
This is a work of fiction. Names, Characters, Business, Events and Incidents are the products of authors' imagination. Any Resemblance to Actua Person, Living or Dead, or Actual Events is Purely Coincindental.
This story contains Typographical Errors, Grammatical Errors, Foul Words, and Scenes that not suitable for young ages.
Some scenes may trigger your anxiety, depression and suicidal ideation.
All rights reserved. Please don't copy and reproduce as your own without permission.
I'm still on the progress of learning on how to write flawlessly. I'm still a begginer so please bear with my writing skills.
March 5, 2022
-Adii
••
Akala ko dati, 'pag pumasok ka sa isang relasyon, normal lang ang umiyak, magkasakitan, mag away, tapos maayos na lahat. Akala ko dati pag uusap lang at pag iintindi ang kailangan, magiging maayos na ang lahat, ang gusot sa isang relasyon. Mali pala. Hindi pala ganon kadali lalo na sa sitwasyon namin.
Sa lahat ng naging karelasyon ko, sakanya ko lang binuhos ang lahat lahat ng pag mamahal ko, ang atensyon ko at ang buhay ko. Hindi ko naman pinababayaan ang pag aaral at sarili ko dahil para sakanya mas mahalaga pa rin 'yon.
Iyon ang nagustuhan ko sakanya. Isa sa pinaka hahalagahan niya ay ang pag aaral at pamilya niya. Halos nasakanya na ata ang lahat kaya hindi ko na naisip na palitan pa siya sa buhay ko.
Sa maikling panahon na nagkakilala kami masasabi kong tunay nga ang pagmamahal. Sa totoo lang, siya lang ang nagparamdam sakin ng mga bagay na hindi pinaramdam ng pamilya ko.
Oo, may pag aaway, pagtatampuhan at hindi kami pagkakaintindihan pero dahil balance ang relasyon namin, nagiging maasyos din ito kaagad.
Sobrang perpekto niya para sakin. Mapag mahal na anak, kapatid at boyfriend. Lagi niyang sinasabi sakin kung gaano niya kagustong makapag tapos ng pag aaral. Lagi niya akong sinasama sa mga future plans niya, walang araw na hindi niya nakakaligtaang ipaalala sakin kung gaano ako kahalaga sakanya.
In my life, i had no one not until i saw him singing at the park.

