"ATE, tama na 'yan. Baka mabasag ang salamin. Maganda ka na sa paningin ni Kuya Dwayne," pang-aalaska ni Lance nang mapansin nitong kanina pa siya nakaharap sa malaking salamin sa loob ng kuwarto niya.
She was wearing a simple traditional white dress with super-feminine details such as ruffles and lace. On her feet was a white stiletto. Inilugay lang niya ang buhok, at wala masyadong inilagay na kolorete sa mukha. Nagmukha tuloy siyang anghel na naligaw sa lupa. Parisan pa ng mukha niyang napakainosente raw ng dating.
Inirapan niya ang kapatid. "Huwag mo 'kong inisin, Lance. Kahit guwapo ka ngayon, talagang babatukan pa rin kita."
"Ate naman!"
She tried to suppress her laugh sa reaksyon ng kapatid. Talagang guwapong-guwapo ito sa suot nitong tuxedo nang gabing iyon.
It was the night of her engagement with Dwayne. Makalipas ang isang buwan mula nang dumating sila ng Maynila ay napagplanuhan ni Dwayne na gawin na ang engagement party nila.
Ayaw sana niyang magpa-engagement party dahil hindi naman totoo ang relasyon nila ng lalaki. Pero wala na siyang nagawa nang ipilit iyon ni Dwayne. Ani pa nito'y para raw mas kapani-paniwala ang 'relasyong' mayroon sila.
She bit her nails. Ayon na naman ang mannerism niya kapag kinakabahan siya. Kanina pa kasi siya hindi mapakali. Nagririgodon ang dibdib niya. Marahil ay dahil sa rasong marami nang makakaalam na may 'relasyon' sila ni Dwayne.
She breathe deeply. She wanted to calm herself.
"Ate, matututunan mo ring mahalin 'yon."
Napatunghay siya kay Lance mula sa repleksiyon nito sa salamin. Inangatan niya ito ng dalawang kilay as if trying to ask him why. May alam ba ito sa tunay na estado nila ni Dwayne? Wala naman kasi siyang sinasabi rito. Kapag kasi kaharap nila ang kapatid niya ay umaakto silang normal na magkasintahan ng lalaki.
"Let's go, Ate. Baka ikaw pang mahuli sa engagement party mo," biro nito.
Wala na siyang nagawa, kundi ang tumayo. Sakto namang pagkababa nila ay kakarating lang ni Dwayne para sunduin sila.
They headed outside. Namalayan na lamang niyang nakasakay na sila sa mamahaling kotse ng lalaki at bumibiyahe. Tahimik lang siya habang panay ang usap ng dalawa. Samot-saring isipin ang inaalala niya nang mga sandaling iyon.
Makalipas ang halos kalahating oras ay nakarating sila sa Hotel Solivaness. Doon idadaos ang engagement party nila ni Dwayne. The said hotel was one of Dwayne's newly opened branches.
They headed towards the hotel's VIP lounge. Hawak ng lalaki ang siko niya.
Wala pa siyang masyadong nakikitang bisitang naroon. Tanging sila-sila lang at ang staffs ng hotel ni Dwayne.
Maya't maya pa'y nakita niyang nagsisidatingan na ang mga bisitang inimbitahan ni Dwayne. Ang iba'y halatang high-profiled at tinitingalang tao sa lipunan. Wala siyang kilala ni isa. Sabagay, tanging si Lance lang naman ang kakilala niya roon maliban kay Dwayne.
Lihim din siyang nagpasalamat na wala roon ang pamilya ng lakaki. Hindi niya kasi alam kung paano pakikitunguhan ang mga magulang nito. Nakokonsensya kasi siya sa panloloko nilang iyon. Sa pagkakaalam niya'y nasa ibang bansa pa ang ama ng 'fiancee' niya at nagpapagaling. Kasama nito ang asawa at si Diana, bunsong kapatid nina Dwayne at Dwight.
She sighed deeply upon remembering that man. Kumusta na kaya ito?
Agad niyang ipinilig ang ulo. Bakit ba niya naiisip ang lalaking iyon? Tonight was her engagement with Dwayne, kaya't dapat na focus lang siya sa kanilang dalawa.
"At long last, you're here!"
Naputol ang pagmumuni-muni niya nang marinig na nagsalita si Dwayne sa tabi niya, kasabay niyon ay ang mas lalong paghapit nito sa beywang niya.
Awtomatiko siyang napaangat ng tingin. Tinambol bigla ng kaba ang dibdib niya. Speaking of the devil. She saw Dwight heading directly towards them. He was full of smiles while holding someone on the waist. The woman beside Dwight was also smiling. She was pretty and sexy.
Iniiwas niya ang paningin sa dalawa. Akmang lalayo siya para puntahan ang kapatid. Nakaupo kasi ito sa isang sulok habang may kausap na isang magandang babaeng kaedad nito.
"Congratulations! Wishing you a happy engagement and even happier marriage."
Napatigil siya nang marinig ang baritonong boses ni Dwight. Pinaglipat-lipat nito ang titig sa kanilang dalawa ni Dwayne. Kung kanina ay nakangiti ito, ngayon ay seryoso ang mukha nitong nakatingin sa kanila—partikular sa kaniya.
"Thanks, bro." Tinapik ni Dwayne sa balikat si Dwight, saka bumaling ang paningin sa babae. "Thank you for coming, Sheryl—I mean, Sofia," natatawang dugtong nito.
Marahang natawa ang tinawag na Sofia. "What a wonderful couple you two make. Congratulations!" Tumingin ito sa kaniya, saka makahulugan nitong binalingan si Dwight na biglang nag-iba ang timplada ng mukha.
Tumiim ang bagang ng binata, pero dagli ring nawala. Seryoso ang mukhang bumaling ito kay Dwayne. "Mauunahan niyo pa yata kami ni Maitha."
Bahagyang napakunot-noo si Syrellie. Maitha? Parang pamilyar. Tila narinig na niya ang pangalang iyon. Saglit siyang nag-isip. Mayamaya pa'y naalala na niya. Si Maitha ang babaeng nakatakda nitong pakasalan dati. Hanggang ngayon pala ay may relasyon ang dalawa? Sobra nga yata ang pagmamahalan ng mga ito. Dahil kung hindi, tiyak niyang hiwalay na ang mga ito ngayon.
Pero kaano-ano nito si Sofia? Bakit ito ang kasama ng binata sa engagement party nila ni Dwayne? Nasaan si Maitha? Ah, ewan. Bakit ba niya pag-aaksayahang isipin iyon? Narito siya para sa engagement party nila ni Dwayne, at hindi para pagkaabalahan ang ibang bagay.
"You two are invited on our wedding. It will be held first quarter of next year," narinig niyang saad ni Dwayne. "Kailangan nang maikasal kami ni Syrell. Baka maagaw pa sa 'kin 'to ng iba." Tumawa si Dwayne sa sariling biro na marahan namang ikinatawa ni Sofia.
Nang pasimple niyang sulyapan si Dwight ay seryoso pa rin ang mukha nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga ito marunong tumawa. Mabibilang lang sa daliri ang pagkakataong nakita niya itong ngumiti, marahil ay kanina nga lang nang kararating lang ng mga ito.
"Sa ganda ni Syrell, talagang baka may magbalak na agawin 'yan sa 'yo, Dwayne. Kaya dali-dalian niyo na," natatawang gatong ni Sofia, saka binalingan si Dwight. "Hindi ba, Dwight?"
He just shrugged. Waring wala itong kainti-interes sa itinatakbo ng usapan.
"By the way, please take a seat and make yourselves comfortable. The program will begin shortly," pag-iiba ni Dwayne sa usupan.
Lihim naman siyang nagpasalamat. Naiilang na kasi siya sa itinatakbo ng pag-uusap na iyon.
Inakay siya ni Dwayne sa harapan. Habang si Sofia at Dwight naman ay umupo sa pahabang mesa kasama ang iba pang high-profiled persons.
Inalalayan siyang umupo ng 'fiancee' sa silyang naaadurnohan ng kulay pula at puting tela.
Napabaling siya sa emcee nang magsimula na itong magsalita.
"Good evening, everyone, and welcome to this joyous occasion. We are gathered here tonight to celebrate the engagement of Syrellie and Dwayne Marcus, two people who are clearly meant to be together."
Narinig niya ang palakpakan ng mga bisitang naroon.
"Syrellie and Dwayne have found in each other a love that is deep, true, and enduring. They have chosen to take the next step in their journey together, and we are honored to be here to witness and celebrate this momentous occasion," the emcee paused and smiled to the visitors. "Tonight is a celebration of love, commitment, and the promise of a lifetime of happiness. It is a time to come together as family and friends to share in the joy of this special moment. Syrellie and Dwayne are two amazing individuals who bring out the best in each other. They share a deep connection, a mutual respect, and a love that is truly inspiring. We are all blessed to know them and to be a part of their lives."
Wala sa sariling napasulyap siya sa kinaroroonan nila Sofia at Dwight. Nakita niyang nakangiti si Sofia na waring kinikilig sa kanila ni Dwayne. Habang si Dwight naman ay nakakunot-noong nakatutok ang mga mata sa cellphone. Waring hindi ito nakikinig sa mga sinasabi ng emcee.
Muli niyang binalingan ang emcee.
"As we raise a glass to toast the happy couple, let us remember that love is a journey, not a destination. It takes patience, understanding, and a willingness to grow and change together. But with the love and support of family and friends, anything is possible. So let us celebrate this engagement with joy and enthusiasm, and let us look forward to the day when Syrellie and Dwayne exchange their vows and become husband and wife. Congratulations to the happy couple, and may your love continue to grow and flourish for many years to come. Cheers!"
Pagkatapos ng pagsasalita ng emcee ay tinawag nito si Dwight. Inanyayahan nitong magbigay ng kahit na konteng speech ang binata. Ito lang naman kasi ang kapamilya ni Dwayne na naroon at saksi sa engagement party na iyon.
Binalingan niya si Dwight. Mukhang ayaw pa nitong tumayo, kung hindi lang ito pinilit ni Sofia. Tamad itong naglakad papunta sa kanila.
She gazed at Dwight habang patungo ito sa kinaroroonan nila. Ewan ba niya, pero tila nag-slow motion ang mundo niya habang nakatitig dito. She felt like it was just the two of them on that magical fantasy she created in her mind. He was also staring at her.
Ang guwapo nito sa suot na formal attire. He was wearing a gray-coloured suit, paired with light colored shirt under. His long hair was neatly tied at the back. He was oozing with charm and charisma.
Ipinilig niya ang ulo. Nasa tabi niya ang 'fiancee' niya, pero ibang lalaki ang iniisip niya. Sh*t!
Kinuha ni Dwight ang mikropono. Seryoso itong tumitig sa kanila. It was supposedly a joyous engagement party, but his aura was dark. Kinabahan tuloy siya.
"I have never been married due to some issues I encountered in the past."
Mas lalo siyang kinabahan sa sinabi nito. Hindi niya alam kung siya lang ba, pero tila nabanaag niya ang pagbabanta sa mga mata nito habang nakatitig sa kaniya. Nang balingan niya si Dwayne ay nakangiti itong nakatunghay sa kapatid. Marahil nga ay siya lang ang nag-iisip ng hindi maganda.
"But nevertheless, it's not my story to tell. Hindi ko naman ito engagement party."
Nagtawanan ang mga bisitang naroon. Siya nama'y kulang na lang kagat-kagatin niya ang mga kuko sa matinding nerbyos na nararamdaman sa mga pinagsasasabi nito. Mukha kasing may ibig ipahiwatig ang mga katagang namutawi sa mga labi nito.
"My advice to both of you is love one other, laugh together and always strive to be better for each other. On behalf of everyone in our family, we welcome you, Syrellie." Tinitigan siya nito. Naroon na naman ang pagbabanta sa mga mata nito.
Halos pagpawisan ang mga palad niya sa kabang nararamdaman. Sakto namang hinawakan ni Dwayne ang kamay niya. Nagtataka ang mga matang napatitig ito sa kaniya. Nginitian na lamang niya ito. Baka kung ano pa ang isipin ng lalaki sa mga ikinikilos niya.
"We look forward to this new chapter in both of your lives. May it be filled with happiness and joy. And with that, I would like to invite everyone to raise their glass as we congratulate Syrellie and Dwayne." Iyon lang at derederetso naglakad si Dwight pabalik sa mesa ng mga ito.
Nakahinga siya nang maluwag nang makitang umupo na ito. Akala niya'y ipapahiya siya nito kanina. Nang mapasulyap siya rito ay kulang na lang bumulagta siya sa talim ng titig nito sa kaniya. Iniiwas niya ang paningin. Hindi na niya ito titingnan pa. Baka mamaya magka-heart attack siya sa sobrang nerbyos.
Narinig niyang tinawag ng emcee ang kapatid niya. Nagbigay din ito ng maikling speech. Pagkatapos n'on ay pinatayo sila ni Dwayne. The emcee told them to give their message to each other.
Siya ang unang nagsalita. She smiled at Dwayne. "H-Hi, hon," she stammered. Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan nang mga sandaling iyon. Marahil ay sa dami ng bisita at mga prominenteng tao pa. "I-I just want to say thank you for accepting my flaws and indifferences. I am not perfect, and I know I will never be. B-But in spite of it, you still love me." Sh*t! Tatamaan talaga siya ng kidlat sa mga kasinungalingan ng speech niya. "Everytime I look into your eyes, I don’t see perfection. I don’t see a love story that would necessarily be something people would watch on a big screen and dream about. I see someone who will fight for me and protect me and love me in spite of all the ways I am still a wreck. I see a home in you. You are my home, Dwayne..." Tumulo ang luha niya. Hindi niya alam kung bakit. Maybe she was just emotionally exhausted. Marami kasi siyang iniisip nitong mga nakaraang buwan.
Dwayne gently cupped her cheeks. Masuyo nitong pinahid ang mga luha niya. He smiled at her.
Nagpalakpakan ang mga bisitang naroon. Marahil kung may pa-audition lang sa pagka-artista roon, paniguradong papasa na sila ni Dwayne. Baka hirangin pa silang best actor and best actress of the year.
Mayamaya pa'y kinuha ni Dwayne ang mikropono. He stared at her. "Hon, I wish I could find the words to tell all of our family and friends just how wonderful you are. You surprise me everyday, Syrell. You have the most loving heart and kindest soul of anyone I know. Your innocent face reflects the angel that is in you. I am so lucky to have you, and I will keep you forever..." Unti-unti nitong inilapit ang mukha sa kaniya. Akala niya'y hahalikan siya nito sa mga labi, pero sa noo lang niya dumapo ang halik nito.
Nagpalakpakan ang mga bisitang naroon. May narinig pa silang sumisigaw ng "kiss," pero inignora na lamang nila iyon.
Napabaling ang paningin nila nang makarinig sila ng kalabog sa isang mesa. Napaawang ang mga labi niya nang makitang natumba ang silyang kinauupuan ni Dwight. Tumayo kasi ito at walang lingon-likod na lumabas ng VIP lounge.