Chapter Three- Love letter, Analyn

1686 Words
Pumunta nga kami nina Kuya sa farm namin, hindi naman malaking farm ang pagmamay-ari namin. I wear my white fitted V-neck shirts, I partnered it with my black tight-fitting trouser and I put my riding leather boots. Kinuha ko rin ang jacket ko at itinali iyon sa may baywang ko. Itinali ko rin ang mahaba at alon-alon kong buhok. Naglagay ako ng cream at pressed powder. Pinahiran ko rin ng lip balm ang labi ko. Nag-spray na rin ako ng perfume. When I'm satisfied with my looks ay bumaba na rin ako. Isinabit ko lang ang sling bag sa braso ko. Pagkababa ko ay nakita ko kaagad si Iñigo. He is looking at me intently. Wala itong kakurap-kurap na nakatingin sa akin habang pababa ako. Tsk! I want to roll my eyes dahil naiinis ako sa paninitig nito. Ewan ko ba, basta hindi ko talaga gusto ang presensya niya. Sabi ni Kuya mabait daw ito. But I don't feel it. Nang makababa ako ay walang expression ang mukha ko itong tinanguan. "Y-your beautiful." Mahina nitong puri sa akin na halos hindi umabot sa tenga ko. Nilingon ko ito at saka pekeng ngumiti. "Thank you." Nasabi ko na lang. Iniwas ko na rin ang tingin ko sa binata, pero nararamdaman ko pa rin ang init ng tingin nito. Nasaan na ba kasi si Kuya? Speaking of the devil ay bumaba na nga si Kuya Anwyll. Ngiting-ngiti habang nakatingin sa amin. "Bro!" bati nito kaagad kay Iñigo at nag fist bump pa sila. Hindi ko na napigilan ang pag-ikot ng mga mata ko. "Little sister!" nakangisi nitong bati sa akin. "Kuya!" I warned him. Malakas lang itong tumawa at nang mapadako ang tingin ko kay Iñigo ay may munting ngiti ito sa kanyang labi. Tsk! Wala namang nakakatawa. Sa isip ko. "Let's go! Mataas na ang sikat ng araw!" naiinis kong pahayag. Nauna na akong lumabas ng bahay dahil naiirita pa rin ako kay Kuya. Hindi naman malayo ang farm mula rito sa subdivision na tinitirhan namin, siguro nasa isang oras lang ang biyahe. Sumakay kaagad ako sa loob ng sasakyan. Padabong kong isinara iyon. Napatalon pa sa gulat ang driver namin na nasa loob na pala ng kotse. "I'm sorry!" hinging-paumanhin ko kay Mang Tan. Nginitian niya lang ako. Ipinikit ko ang aking mga mata. Naramdaman kong pumasok na sila sa loob ng kotse. Hindi ako nagmulat at akala ko si Kuya Anwyll ang katabi ko. Napamulat ako nang magsalita si Kuya sa harapan ko. Kunot-noo ko tuloy na tinignan ang katabi ko. He shyly smile at me. Tumango lang ako rito. Gusto ko nga sanang magreklamo na magpalit na lang sila ni Kuya ng pwesto, pero nahihiya ako. Kahit hindi ako komportable ay itinikom ko na lang ang aking bibig. Nang makarating kami sa farm ay agad din akong nagising. Nagulat pa ako nang makita ko si Iñigo na nakatitig sa akin. "Is there something wrong?" lakas-loob ko ng tanong dito. Nahihiya itong nag-iwas ng tingin. Umiling ito. Hinihintay ko itong magsalita. Tumikhim muna ito bago ako sagutin. "G-gigisingin sana kita eh." Nauutal nitong sagot. Tumango lang ako. Hindi ko na makayanan pa ang presensya ng binata. "Thank you." Nasabi ko na lang at lumabas na ako sa kotse. I need to breathe, I felt like I'm suffocating when his around. Mabilis akong naglakad papunta sa pwesto ni Kuya Anwyll. Naramdaman ko ang pagsunod sa akin ni Iñigo. Hindi ko na lang ito pinansin. "Kuya!" tawag pansin ko sa kapatid ko. Lumingon naman ito sa akin. "Let's go!" excited na yaya ni Kuya sa amin. Iginaya ko sila sa kulungan ng mga kabayo. Hindi naman marami ang kabayo rito dahil ang inaalagaan talaga rito sa farm ay mga baka at kambing, may mga manok rin at mga bebe. Napangiti ako nang makita ko si Snow. Nag-ingay kaagad ito ng himasin ko ang ulo nito. "Did you missed me?" kausap ko pa sa aking kabayo. Muli itong nag-ingay tila ba sinasagot ako ni Snow. Mas lalo akong napangiti. Tinulungan ko muna sina Kuya Anwyll at Iñigo sa pagkuha ng kabayo nila. Isang itim na kabayo ang kinuha ko para kay Iñigo, ginagamit 'yon ni Dad kapag nangangabayo kami. Si Spartan ang pangalan ng itim na kabayo. Hinawakan na ni Iñigo ang tali nang iabot ko 'yon sa kanya. Kinuha ko naman si Lightning, isang kulay brown na kabayo. Isa ito sa pinakamabilis na kabayo rito sa farm, si Kuya ang sasakay kay Lightning. Inilabas ko na rin si Snow. Sumampa na ako kay Snow. Nakita ko kung paano sumampa si Iñigo kay Spartan. Sanay na sanay ang binata, sa tingin ko. Nagtagal ang titig ko sa binata at hindi ko namalayang nakatitig na rin pala ito sa akin. Agad akong umiwas ng tingin. He caught me staring at him. It's a stupid moved, Analyn. Kastigo ng isip ko. Pinatakbo ko na lang si Snow. Medyo ginanahan ako sa pangangabayo. Well, ang tagal na rin kasi n'ong huli akong sumakay kay Snow. So, I want to have a good time with her. Nang mapagod ay bumalik na kami sa kulungan ng mga kabayo. Hinimas-himas ko muna si Snow bago ako umalis. Sumakay na kami ni Kuya ng kotse papunta sa rest house namin. May kasambahay na rin na nag-aasikaso para sa pagkain namin. After naming kumain at maglibot-libot sa farm ay naisipan na rin naming umuwi. Habang nasa biyahe ay nakatulog ako, sa sobrang pagod siguro. - Nakaramdam ako na tila ba may humahaplos sa aking pisngi. Ang init ng pakiramdam ko. Nagmulat ako ng mga mata. Muntik na akong mapasigaw nang makita kong si Iñigo ang humahaplos sa pisngi ko. Agad kong tinabig ang kamay nito. Hindi naman ako natatakot sa binata, kaya lang nakaramdam ako ng pagkainis sa pagiging pangahas nito. "Anong ginagawa mo?!" singhal ko rito. Hindi ko napigilan ang inis ko. Nakita ko naman ang paglunok nito. Inayos nito ang kanyang eyeglasses. "I-im sorry, n-nagagandahan lang ako sa 'yo." He explained. Natawa ako ng pagak. "Do you like me?" walang paligoy-ligoy kong tanong. Nakita ko ang paglaki ng mga mata nito. Bumuka ang bibig nito ngunit walang lumabas na salita mula rito. Magsasalita na sana ako nang kumatok si Kuya sa may bintana. "Halina kayo!" yaya ni Kuya. Mabilis akong lumabas at nagmamadaling naglakad papunta sa loob ng bahay. I really hate him! Isang pangahas. I need to clean my face with anti-bacterial soap, and I will spray it with the alcohol. Nang maalala ang tanong ko sa binata kanina ay kinilabutan ako sa magiging sagot nito. How disgusting! Matapos akong mag-shower ay umupo ako sa vanity mirror ko at binuksan ang aking social media account. Gusto kong makipag-video call sa mga kaibigan ko. I missed them so much. They are my online friends. Hinanap ko sa contacts ang TSP group chat. Pinindot ko kaagad ang video call button. Ilang sandali pa ay nakita ko na ang mukha ko sa screen. Isa-isang sumali sa video chat ang mga kaibigan kong sina Joy, Fe, Juliet, Shessa at Jaqui. "Bakit ka tumawag?" si Fe, mukha itong may ginagawa dahil hindi ito nakaharap sa camera. "Guys, nakaramdam na ba kayo na may kinaiinisan kayong isang tao?" I asked. Tumawa si Juliet at Joy sa tanong ko. "Of course! Anong tanong naman 'yan." Naiiling na saad ni Juliet sa akin. "Pero iba kasi eh, kakikilala ko lang sa kanya, pero unang kita pa lang ay naiinis ka na sa kanya, wala naman siyang masamang ginagawa, pero hindi ako komportable kapag nasa paligid ko ito. I hate him, ganoon 'yong feeling ko eh! I don't understand it." Pagpapaliwanag ko pa. "You like him." Simpleng sagot ni Joy. "I don't think so. Hindi ganoon ang nararamdaman ko sa kanya eh," sagot ko. "Ang labo mo rin eh. Hate mo 'yong tao na walang ginagawang masama sa 'yo. Ano 'yorn?" taas-kilay na tanong ni Jaqui. Napabuntonghininga ako. Baliw na ata ako. "Isipin mo munang mabuti ang nararamdaman mo, baka nalilito ka lang sa ngayon," si Shessa. Tumango-tango ako habang nag-iisip. "Thank you sa inyong lahat. I love you guys." Madamdamin kong pahayag sa kanila. Masaya nila akong nginitian. Napahiga na lang ako sa kama ko at napatitig sa kisame. I don't really know why I hate him. - Kumakain ako nang almusal sa dining room. Ako lang mag-isa ang kumakain, baka tulog pa si Kuya. Nang matapos na akong kumain ay naisipan ko munang magpahangin sa may garden. Nakapikit ako habang nilalanghap ang sariwang hangin. Wow! I love the fresh air. Napamulat ako nang makarinig ako ng tumikhim sa likuran ko. Lumingon kaagad ako. Nakita ko ang nakangiting mukha ni Iñigo. Ayan na naman ang inis sa puso ko, umaahon na naman. Wala naman sana itong ginagawang masama sa akin. "Why are you here?" mataray kong tanong. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawang paghaplos nito sa akin. Humakbang ito papalapit sa banda ko. "I want to say I'm sorry, sa paghaplos ko sa 'yo. I don't want you to think that I'm a. . . pervert." Tumaas ang kilay ko sa huli nitong sinabi. "Hindi nga ba?" taas-kilay kong tanong. Nanlaki naman ang mga mata nito. "Of course not!" tanggi nito sabay iling. Gusto kong matawa sa nakikita kong hitsura ng binata. "You may go. Si Kuya na lang ang kausapin mo." Malamig kong saad at saka tinalikuran ito. "Wait!" tawag nito at pinigilan ako sa aking braso. Agad ko namang iwinaksi ang kamay ni Iñigo na nakahawak sa braso ko. My goodness! Naiinis na naman ako sa binata. "What?!" hindi ko napigilang singhalan ito. Medyo nagulat pa ito sa pagtaas ng boses ko. May kinuha ito sa kanyang suot na jacket at ibinigay niya 'yon sa akin. "What is that?" I ask him. Ilang beses itong lumunok at nanginginig ang kamay na inabot sa akin ang isang pulang sobre. "I-it's a l-love letter, f-for you." Nauutal nitong sagot. Mabilis nitong inilagay 'yon sa aking kamay, magsasalita pa sana ako nang bigla itong kumaripas ng takbo. What was that? A love letter? Seriously? Gusto ko sanang matawa kaya lang mas lumamang pa rin ang inis na nararamdaman ko sa binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD