Nakatulala ako habang nakatitig sa pulang sobre na ibinigay ni Iñigo sa akin. I don't get him. Gusto kong matawa sa ginawa nito, he is like a teenager. Nasa millennials na kami ngayon, hindi na uso ang love letters. Napailing na lang ako. Should I open this? Napabuntonghininga ako. Ayaw kong maguluhan kaya inilagay ko sa drawer ko ang pulang sobre. Later ko na lang ito babasahin. He's a pathetic. Dahil bored ako ay naisipan kong magpunta sa mall. I must chat my TSP friends. Nag-type ako ng message sa kanila.
TSP GC:
Me: Everyone gusto niyo bang sumama mag-mall? I'm so bored here.
Jaqui: I'm in!
Joy: Sorry guys, I'm busy.
Fe: Let's go!
Juliet: I have a headache, maybe next time na lang.
Shessa: Count me in!
Napangiti ako sa mga sagot nila. At least may kasama ako. Nag-reply ako ng 'okay' sa kanila. Inilagay ko sa table ang cellphone ko at mabilis na pumasok sa banyo.
Matapos akong mag-shower ay naghanap kaagad ako ng maisusuot. I choose my gray fitted V-neck shirt, I paired it with my fitted black jeans. Kinuha ko ang sneakers ko at isinuot 'yon. Sinuklay ko ang aking buhok at naglagay ako ng white turban sa ulo ko. Matapos na makapag-ayos ay kinuha ko ang bag at cellphone ko. Tiningnan ko muna kung may message ang mga kaibigan ko.
TSP GC:
Jaqui: I'm on my way.
Fe: Me too.
Shessa: I'm already here guys.
Me: On the way na rin ako.
Matapos kong ma-send ang message ko ay lumabas na ako sa kwarto ko. I will call Kuya Anwyll na lang mamaya, wala na akong oras para magpaalam pa sa kanya.
Sumakay kaagad ako sa kotse ko.
Habang nagmamaneho ay nangingiti ako. Tagal ko na ring hindi nakakasama ang mga kaibigan ko. Hindi naman kalayuan ang mall sa subdivision na tinitirhan namin.
Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa mall. Inayos ko muna ang pagkaka-park sa kotse ko bago ako bumaba.
Naglakad na ako papunta sa loob ng mall. Alam ko na naman kasi kung saan kami magkikita-kita eh. Sa favorite coffee shop kami madalas na magkita. Pagdating ko sa second floor ay agad kung nakita si Shessa, wala pa ang dalawang kaibigan namin.
Mabilis akong lumapit sa pwesto nito.
"Besh!" agad kong bati sa kaibigan ko. Nagbeso kaming dalawa.
"How are you?" si Shessa sa akin. Umupo kaming dalawa habang hinihintay ang dalawa pa naming kaibigan.
Hindi kami kagaya ng magkakaibigan na magkaklase or childhood friends. Nabuo ang pagkakaibigan namin through online. May favorite actor kami na kinahuhumalingan and after we saw each others comment on social media, nag-communicate kami hanggang sa mabuo ang TSP, after so many years of chatting, we decided to meet, para mas lalong tumibay ang pagkakaibigan namin.
Nasapo ko ang aking noo nang pitikin 'yon ni Shessa. Nagtataka ko itong tiningnan.
"Argh! What's wrong with you?" nakasimangot kong tanong dito.
"You're zoning out, besh!" mataray rin nitong sagot.
"Tsk! Naalala ko lang 'yong past natin." Kwento ko rito. Nakita ko itong umismid.
"Di ka pa nakaka-move on?" natatawa nitong tanong. Natawa na rin ako.
Ilang sandali pa ay sabay na dumating sina Fe at Jaqui.
"Analyn!" sabay-sabay nilang bati. Tumayo ako at bineso ang aking mga kaibigan.
"Ba't ang tagal n'yo?" nakasimangot kong tanong.
"Traffic!" sagot ni Jaqui. Tumango na lang ako. Ang importante ay dumating sila.
Umupo na kami at tinawag ang waiter para sa aming order.
"Kumusta kayo?" tanong ko.
"Maganda pa rin ako." Nakangiting sagot ni Jaqui. Natawa na lang kami sa kakwelahan nito.
"Walang may sabi." Biro ni Fe.
"May nagtanong naman!" sagot nito.
"Walang may pakialam sa sagot mo!" biro ulit ni Shessa. Sasagot pa sana si Jaqui nang dumating ang waiter dala ang order namin.
Masaya kaming nagku-kwentuhan nang makaramdam ako ng kakaiba. Lumingon ako sa likod ko. Feeling ko may nakatingin sa akin. Pero wala naman akong nakita.
"Analyn, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Fe sa akin. Nakita siguro nito ang pagkunot nang aking noo.
"I'm fine. Akala ko kasi may nakatingin sa atin eh," sagot ko. Ngumiti ako sa kanila.
Lumingon sila sa likod ko.
"Wala naman eh," si Shessa. Umiling-iling ako.
"Baka nagkamali lang ako." Nakangiti kong saad.
"How about 'yong sinasabi mong hate mong tao?" si Jaqui, seryoso itong tumingin sa akin. Napalunok ako sa tanong nila. Paano ko ba sasabihing hindi ko lang talaga ito gusto. Na walang valid reason bakit ayaw ko sa binata. Para lang akong baliw 'di ba?
Humugot ako ng hangin at ibinuga 'yon.
"He's Kuya Anwyll's friend. First meeting pa lang namin ay nakakaramdam na ako nang pagkadisgusto sa binata. I don't know why, pero ganoon 'yong feeling ko sa kanya eh." I explained to them. Seryoso naman akong tinitigan ng tatlo.
"Gwapo ba?" si Fe sa akin. Nag-isip ako. I admit that he's a good looking minus the hairstyle. Bumuntonghininga muna ako bago sinagot si Fe.
"Yes," maikli kong sagot. Ano namang connection n'on sa nararamdaman ko sa binata?
"May nararamdaman ka bang kakaiba? Like, spark habang magkadikit 'yong palad niyo or kung bumibilis ang t***k ng puso mo kapag nakikita siya, mga ganoong feeling?" tanong ni Jaqui. Ano bang klaseng tanong iyon? May kinalaman ba 'yon sa nararamdaman ko para sa binata? Nag-isip ako ng mabuti. I'm sure wala akong naramdaman sa binata katulad nang tinatanong nila.
"Wala. Hindi ko nararamdaman sa kanya 'yong sinasabi niyo." Naiiling kong sagot.
"So, baliw ka lang besh! Pa-check up ka na at baka lumala 'yang sakit mo!" natatawang saad ni Shessa. Kumunot naman ang noo ko.
"Wala naman akong sakit!" naiinis ko nang saad dito. Nalilito na nga ako, magbibiro pa ito. Napasimangot ako ng sabay na matawa ang mga kaibigan ko. May mga saltik talaga!
"Anong nakakatawa?" mataray kong tanong.
"Ikaw! Baka lumuwag na 'yang turnilyo mo sa utak! Tsk!" malakas pa ring tumawa si Jaqui. May napapatingin tuloy sa amin na ibang customer.
"Yang bibig niyo!" sita ko sa kanila. Napainom pa si Shessa sa juice nito, habang parang hiningal naman sa kakatawa si Fe.
Pero si Jaqui parang ayaw pa atang tumigil kakatawa. Ang sarap lang sabuyan nitong iniinom ko. Napairap na lang ako.
"Mawawala rin 'yan. Baka may nakita ka lang sa kanya na hindi mo nagustuhan," si Fe. Nagkibit-balikat ako. Siguro nga, 'di ko kasi type ang hairstyle nito.
Matapos kumain ay naglibot-libot muna kami sa mall. Wala naman kaming bibilihin pero baka may makaagaw ng attention ko.
"Saan tayo?" si Jaqui. Nagkatinginan kami ni Fe. Ang sarap siguro manood ng sine.
"Manood kaya tayo ng sine?" suhestyon ko. Nakita kong tumingin si Shessa sa kanyang relos, umangat ang paningin nito sa amin.
"Isang oras na lang ang free time ko." Imporma nito. Tumaas ang kilay ko. May pinagkakaabalahan ata ang isang 'to.
"Ako it's fine with me." Sang-ayon ni Jaqui.
"May aasikasuhin din ako mamaya, no ako sa panonood ng sine." Tanggi agad ni Fe. Napabuntonghininga na lang ako.
Nagtungo na lang kami sa photo booth na naroroon. Pumasok kami at saka nag-picture taking. Tawang-tawa kami sa aming mga hitsura nang makita namin ang litrato. We we're like a child. Nakaka-miss rin ang maging bata.
Matapos kami sa photo booth ay nagpaalam na sina Fe at Shessa.
"I should go, busy na kasi ako. Nilaan ko lang talaga ang free time ko para makasama ko kayo. Chat na lang tayo. Bye!" paalam ni Shessa sa amin. Nag-beso muna kami bago umalis.
"I gotta go too. See you next time okay? Bye and take care guys!" paalam rin ni Fe.
Kaming dalawa na lang ni Jaqui. Pareho kaming tahimik.
"Anong gagawin natin? Ayaw ko pang umuwi sa bahay." Nakangusong saad ko.
"Mag-jack en poy na lang tayo." Seryoso ang mukhang saad ni Jaqui. Laglag ang panga ko 'tong tiningnan.
"Baliw ka na." Naiiling kong pahayag.
"And so you are." Nakangisi nitong saad.
Inirapan ko lang ito. Naramdaman ko na namang may nakatingin sa akin. I feel it. Nagpalinga-linga ako. Pero wala naman akong makitang nakatingin o nakamasid sa akin. Napapitlag ako nang tumunog ang cellphone ni Jaqui. Nagtataka niya tuloy akong tiningnan. I mouthed her I'm fine, bago pa nito sinagot ang sinomang tumatawag sa kaibigan ko.
"What?!" malakas nitong sigaw. Hinampas ko ito sa braso dahil napalingon ang ibang customer sa banda namin. Ako 'yong nahihiya sa para sa kanya.
Wala na akong narinig mula kay Jaqui at para itong natulala sa sinasabi ng kausap. Ilang sandali pa ay ibinagsak nito ang cellphone sa mesa. Nakita ko ang inis sa magandang mukha nito. She is a little bit disturbed and at the same time frustrated.
"Is there something wrong?" mahina kong tanong dito. Umiling-iling ito at tila kinakalma ang sarili.
"Si Dad, paladesisyon." Mariin nitong wika, nahimigan ko pa ang galit nitong boses.
Bigla itong tumayo kaya napatayo na rin ako.
"I should go. I'm sorry at hindi na kita masasamahan." Apologetic nitong saad.
Umiling ako rito at niyakap ito.
"It's fine. Don't worry about me. Mag-ingat ka." Bilin ko rito. Tumango lang si Jaqui at saka tinalikuran ako.
Umupo akong muli at nilaro-laro ko ang straw sa baso ko. I felt the emptiness inside me. Humugot ako ng malalim na hininga. I should go home para makapagpahinga ako.
Natigilan ako nang maramdaman kong muli ang maiinit na titig sa akin. Paglingon ko ay siyang pagtatama nang mga paningin namin ni Iñigo. Kumunot ang noo ko. Kanina pa ba siya dyan? Hindi man lang ito nabigla nang makita ako. Is he eyeing on me? He's like a stalker. Mas lalo lang kumunot ang noo ko.
I'm really not comfortable with him. Ako na ang nag-iwas ng tingin dahil mukhang wala itong balak na iiwas ang paningin sa akin. Dahil sa inis sa binata ay tumayo ako at inilang hakbang lang ang kinatatayuan nito. Tiningala ko ang binata dahil matangkad ito.
"Stalker ba kita?" mahina ngunit mariin kong tanong dito. Naguluhan naman itong napatingin sa akin. Is he going to deny it? I doubt that. Kanina pa ako nakakaramdam na may nagmamasid sa akin.
Bubuka na sana ang bibig nito nang may sexy'ng babae na lumapit kay Iñigo.
"Let's go?" malambing nitong yaya sa binata at pinagtaasan pa ako ng kilay. Dala ng sobrang hiya ay mabilis akong tumalikod. s**t! Mura ko sa aking isipan.