Chapter Five- I hate you! Analyn

1411 Words
Namumula ang mukha ko dahil sa pinaghalong hiya at inis. Hindi ako makapaniwalang aakusahan ko si Iñigo na stalker ko. Anong sumapi sa kukute ko para pagbintangan ang binata. Paano na lang kung banggitin niya 'yon kay Kuya Anwyll? Tsk! Alright, inaamin ko naman talaga na hindi ko gusto ang binata kahit wala naman 'tong ginagawang masama sa akin. But I think I crossed the line. Napabuntonghininga ako. Hindi naman niya ako masisisi dahil nagulat ako nang makita ito, pero ang binata ay hindi man lang nagulat. So, I thought na sinusundan niya ako, lalo na kanina, feeling ko may nakamasid sa akin. You're just being paranoid, Analyn. Anang isipan ko. Hindi ko rin naman alam na may kasama itong babae at mukhang ang sama ng tingin sa akin. Is she his girlfriend? Pakialam mo ba? Sigaw ng isipan ko. Tama, wala akong pakialam sa binata. Kinalma ko muna ang sarili ko sa loob ng sasakyan. Ilang sandali pa ay pinasibad ko na ang kotse ko. Pagpasok ko pa lang ay nakita ko kaagad si Kuya Anwyll na nakaupo sa couch habang may hawak na libro. Umangat ang paningin niya sa akin. Isang tipid na ngiti lang ang ibinigay ko rito. I'm tired. Nakita ko ang pagtayo nito pero hindi ko na ito pinansin at akmang lalagpasan ko na siya nang magsalita ito. "What happened? Bakit iba ang nakikita ko sa mukha mo?" tanong nito. Lumingon ako sa kapatid ko. "Nothing. Ano bang nakita mo? Ganda ko?" sarkastiko kong tanong. Pinagtaasan ko pa ito ng kilay. Malakas namang natawa si Kuya. Wala namang nakakatawa. Tss. "Stop laughing." Mariin kong saway rito. Tumigil naman ito at tiningnan ako. "Uuwi na sila Dad at Mom next week, so be ready." Seryoso nitong imporma. Hinahanap ko sa mukha nito kung nagbibiro lang ba ito o hindi. He's serious. Nakaramdam ako ng kaba sa puso ko. Ready for what? "I don't care." Tanging sagot ko at tinalikuran ko na si Kuya. I'm tired at gusto kong magpahinga lalo pa at napahiya ako kanina sa nerd na 'yon! Pagkapasok ko sa kwarto ay mabilis kong hinubad ang damit ko. Tanging panloob ko lang ang iniwan ko. Tumalon ako sa kama ko. Nang maramdaman ko ang lambot ng kama ay agad akong hinila ng antok. Sunod-sunod na katok ang nagpagising sa akin. Pagtingin ko sa oras ay pasado alas-syete na ng gabi. Tagal din pala akong nakatulog. Kinurap-kurap ko muna ang aking mga mata, bumangon na ako nang muli na namang kumatok ang nasa labas. Nakalimutan kong bra at panty lang ang suot ko, humakbang na ako papalapit sa pinto at pinagbuksan ang kumakatok sa labas. Pagbukas ko ng pinto ay hindi na natuloy ni Iñigo ang pagkatok sana nito. Naiwan sa ere ang kamay nito. Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata ng binata at ilang beses din itong napalunok. Tumaas ang kilay ko. "Anong kailangan mo?" mataray kong tanong. Hindi ako nagpahalata na napahiya ako kanina sa harapan niya. Mataas ang pride ko, ayaw kong makita niya na naapektuhan ako sa nangyari kanina. Bumaba ang paningin nito sa katawan ko. Hindi ko sure kung nag-blush ba ito o hindi dahil sa kulay ng balat ng binata, pero parang namumula ang mukha nito. Natawa ako sa hitsura ni Iñigo. "Ngayon ka lang ba nakakita ng sexy?" taas-kilay kong tanong at proud na proud ako sa sarili ko. "P-pwede. . ." nauutal nitong saad. Hindi matuloy-tuloy ang sasabihin sa akin. "What? You're wasting my time!" singhal ko rito. Napalunok itong muli, sinulyapan niya muna ako bago ito umiwas ng tingin sa akin. "P-wede b-ang magbihis k-ka muna?" mahina nitong saad pero narinig ko pa naman ang sinabi nito. Nang tingnan ko ang sarili ko ay maka-ilang beses akong napamura. What the heck? Really Analyn? Nakipag-usap ka habang bra at panty lang ang suot mo? Gusto kong pagsasampalin ang mukha ko dahil sa labis na kahihiyan. At talagang sa harap pa ng nerd na ito. Kinapalan ko na ang mukha ko. Ayaw kong makita niyang naapektuhan ako. Pinatatag ko ang aking sarili. "Ano bang masama kung mag-usap tayong nakaganito ako? Are you not comfortable?" nilakipan ko ng mapang-akit na boses ang pagtatanong ko sa binata. Nakita ko kung paano ito naapektuhan kaya napangiti ako. "B-babalik na lang ako m-mamaya." Mahina nitong saad at mabilis na bumaba sa hagdan. Gusto ko mang tumawa ay hindi ko magawa dahil sa nakakahiyang pangyayaring ito. Malakas kong sinarado ang pinto na maging ako mismo ay nabingi sa lakas nang pagbagsak niyon. "Ahhh!!!" malakas kong sigaw. I can't believe na sa isang araw ay dalawang beses rin akong mapapahiya! And all of the people sa taong kinaiinisan ko pa talaga. Nagpagulong-gulong ako sa kama ko. Wala na akong mukhang maihaharap sa nerd na 'yon. s**t! Magpapatalo ka na lang ba? Remember, you are a spoiled brat! Walang inuurungan at walang kinatatakutan. Sigaw ng isipan ko. Inayos ko ang sarili ko, breathe in, breathe out. Kailangan kong ayusin ang pagmumukha ko sa harapan ni Iñigo. Nagbihis ako, isang loose t-shirt na hanggang sa hita ko ang haba at pinaresan ko lang 'yon ng dolphin shorts. Sinuklay ko ang aking buhok. Kailangang sopistikada pa rin ang dating ko kahit nasa bahay lang ako. Binuksan ko ang drawer at kukunin ko sana ang headband ko nang mahagip nang mga mata ko ang pulang sobre na ibinigay ni Iñigo sa akin. Na-curious ako at kinuha 'yon. Humakbang ako papunta sa kama ko. Umupo ako roon. Pinakatitigan ko 'yong sobre. Dahan-dahan ko 'yong binuksan. Kinuha ko ang sulat sa loob. Wala namang nakasulat sa labas kaya inilagay ko na lang 'yon sa gilid ko. Maayos ang pagkakatupi ng papel at mukhang mamahalin ang ginamit nito dahil naamoy ko ang amoy rosas galing sa papel. Inamoy ko muna 'yon bago binuksan. Tumaas ang kilay ko. In fairness ang ganda ng sulat kamay nito. Parang babae lang ang nagsulat. Hindi kaya bakla siya? Oh my goodness! Napailing na lang ako sa aking naisip at binasa ang nakasulat sa papel. My Analyn, I'm sorry kung naging pangahas ako at hinaplos ang makinis at maganda mong mukha nang walang pahintulot mo. Hindi ko lang naman napigilan ang sarili ko. You're so beautiful that I can't take my eyes off you. This is the first time I felt to someone like this. The spark, my heart beat faster whenever I see you. I think I'm falling in love with you. Hindi kasi ako marunong manligaw kaya dinaan ko na lang sa sulat. I know you didn't like me, I can saw it in your precious beautiful eyes. But I will try my luck. I hope it's okay with you if I court you? Let's know each other first. Hoping for your answer. P.S- let's have a dinner date tonight. Take care. Loving, Iñigo. Laglag ang panga kong tiniklop ang sulat. Gusto kong bumunghalit ng tawa. Kaya pala inakyat niya ako rito dahil may pa dinner pala ito. Napailing-iling ako. Sasabihin ko na kaagad sa kanya ang sagot sa tanong nito. Wala itong pag-asa, aside sa hindi ko ito type ay hindi ko rin ito gusto. Ibinalik ko ang sulat sa sobre at ibinalik ko sa drawer. I compose myself. Bumaba na ako at nakita ko kaagad ang binata. He's waiting for me. Akala ko ba girlfriend nito 'yong babae? Or I'm just assuming. Mabilis ko itong nilapitan. Nakita ko ang kime nitong pag-ngiti. Tumaas lang ang kilay ko at walang emosyon ko itong tiningnan. Humakbang ako papalapit sa binata. Halatang kabado ito. I saw it in his eyes. Nang magkaharap kami ay hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. "Do you like me?" deretso kong tanong. Alam ko na naman dahil sinabi niya sa sulat na mahal na niya ako. Lumunok ito ng ilang ulit. "Y-yes, I like y-you. . . I love you." Kahit nauutal ay hindi ito nagsinungaling. Umamin talaga siya sa tunay nitong nararamdaman para sa akin. Ang tapang lang din. Nais kong matawa pero pinigilan ko ang sarili ko. "Well, hindi tayo magkatulad ng nararamdaman. I hate you." Mariin kong saad sa kanya. Nakatingin ako ng ng deretso sa mga mata ng binata. Walang kakurap-kurap. Kitang-kita ko kung paano ito natigilan. Buti nga sa kanya. I hate him, 'yon lang ang nararamdaman ko para sa kanya. Mabilis akong tumalikod sa binata na hanggang ngayon ay nakatulala pa rin at hindi magawang makapag-react sa sinabi ko. I don't care about him, kahit magmakaawa pa siya hindi ko pa rin ito magugustuhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD