okay lang ba?" pakiusap nito habang nagmamakaawang nakatitig sa akin. Napabuntonghininga ako. Sumang-ayon na lang ako. Tumayo ako at nagtungo kami sa mga food stall na nakahilera. Namili ang dalaga at nakabuntot lang ako sa kanya. Masasabi kong maganda naman ang babae. May maputing balat at balingkinitan din ang katawan, pero hindi ko talaga maramdaman ang kakaibang pakiramdam na ipinapadama ni Analyn sa akin. It's feels so good. Nakita kong um-order ang dalaga ng shake. Susunod pa sana ako pero natigilan ako nang makita ko si Analyn kasama ang kaibigan niya. Ilang sandali pa ay mag-isa na lang ito. Gusto ko man itong lapitan ay nahihiya ako kaya tanging pagtitig lang ang aking nagawa. Tinawag ako n'ong babae ngunit hindi na ako nakagalaw nang lumingon si Analyn at magtama ang paningin naming dalawa. Parang huminto bigla ang mundo ko. Nakikita ko ang mga nagliliparang paru-paro sa aking paligid, naririnig ko ang malamyos na awitin, ito ang mundo ko sa tuwing nakikita ang dalaga. Dinadala niya ako sa magical world na meron s'ya. Hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa akin. Natulala pa ako nang tanungin niya ako kung stalker niya ba ako. Nawala bigla 'yong magical world na naramdaman ko kanina. Tiningnan ko si Analyn. Gusto kong sumagot kaya lang natatakot ako, hindi ko alam kung anong sasabihin ko, bumuka lang ang bibig ko pero walang salitang lumabas doon. Napalingon ako nang magsalita ang babaeng kasama ko kanina. Dahil nakulong ako sa sariling mundo ko ay hindi ako nakapagsalita. Nakita ko na lang ang papalayong pigura ng dalaga. Wala na turn-off na si Analyn sa akin. Anang isipan ko. "Sino 'yong girl? Galit ata." Simpleng tanong ng babae. Hindi na muna ako sumunod dahil nahihiya ako kay Anayln, sa pagkakahuli niya sa akin. "Hey! I'm talking to you." Naiinis na saad ng dalaga. Bumalik naman ang diwa ko at napakurap-kurap akong napatingin sa dalaga. Tumayo ako at akmang aalis na. "I should go." Paalam ko rito. "What? Samaha-" "Stop! I don't have time to accompany you, Miss. I'm sorry." Mabilis na akong naglakad at baka habulin na naman ako. "Bakla!" malakas nitong sigaw. Napahinto ako at lilinungin ko na sana ito, pero baka isipin niyang affected ako sa sinabi nito. I'm not gay! Damn it! Mabibilis ang hakbang kong tinungo sa parking lot ang kotse ko. Handa na akong umalis ng tumunog ang cellphone ko. Nakita kong si Anwyll ang tumatawag sa akin. Sinagot ko kaagad 'yon. Nakalimutan ko na ang kaibigan ko. "Bro!" bati ko kaagad dito. "Where are you? Kanina pa kita hinihintay." May iritasyon na sa boses nito. Napabuntonghininga na lang ako. Kailangan ko pa pala ng tulong nito. "I'm on my way, I'm sorry may pinuntahan lang ako." Pagsisinungaling ko rito, ayaw kong malaman niyang sinusundan ko ang kapatid nito at baka hindi na ako nito ilakad pa kay Analyn. "Okay. Hihintayin kita sa library, nandon na 'yong libro na ipapakita ko sa 'yo," saad nito. "Sige. Bye!" paalam ko at mabilis na pinindot ang end button. Pinasibad ko na kaagad ang sasakyan ko. Medyo traffic kaya halos mag-iisang oras bago ako nakarating sa mansion nila Anwyll. Pagkababa ko pa lang ay nakita ko na ang kotse ng dalaga. Napangiti ako. Mabuti naman at umuwi ito kaagad. May dinner pala kami mamaya. This is my chance para makilala niya ako. "Bro!" malakas na boses ni Anwyll ang nagpabalik ng aking diwa. Tsk! Naglakad ako papunta sa kaibigan ko. "Bro!" bati ko at nag-fist bump kami. "Tagal mo!" nakasimangot nitong saad. Nginitian ko lang ito. Kahit magkaibigan kami ay hindi ko sasabihing sinusundan ko ang kapatid nito. "May pinuntahan lang ako. Traffic din kaya mas natagalan ako." Paliwanag ko rito. Hindi ito nagsalita at sumunod na lang ako sa kanya papasok sa library. "Nasaan na 'yong book?" tanong ko rito. "I will get it." Tugon nito. Umupo ako sa pang-isahang sofa at nilanghap ang amoy ng mga libro. I really like the feeling kapag nasa loob ako ng library. Para lang akong naglilibot sa buong mundo at nakakapasok sa mundo ng librong binabasa ko. Dinadala ka sa iba't-ibang lugar at nagkakaroon ka ng iba't-ibang emosyon. "Here." Napaangat ako ng tingin sa librong hawak ni Anwyll. What? Hindi ako makapaniwala sa nababasa ko sa libro. Kunot-noo ko itong tiningnan. "What is that?" tanong ko. Hindi ko magawang kunin ang librong ini-abot nito. Umupo si Anwyll at inilagay sa center table ang libro. "You need that." Balewala nitong saad. Oo, aaminin kong hindi ako marunong manligaw pero what the heck! Hindi ko kailangan ng dating tips book para manligaw kay Analyn. "I don't need that." Tanggi ko. Para akong bakla kapag binasa ko ang anomang nakasulat doon. "Kailangan mo 'yan. Iba ang kapatid ko sa ibang babae. Try to read it first, malay mo magka-idea ka 'di ba?" paliwanag pa nito. Nakita ko ang mapaglarong ngiti sa mga labi ng kaibigan ko. Wala akong nagawa kundi ang kunin ang librong ibinigay nito. Tsk! Obviously he tricked me. Umayos ako nang pagkakaupo at nag de kwatro. Binasa ko muna ang title. Tips for a successful dating plan. Napailing ako. I flipped the page. Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang nasa table of contents ng libro. Really? Pati ba naman french kiss ay may tips kung paano gawin? Bigla kong na imagine si Analyn, we are kissing, nag-init ang mukha ko nang batuhin ako ni Anwyll ng throw pillow. Nakatulala ko itong tiningnan. "Namumula ka oy!" natatawa nitong kantiyaw. Bigla kong nahawakan ang magkabilang pisngi ko. s**t! I'm blushing. Gusto ko mang tumawa ay hindi ko magawa dahil mas nanaig ang hiya ko. I'm thinking about his sister, me and her we're intensely kissing. Mas namula ang mukha ko nang marinig ang mas malakas na tawa ni Anwyll. - Nakapagpaalam na ako sa kaibigan ko na mag-pe-prepare ako ng dinner date namin ni Analyn sa may pool area at pumayag naman ito. Nagpatulong pa ako sa mga katulong para lang maging maayos ang table. Nag-order na lang ako nang pagkain dahil gahol na sa oras. Dinala ko na ang susuotin ko kaya ready na talaga ako for tonight. I volunteered na ako na ang tatawag sa dalaga. I'm so excited to see her. Natulala ako nang bumungad sa akin ang magandang katawan ni Analyn. Napamura ako. Nagulat ako, ikaw ba naman ang makakita ng babaeng bra at panty lang ang suot. Sinabi ko ritong magbihis muna ito. Mabilis din akong tumalikod. Ang bilis-bilis nang t***k ng puso ko. Feeling ko nga ay lalabas na 'yon sa sobrang lakas. Nang-iinit din ang magkabilang pisngi ko. Para lang akong teenager na nag-bu-blush kapag nakikita ang crush. Hindi ko makalimutan ang magandang katawan ng dalaga. She has a perfect body. Kinalma ko ang sarili ko. Nagbilang pa ako ng tupa, makalimutan ko lang ang nakita kanina. Pero hindi rin umubra, lalo na at nakita ko itong pababa na ng hagdan. Nahipnotismo na naman ako. Damn! She's really beautiful, kahit simpleng damit lang ay maganda pa rin ito. Kime ko itong nginitian. Kinakabahan na naman ako. Amoy na amoy ko ang perfume na gamit ni Analyn. Nagulat ako nang magtanong ito kung may gusto ako sa kanya, and I answered her 'yes'. Walang halong biro o anopaman. But my heart torn into pieces when I heard what she told me. I felt my heartbeat stop, and my whole world crushed! She doesn't like me, she hated me. Hindi kaagad nag-sink in 'yon sa utak ko ang mga sinabi ng dalaga. Nang mawala ang dalaga sa harapan ko ay tsaka pa lang bumalik ang normal na paghinga ko. Pero malakas pa rin ang t***k ng puso ko. Kumuyom ang mga kamao ko. Hindi pa nga ako nakakapanligaw basted na kaagad. "Basted agad?" napalingon ako nang marinig ang boses ni Anwyll. Nakita ko ang ngiti nito. Tsk! Pinagtawanan pa talaga ako. "Nag-uumpisa pa lang ako. I will chase her, no matter what." Pangako ko sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD