NANLALAKI ang mga matang napatitig si Syrellie kay Dwayne. Hindi niya inaasahan ang sinabi nito. Nakasulat na nga sa kontratang pinirmahan nila na bawal ang s*x, pero may gana pa itong bulatlatin iyon hindi pa man nasisimulan ang matrimonya ng kanilang kasal. Ano kayang nakain nito? Mukhang hindi naman ito nagbibiro kung pagbabasehan ang ekspresyon ng mukha nito. Seryoso kasi itong nakatitig sa kaniya. She was about to open her mouth to contradict what he said nang magsimula nang magsalita ang officiant na magkakasal sa kanila. Seryoso silang napabaling sa harapan. The ceremony started. May mga sinasabi at itinatanong ang officiant na tinutugon naman nilang dalawa ni Dwayne. Namalayan na lamang niyang magkaharap na sila ng binata, at isinusuot sa isa't isa ang kani-kaniyang wedding ring

