Kabanata 2

3600 Words
Kabanata 2 Tatlong araw pa lang mula nang magsimula ang klase pero pag iniisip ko yung mga gagawin, yung pagod ko pang buong sem na. Nandito kami ngayon sa corridor sa tapat ng classroom namin dahil sa sobrang bored. Imagine, ang aga aga namin pumasok tapos wala si Mr. Xavier? Kanina pa kami nag iinarte pero deep inside tuwang tuwa kami. "Sweety pieeee!" Sigaw ni andre habang naka ambang yumakap. Agad ko naman hinatak si jade sa harap ko kaya ang nangyari ay sakanya tumama si andrei. "Sorry, jaaaade!" Natatawa kong usal. Sinamaan lang niya ako ng tingin at saka tumayo. "Masakit 'yon, ha! Hoy, andrei, tigil-tigilan mo 'tong kaibigan ko ha. Bawal 'yan mag jowa." Sabay kaming natawa ni andrei dahil sa sinabi niya. I shook my head. Andrei is not serious about me, he just want to tease me. He really love to see me pissed. That's all. Balita ko rin ay may pinopormahan 'to sa TVL. "Hey." Kararating lang ni josh, galing kasi siya sa library dahil sa book na hiniram niya. "Hihiram din ako ng book do'n mamaya. Pero sa accasia ako mag babasa. Maganda ang panahon ngayon, relaxing." Sabi ko. "Sige do'n tayo mamaya. Btw, may kilala ka ba sa STEM-1? sa Grade 12?" kunot noong tanong niya. "Huh? wala. Bakit?" napataas naman ang kilay niya halatang naguguluhan. "Narinig ko kasing pinag uusapan ka nila vier." Sabi niya sabay tingin sa floor grade 12 STEM. Katapat. lang kasi namin ang floor nila. Pagharap ko saktong tumama ang tingin ko sa grupo nila vier. Nagtatawanan sila kasama yung traisce- WHAT?! kasama yung traisce?! ano naman kayang oinag uusapan nila tungkol sa'kin? "Si vier, may konting interactions kami dahil inapproach niya ako nung try outs. The rest wala na." Sabi ko at humalum baba. "Ano naman ang narinig mo? chismoso ka, pres." Biro ko at natawa naman siya. "I didn't understand clearly. Narinig ko lang ang name mo tapos umalis na ako." Painosenteng tugon niya. "Ano ba naman 'yan, pres. Sasagap ka na nga lang ng balita, kulang kulang pa. Hala ka! pumunta ka ro'n at magtanong ka." i joked and pushed him slightly. Natigilan naman siya at napaawang ang bibig na napatingin sa'kin. He gasp and i laughed really hard. Napatigil lang ako sa pag tawa nang naglingunan sa gawi namin ang mga estudynate mula sa kabilang floor at ang mga nasa floor namin. Namula naman ako sa kahihiyan at tumawa rin nang malakas si josh. "You looked shock!" tawa pa niya. "You're reaction was priceless, vice pres." tawa niya ulit napa hawak pa sa tyan. "Ang lakas ng tawa mo. Mukha kang mahinhin pero yung tawa mo, tawang pang kargador. May mega phone ka ba sa lalamunan?" Tawa pa niya habang naka hawak yung isang kamay sa tyan at naka duro sa'kin. Lintek na 'to. Ngumuso lang ako at tinalikuran siya. Pumasok na ako sa loob ng room at kunwaring hindi siya pinapansin. "Hey!" sigaw niya pagtalikod ko. "H-hey! ayana! I was just kidding!" natatawa pa rin siya. Buwiset ka sa buhay ko Joshua De Vera! "Hey, im sorry. It was j-just... uh- nevermind." sabi niya habang nag pipigil ng tawa. "Letse ka talaga! Nakakahiya!" pagmamaktol ko at naupo na. Naaga ang atensyon namin sa kumatok ng pinto. "President ng HUMSS po!" Sigaw ni vier with his annoying grin. Anong problema nito? "Why?" tumayo si josh at lumapit. May sinabi si vier na hindi ko narinig at tumama ang tingin ko sakanilang dalawa. Tinaasan ko lang sila ng kilay at sabay silang natawa. Seriously? Tumango tango si josh at umalis na si vier. "Yung may mga sports daw na sinalihan dito, punta lahat sa gym. Mr. P.O, ikaw muna ang dito ha, may meeting lang kami." Nakangiting bilin niya kay travis. Nag thumbs up naman ito at tumayo na kami. "Alam na ba ni jade?" tanong ko kay josh dahil kanina pa bumaba si jade. Si chan naman ay hindi ko alam kung nasaan. "Baka nandoon na. Sabi kasi ni vier nandoon na raw sila coach pati yung mga captain." Tumango tango naman ako at pumunta na sa field. "Ano kayang meron? any idea?" si josh at tumingin sakin. Tumingin ako sakanya nang may napagtanto. "Diba ngayon magdedecide ng bagong team name?" "Oo nga pala. Baka tungkol nga do'n. Tara." Lumapit kami kila coach na nagdi-discuss. "De vera at dela vega. Halikayo dito." Sabay kaming naupo ni josh nang may naapakan akong matigas na bagay. "f**k! aray!" sigaw nito. nanlaki naman ang mata ko dahil sa boses na 'yon. Dahan dahan akong napalingon sa may ari no'n at napa atras ako nang makumpirma ko na siya nga ito. Magkadikit ang kilay niyang tumingin din sakin at halata ang sakit sa mukha niya. 2 inches ang taas ng sapatos ko at malamang sa malamang masakit nga. "Hala! omg, sorry hindi ko napansin." Paghingi ko ng tawad at nag peace sign. Hindi niya naman ako pinansin kaya hinayaan ko nalang pero naba-bother talaga ako hindi ko nalang pinahalata. Tinuloy naman ni coach ang dinidiscuss niya at tama nga ako dahil tungkol 'yon sa team name. "Napagkasunduan ng head at executive na ang magiging team name natin ay SAN ADRES LADY SPIKERS at SAN ANDRES OWL SPIKERS. Sana nagustuhan niyo ano? Ngayon, bawat captain niyo ay ililista kung ano ang number at surname na gagamitin niyo. Okay, you may start now." Nakangiting sabi ni coach. "Guys, come here. Line up! Line up!" Sigaw ni jade. Hindi kami nalalayo sa SAOS kaya naririnig namin ang tawanan nila. Tinignan ko naman si traisce at hanggang ngayon at masama ang tingin sa'kin. Sorry na nga eh. Iniwas ko nalang ang tingin ko at itinuon nalang sa harap. "Hi, ayris. Surname and number." Nakangiting sabi ni jade. "Dela Vega, 03." "Leviticus, 03." Napatingin ako sa nagsalita. Nanlaki ang mata ko dahil sa narinig. WHAT THE HECK?! Pareho kami ng jersey number? hindi naman niya ako nilingon kaya binawi ko ang paningin ko kay jade at nagulat naman ako nang makita kong ngingisi-ngisi siya. Hindi malabong hindi niya narinig 'yon. "Ano kayang meron sa 03? hm?" bulong niya at hindi ko nalang pinansin at bumalik na sa pwesto. "Number mo?" tanong ni josh. "0910345-" naputol ang sasabihin ko nang marealize ako tinatanong niya. Napa pikit ako sa inis nang marinig ko ang impit niyang tawa. Peste! "I mean, jersey number. You're spacing out, ms. dela vega." Natatawa pa ring tugon niya. "Alam mo ikaw, hindi buo ang araw mo nang hindi ako nabubwisit eh 'no?" gigil kong tanong. "What? i was just asking your jersey number. Ikaw ang nag bigay ng phone number mo." pagpipigil pa niya ng tawa. Inirapan ko nalang siya. "03." sabi ko. "Really? pareho kayo ni traisce." Sabi niya umayos ng upo. "Ikaw?" tanong ko. "17" sabi niya at sabay kaming nanahimik. "Tara caff." aya ni jade. Nauna na kaming lumabas dahil tapos na rin naman ang pakay namin. Naiwan si josh at sinabihan na magkita nalang kami sa lib. para sa book na hihiramin namin. "Kanina ko pa kamo napapansin si leviticus. Ay hindi, nung evaluation pa pala. Anong meron? magkakilaa kayo? crush ko 'yon eh." Napalingon naman agad ako sakanya dahil sa sinabi niya. "Ano kamo? crush mo?" Nanlalaking matang usal ko. Natawa naman siya at hinampas ako. "Gaga ka, dalawa tanong ko pero yung pagka crush ko talaga ang napansin mo. Bakit, crush mo rin ba 'yon?" ngingiti ngiting pang aasar niya. Oo aaminin ko. Gwapo siya, magaling kumanta saka mabango. Bigla naman kumalabog ang dibdib ko nang marinig yung boses niya sa isip ko lalo na yung kumakanta siya sa park. Crush? maybe. "Hoy! bruha ka, ngingiti ngiti ka jan. Traydor! So ano, crush mo ba? ano? ano?" pangungulit niya. Nagkibit balikat lang ako at ngumisi. "Oh shoot! So, it's a yes?!" napatigil siya at humarap sa'kin. "Okay, i'll take that as a yes. Crossed out na siya sa list of crushes ko." Napakunot naman ang noo ko dahil do'n. Wth? so marami siyang crush? grocery 'yan, girl? Di ko nalang pinansin mga sinasabi niya at pumasok na sa loob ng caff. "Ano sayo?" tanong ko kay jade. "Kung ano sa'yo." "Veggie salad for 2, class B po. Thanks." Sabay abot ng blue card. Blue card is yung ginagamit namin dito sa loob ng school. Pumunta na kami sa table kaharap ng glasswall dahil maganda ang view do'n. Makikita lahat ng mga estudyante. Hindi naman gano'n kainit dahil maganda ang panahon ngayon, medyo makulimlim. "So ano nga? Pano kayo nagkakilala?" tanong ng kaharap ko. Saktong dumating naman ang order namin at nagsimula ng kumain. "Nakita ko siya sa park, kumakanta tas ginreet niya ako ng goodmorning tas nagpakilala siya. i did the same and then i left." Maikling paliwanag ko. "What? you left him after he greeted you? Uh...what a bitch." inirapan niya ako at nagsimula na siyang sumubo. Ayoko nang ikwento ang kabuoan dahil ayoko nang maalala yung nangyare bago ko siya makilala. "What do you expect? sit beside him? sing with him? duh. I left because of the awkward atmosphere. duh." i rolled my eyes and focus on my plate. "And why would you sing with him?" kunot noo niyang tanong habang naka taas ang tinidor. arte talaga neto, kabanas "Because i heard him singing?" sarkastiko kong tanong. At agad naman siyang napa angat ng tingin sa'kin. "Oh, girl. Your ears was blessed. You should thank god." Natawa akao sakaniya at tinapos na ang pag-kain. "Daan tayo sa floor nila, ha? may crush ako ro'n eh. Classmate niya." Kinikilig na usal ni gaga. "Why would i? ayoko nga! Baka isipin pa no'n sinusulyapan ko siya. No way!" Nanlalaking awat ko pero we end up walking outside their classroom. "Girl, ayan siya!" Kinikilig niyang sabi sabay hampas sa braso ko. Aba't!- "Gaga ka masakit!" pinanlakihan ko siya ng mata at lumakad nang mabilis dahil mukhang makakasalubong pa namin 'to. Napapikit ako sa inis nang sumigaw 'tong bruha na 'to. "Ivaaaaan! OMG i have something to tell you!!" Pinanlakihan ko siya ng mata at sinasabing what-the-hell-are-you-doing- pero inirapan niya lang ako at tumakbo siya palapit kila traisce. "OLIVIER MAY GUSTO SAYO SI JADE!" sumigaw ako at inunahan na siya. kala niya ha! Napatingin siya sa'kin na tila nagulat Napatingin ako sa mga nandoon at nakita kong nagulat din sila. Nang gigigil niyang hinatak ang buhok ko nang makalapit ako sakanila. "You b***h! what did you say?!" gigil niyang tanong habang nakahawakpa sa buhok ko. Tawa ako ng tawa habang inaawat ang kamay niya. As i turn my gaze to vier and his team i laughed again beacuse the shock is still evident on their faces and i can't contain my laughter anymore. I bursted out laughing while looking at them. Traisce on the other hand was looking at me, with his mouth partly open and admiration is evident on his eyes. Napatayo nang maayos dahil do'n. Gosh! nawala ang poise ko sa harap mismo ng crush ko, what the hell?! "Bakit mo sinabi 'yon? nababaliw ka na ba?" nanlalaking matang bulong ni jade "Oh..i-im sorry about that. So-" i can't really stop laughing. God, ayris, where's your poise, you dumbass! I exhaled and cleared my mind. "Assuming pa naman 'yan, letse ka!" "Sasabihin mo kasi kay traisce na crush ko siya eh, inunahan lang kita." ngumuso ako at pinagmasdan sila vier na hindi pa rin nakaka recover dahil sa sinabi ko. "Gaga! Assuming ka." sambit niya at napayuko naman ako sa kahihiyan. slight. haha! "Hey, guys, you can talk now." natatawa kong usal. "Woah! what was that?" sabi ni vier shinake pa ang ulo at katawan na animo'y may masamang espiritong pumasok do'n. "Uhm- ano...sorry, jade ha? study first ako eh." sabi pa nito nang nakayuko at napakamot sa batok. Natawa ako ulit. "Hala jade, pano 'ya-" naputol ang sasabihin ko dahil pagharap ko kay jade ay laglag ang panga niya at mukhang hindi makapaniwala sa narinig. Lalo akong natawa, hindi alintana ang mga tingin ni traisce na ayokong pag isipan ng kung ano. "Hoy! ang kapal mo olivier fuentes! Hindi totoo 'yon, she was just kidding! she just want me to be pissed so, stop assuming, okay? saka, hello? hindi kita type 'no. Ni hindi mo nga nakalahato standard ko." "Oh chill ka lang babe, ang defensive mo." pang aasara pa ni vier at lalo pa iting nainis. Sininghalan niya lang si vier at humarap kay traisce. "Hey, im sorry. So, as i was saying, dapat 9:30 ng gabi nando'n ka na ha? Tataasan nalang nila mommy ang tf mo, don't worry." nakangiting sabi ni jade. Naguluhan naman ako. "hoy, ano sinasabi mo jan? stripper ba siya?" taas kilay kong tanong. Natawa naman si jade at nakita ko sa peripheral vision ko na napataas ang kilay ni traisce at umawang ang bibig. "Hindi, gaga. May performance sila sa bahay ng mga kabanda niya. Too bad, wala sila dito dahil iba ang school nila." napataas ako ng kilay. Banda? so, seryoso pala talaga yung pagkanta niya. Sabagay, maganda ang boses niya at talagang maggamit niya 'yon. "Ah. Eh, bakit hindi ako invited?" malamig kong tanong. Trying to act cold. Bakit ba "Okay, sige. Sasabihan ko sila justin. Send me the deets, kami na ang bahala." sagot ni traisce. Ang gwapo niya talaga. "Sige, salamat." sabi niya at nag paalam na kila traisce. "Let's go." aya niya sa'kin "Gaga ka, akala ko talaga isusuplong mo na ako. So, bakit hindi mo 'ko inaya? kaibigan ka pa ba?" biro ko. "Aba'y siraulo ka! Ikaw nga kung ano anong pinagsasasabi mo sa fuentes na 'yon! Kaibigan ka pa ba?" sabi niya kaya natawa ako. "Bakit? gwapo naman si vier ah. Captain din ng volley. Ayaw mo 'yon? pag naging kayo, couple goals?" natatawa kong tukso at bumalik na sa floor namin. "Cringe, gago." irap pa niya. "Punta kayo ni chan samin ng saturday ha? bawal mawala." sabi pa niya at nag tuloy tuloy sa paglalakad. "Ano bang meron kasi?" "Anniversary nila dad. You need to be there. My mom really wants to meet you." "Sige ba. Oh my god, so mapapanood ko talaga si traisce? gosh, my ears will be bless before i sleep." kinikilig kong usal. Napailing nalang siya sa kahibangan ko raw. Natapos ang two hours vacant namin pero hindi ko nakita si josh dahil may usapan kami na pupunta sa library. Lalabas na sana ako nang biglang may pumasok na instructor. "Good morning. Bring your index cards, put your name, strand, year, and level." Istriktong sabi nito. "So, i will be your substitute instructor for the whole week because Mr. Xavier had an emergency." habang nagsasalita ang instructor sa harap ay nag sulat na ako sa index ko. Maya maya ay naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko. 091861*****: Hi, yana. I need to go home, i had an emergency. Can you excuse me to our class? thanks and sorry for the trouble. This is josh, btw. Me: Ah, no it's okay. Ako na ang bahala, no worries. :) Pres. Josh: Okay, thankyou. Eat lunch and don't forget to drink water. :) take care. :) Sunod sunod niyang reply at napangiti ako. How toughtful of you, mr. president. Hindi na ako nakapag reply sakaniya at nag focus nalang sa harap. Ginawan ko na rin ng index si josh para kung sakali man na attendance 'yon, meron na siya. "This cards will be your attendance. When i call your name, i don't want you to say 'present' instead, you will discuss religious and belief systems. On that way, i can tell if everyone of you are doing some advance reading." paliwanag ni mr. evangelista. Tumagal ng apat na oras ang discussion at nag dismiss na. "Yana, pinapatawag tayo sa meeting room. ASAP." nicole said. "Yeah, pupunta nalang ako. Thanks!" at inayos ko na ang gamit ko. "Girls, mauuna na ako sa meeting room ha? Mauna na kayo mag lunch baka anong oras na rin kami matapos do'n." paalam ko kila jade at chan na nag aayos na rin ng gamit. "Sure. Do you want us to bring you snacks?" chan asked. "Ah, no its okay. Nag caff. na rin naman ako kanina. I have drinks naman dito. Thankyou! enjoy your lunch." paalam ko at hinalikan sila sa pisngi. Naglalakad na ako sa corridor ng sumigaw si jade kaya humarap ako sa kanya at lumakad patalikod. "Bye, gov!" Kinawayan ko lang siya at haharap na sana ako sa dinaraanan ko ng may mabangga ako kaya agad akong natumba. f**k. "H-hey im sor-" i caught off guard knowing who is he. "No, im sorry, hindi ako nakaiwas agad." paumanhin niya. Nginitian ko naman siya. Ngumiti rin siya sa'kin at natigilan ako ng kumabog ang puso ko. s**t! why do i have to feel this crazy butterflies in my stomach? damn. im doomed. "S-sorry din. Bye!" umalis agad ako sa harap niya at hingal na hingal na naglakad papalayo. I need to focus, my gosh! Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. and i calmed myself as i walk. Before i enter inside, i composed myself and let out a sigh. "Good Afternoon po." Bati ko sa mga naroon at binati rin nila ako pabalik. Ilang oras kami sa loob dahil pinag usapan namin ang magiging platform namin para sa darating na election this friday. Naka handa na rin ang mga uniform ng mga makakapasok sa student council pati ang councilors office ay naayos na rin. Malaki ang CCO at bawat councilors ay may kanya kanyang cubicle except sa table ng gov at vice gov may dalawang teachers table ito at swivel chair, nasa center naka pwesto 'yon samantalang nasa magkabilang gilid naman ang ibang councilors. Air condition din ang loob. Paniguradong CCO ang bagsak ng mga makakapsok dito lalo na ng pwesto sa gov at vice gov dahil balita ko ay marami ang gawain ng mga 'yon. Expected naman na 'yon at exempeted din sa klase. May special class sila kaya ayos lang kahit lumiban sa klase ng ilang oras. Lima ang estudyanteng tumatakbo sa bawat posisyon bilang councilors. Bawat strand tig iisa ang tumatakbo. Kanina nga ay wala ang vice gov sa grade 12 ng stem. I wonder kung sino kaya sakanila. Nang matapos ang meeting ay pumasok na ako sa 3 pm class ko. Hindi ko na kaklase sila jade at chan dahil hindi pare pareho ang schedule namin. Every monday lang nagtutugma. This will be our first class talaga dahil puro opening activities ang nangyare two days ago. I sat beside the window and let my mind roam around inside this campus. After few hours dismissal na. 5:40 na nang matapos ang klase namin. Agad naman akong dumeretso sa gym dahil do'n ang first training namin ngayon. Pagkarating ko ro'n ay agad akong nagtungo sa shower area at nilagay ang gamit sa locker bago nagpalit ng damit. I wear cycling shorts, sage green v neck loose shirt and white rubber shoes. I also tied my hair para hindi sagabal sa paglalaro. Hindi rin naman ako nag me-make up or lipstick dahil hindi ako sanay or should i say, hindi marunong? but its okay. red tint will do. Paglabas ko sa gym ay nandoon na ang magtetraing. Kompleto na kami, si josh nalang ang kulang. Lumapit ako kay coach rowa para ipaalam si josh. Kausap niya ang team niya nang lumapit ako. "Hi, gov!" sigaw ni ander, ang libero ng team nila. Hindi kami close pero nag kakausap kami. "Hoy wala pa." natatawang saad ko, balita ko kasi ay kahit na nasa grade 12 na ito ay sa'kin daw ang boto nila bilang campus gov, tinawanan ko lang sila. "Sus! sure win na 'yon." singit naman kielton, opposite hitter. Tinawanan ko lang sila at sinabi na ang pakay ko. "Ah, coach. Pinapasabi po pala ni josh hindi muna siya makaka attend ngayon. Something came up and really important daw po." mahinang saad ko nang dumapo ang tingin ko kay traisce na ngayon ay tinitingnan ako. Medyo nailang ako kaya ako na agad ang umiwas ng tingin. "Ah ganon ba? oh sige, asahan ko nalang kamo siya bukas or kung kelan ang balik niya. Basta kamo 'wag paabutin ng ilang week dahil baka matanggal siya." tinapik tapik namin ni coach ang balikat ko at ngumiti. I nodded and smiled. "Thankyou po." sabi ko. "Ganda mo talaga, yana!" sigaw ni ander at nginusuhan ko lang siya kaya natawa sila. Umalis na ako ro'n at nagsimula nang mag warm up. Tumagal ang training namin ngayon dahil mukhang ganado ang mga kasama ko. Tawanan dito, tawanan doon. Medyo nagiging close ko na rin sila lalo na yung SAOS. Nag uusap na rin naman kami ni traisce kahit papano kaso tipid lang. Okay na 'ko ro'n 'no! choosy pa ba ako? Nagpupunas ako ng pawis nang lumapit siya sa'kin at nag abot ng blue, yung favorite drink ko. "Here." sabi niya "Thanks." i smiled. Umupo naman siya sa bleachers at tinungkod ang dalawang siko sa ikalawang palapag ng bleacher. "How's your training? we should jog every morning sana, maganda raw 'yon sa binti at paa sabi ni coach." "Tiring but i enjoyed. Yeah naisip ko rin 'yan kaso late na akong pumapasok." tawa ko at nakitawa rin siya. "Leviticus! Tara na dito, mamaya na ang bakuran, meeting muna!" sigaw ni vier at nagtawanan ang team mates nila, napakunot naman ang noo ko dahil hindi ko naintindihan. "Don't listen to that freak. I gotta go. See you around, Gov. Dela vega." and he smiled...genuinely. i froze for a second, processing what he said because im too drowned by his smile. His eyes sparkled a bit and i know for sure that i was mesmerized.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD