"TITO Dwight, thank you for this. I so love it," Euna said while holding the story book he gave her. "You're welcome, Euna." Nginitian ni Dwight ang bata, saka ginulo ang buhok nito. Kasalukuyan siyang nasa mansyon ng mga Santiago. Binisita niya ang mga ito. Magmula kasi nang kupkupin niya at dinala sa Spain si Sofia noong nagka-amnesia ito at buntis pa man din ay hindi na ito naging iba sa kaniya. Itinuring na niya itong parang tunay na kapatid. Minsan ay tinutukso sila ng mga kaibigan niya, pero wala lang iyon sa kanila. Pinagseselosan nga rin ito ni Maitha, pero palagi naman niyang sinasabing wala silang relasyon ni Sofia, at pagtinging-kaibigan lang ang turing niya rito. Naaalala pa niya kung paano napunta sa puder niya si Sofia. Kababakasyon lang niya noon galing Spain. Noong gumal

