NAGPAALAM si Syrellie kay Dwayne na pupunta lang ng restroom. She wanted to pee. Marami-rami kasi siyang nainom na cocktail drinks, pero hindi naman siya lasing. La Dolce Vita Spritz lang kasi ang ininom niya, mild lang kung tutuusin. She headed towards the restroom, she then peed. Lumabas siya pagkatapos, at akmang babalik na sa VIP lounge ng hotel nang magbago ang isip niya. She wanted to unwind. Gusto niyang mapag-isa, at makapagmuni-muni. Masyado nang marami ang iniisip niya nitong mga nakaraang buwan. Samot-saring alalahanin ang bumabagabag sa kaniya. Magpahanggang ngayon kasi ay tila mabigat pa rin sa loob niya ang nakatakdang pagpapakasal kay Dwayne. Hindi naman sa ayaw niya rito, pero kasi ay hindi niya ito mahal. Hindi naman niya puwedeng bawiin ang ipinangako niya rito. Baka sa

