"THANK you for your help, Syrell," ani Dwayne sa kaniya pagkatapos nilang maubos ang pagkain na in-order sa isang high-end restaurant na pinagdalhan nito sa kaniya.
She sipped from the glass of wine. Hindi niya alam ang itutugon dito. Iyon kasi ang unang namutawi sa mga labi ng lalaki pagkatapos nilang kumain. Alam niya kung ano ang ipinagpapasalamat nito.
"S-Sir, honestly, masyado akong naguguluhan sa mga pangyayari. Palala nang palala ang sitwasyon, 'tapos ngayon pa lang tayo nakapag-usap."
"I know, and I'm sorry kung hindi agad kita kinausap tungkol dito. I admit, it's my fault."
"Sir, paano na 'to? Marami nang nakakaalam sa hotel." Hindi niya na lang sinabing maraming nakaalam dahil na rin sa ginawa nito. Panay kasi ang padala nito ng bulaklak sa kaniya.
"Would you accept my offer, Syrell? I mean, the offer is still there. 'Di pa rin nagbabago. Five million plus five percent of my profit from dad's company once I get my shares."
Saglit siyang nag-isip. Malaking halaga rin ang perang ipangbabayad nito. Malaking tulong din iyon para sa kanila nina Lance at ng Tiyang Letty niya. Pero hindi naman siya gahaman sa pera. Hindi naman sila naghihirap 'gaya nang dati. Sa katunayan ay nakakaluwag-luwag na sila ngayon. Hindi man sila mayaman, pero sapat nang may naitatabi siya sa oras ng pangangailangan.
"Hindi ko po matatanggap ang offer ninyo, Sir."
Nakita niyang nanlumo si Dwayne. Para na naman itong pinagsakluban ng langit at lupa sa hitsura nito.
"But I can help you," dugtong niya.
Nabuhayan ito ng loob sa narinig na sinabi niya.
"Puwede kitang tulungang makuha ang mana at shares mo, Sir. I'm willing to marry you. Pero hindi ko po matatanggap ang ibabayad ninyo."
Dwayne's brows creased. Marahil ay hindi nito inaasahan ang sinabi niya.
"You will help me for free, Syrell?" Umiling-iling ito. Bahagya pa itong tumawa. "No. Wala nang free sa panahon ngayon. I will still give you the five mil—"
"My help is not for free, Sir," she butted in. "Tatanggap pa rin po ako ng bayad mula sa inyo, pero hindi sa gan'on kalaking halaga. It is too much, Sir Dwayne. Masyadong malaki ang perang pakakawalan ninyo."
"It is not too much, Syrell. Magpapakasal ka sa 'kin. Sabihin na nating mapapawalang-bisa ang kasal makalipas ang isang taon, pero ang katotohanang natali ka sa 'kin kahit wala naman tayong relasyon ay malaking sakripisyo na mula sa 'yo," paliwanag ni Dwayne.
Alam niya kung ano'ng ipinupunto nito. Mahirap nga naman iyon sa parte niya. Siya ang lugi dahil siya ang babae. Kumbaga, magkakaroon siya ng record na ikinasal at nagpa-annul o divorce pagkatapos.
Saglit siyang hindi nagsalita. Hinimay-himay niya ang konsekwensya.
She stared at Dwayne. She saw in his eyes the eagerness to fulfill something he desires. At alam niya kung ano iyon. Saksi siya kung gaano nito kagustong mapalago ang hotel na pag-aari nito. Saksi rin siya kung paano ito na-depress noong mga panahong tinanggihan niya ang offer nito—na animo'y nawalan ito ng pag-asang makukuha ang shares at mana nito sa kompanya ng ama.
She had a soft heart, at iyon ang problema sa kaniya. Kesehodang magsakripisyo siya para matulungan lang ang iba.
She drew a deep breath. She peered at Dwayne. "I will help you, Sir. Pero hindi ko po matatanggap ang malaking pera na ibibigay ninyo. Just help my brother finish his studies instead. He will be taking up Aeronautical Engineering in college next school year. 'Yon lang po ang hinihingi kong kapalit sa tulong na ibibigay ko."
"Are you sure with this, Syrell?"
She nodded. "Yes, Sir."
"Okay, I will finance his studies. Just tell me if he wanted to take BS in Aviation Major in Flying para maging piloto. Sa pagkakaalam ko kasi, ang ibang kumukuha ng Aeronautical Engineering ay nagpaplanong maging piloto sa hinaharap. Steppingstone lang nila ang gan'ong kurso dahil mas mura kumpara sa BS in Aviation. And once they find a job that will support their studies, doon na sila magpu-proceed sa pagiging piloto," mahabang paliwanag ni Dwayne.
Napanganga siya sa sinabi ng boss niya. Nahulaan nito ang gusto ng kapatid niya. Hindi naman niya masuportahan ang gusto talaga nitong kurso dahil masyadong mahal.
Aviation schools in the Philippines typically charged between three million to five million pesos for an integrated course curriculum, and that amount is exclusive of overhead costs like food, transportation, and monthly rent.
Hindi niya makakaya ang tuition. Sa Aeronautical Engineering pa nga lang ay mukhang mahihirapan din siya. The tuition ranged between sixty thousand to one hundred fifty thousand in public schools. Whereas in private it will cost two hundred thousand pesos or more per year. Baka uugod-ugod na siya bago pa makapagtapos si Lance sa pag-aaral.
"Your brother will take up the Aviation course," Dwayne said in finality. Waring nahulaan nito ang itinatakbo ng isip niya.
Mas lalo siyang napanganga sa sinabi ng boss niya. Hindi siya makaapuhap ng sasabihin. Nakaramdam siya ng hiya rito. Mas malaki pa nga yata ang magagastos nito hanggang sa makapagtapos si Lance kumpara sa offer nitong five million at five percent shares sa kaniya.
"S-Sir, huwag na—"
"I insist, Syrell." Hinawakan nito ang palad niyang nasa ibabaw ng mesa. "Isipin mo na lang na para ito sa kapatid mo. Magiging masaya siya sa oras na makapag-aral siya sa gusto niyang kurso."
***
TILA lutang si Syrell habang pababa sila ng Philippine Airlines na kinalululanan nila.
Makalipas ang tatlong buwan mula nang makapag-usap sila ni Dwayne ay sinabi nitong sa Maynila na siya maninirahan kasama ang kapatid niya. Habang si Tiyang Letty naman ay naiwan sa Tacloban. Ito kasi ang nakatukang mamalakad sa Beauty Products Business na ipinatayo niya. Pinangalanan niya iyong Lanie's Beauty Essentials—kasunod sa pangalan ng ina niya.
Umabot ng tatlong buwan bago sila lumuwas dahil pinapagtapos muna niya ng Senior High si Lance. Maraming proseso naman kasi ang gagawin kung ita-transfer pa nila sa pag-aaral ang kapatid gayong tatlong buwan na lang at magtatapos na ito.
Nagtataka siya kung bakit tila hindi naman nagmamadali si Dwayne na maikasal sila. Sa pagkakaalam niya kasi ay maisasalin lang dito ang shares at mana nito oras na maikasal sila. Pero hanggang ngayon ay wala pa ring kasalang nagaganap.
Hindi na lamang siya nagtanong pa. Pabor din naman iyon sa kaniya dahil magpahanggang ngayon ay hindi pa rin maproseso ng utak niyang ikakasal siya sa lalaking hindi naman niya mahal at hindi niya karelasyon.
Wala na rin siyang balita tungkol kay Dwight. Hindi naman kasi nila pinag-uusapan ni Dwayne ang hinggil sa binata.
Ang alam lang niya'y bumalik na ito ng Spain. Naroon kasi ang kompanya na pag-aari nito. Huling balita niya rito ay may kasama raw itong babae roon. Sheryl yata ang pangalan. Hindi niya alam kung kaano-ano nito ang babae. Hindi naman kasi ikinuwento ni Dwayne ang iba pang mga detalye, at hindi na rin siya nagtanong. Baka isipin pa nitong interesado siya sa kakambal nito.
That day when Dwight offered her something immoral ay iyon ang huling beses nilang pagkikita. Kinabukasan kasi ay hindi na ito pumasok. Nagulat na lamang siya nang madatnan si Dwayne na nakaupo sa swivel chair nito, imbes na si Dwight.
"Here we are."
Naputol ang pagmumuni-muni niya nang marinig ang boses na iyon ni Dwayne. Hindi niya namalayang nasa tapat na pala sila ng gate ng isang magarang bahay somewhere in Makati. Ang sabi kasi ni Dwayne ay sa Makati raw sila titira ni Lance.
Napakurap-kurap siya. Ganoon ba kalalim ang iniisip niya na hindi niya namalayang mahaba-haba rin ang ibiniyahe nila? She just shrugged.
"Feel at home, Syrell." Ngumiti si Dwayne sa kaniya. Nasa loob na sila ng malaking bahay. Kung maganda ang labas niyon ay lalo naman sa loob. Halos malula siya sa lawak. Puwede na silang mag-tour doon ni Lance.
"Is this your house, Dwayne?" 'Dwayne' na lang ang tawag niya sa lalaki dahil na rin sa pakiusap nito. Baka raw mabuking pa sila kung bigla ay matawag niya itong 'Sir.'
Hindi siya nito tinugon. Bagkus ay umakyat ito sa ikalawang palapag dala ang dalawang maleta niya. Habang si Lance naman ay kasunod nito. Tila naninibago ang kapatid niya. There was an amusement written on Lance' face while roaming his eyes around.
Sumunod siya sa mga ito sa ikalawang palapag. Itinuro ni Dwayne sa kapatid niya ang magiging kuwarto nito. Agad namang pumasok doon si Lance. Mas malapit sa hagdan ang silid ng kapatid niya. Dadaanan muna niya ito bago ang silid na pinasukan nila ni Dwayne.
"This is your room, Syrell," anito nang eksaktong makapasok sila. Ibinaba nito ang dalawang maleta. Humarap ito sa kaniya nang nakangiti. "Bibisitahin ko na lang kayo 'pag may pagkakataon. And be ready, we will announce our engagement party soon. We'll set the date for that."
Tumango na lamang siya. Mayamaya pa'y nagpaalam na itong aalis.
Pabagsak niyang inihiga ang katawan sa kama nang mapag-isa. Napatutok ang paningin niya sa kisame. Napakabilis ng mga pangyayari. Noon ay simple lang silang namumuhay nina Lance at Tiyang Letty. Ngayon ay halos nakatira na sila sa isang magarang bahay na mukhang pang-hari't reyna ang hitsura.
Hindi niya alam kung ano'ng kapalaran ang naghihintay sa kanila, lalong-lalo na sa kaniya. Magiging asawa niya si Dwayne sa papel. Oo, sa papel lang. May pinirmahan kasi silang kontrata. Nakasaad ang mga Dos and Don'ts ng Marriage for Convenience Contract nila.
Sa bansang Russia sila ikakasal. Doon napili ni Dwayne dahil mas mabilis ang pagproseso ng divorce papers sa Russian country.
Russia had some of the world's most liberal family laws and the divorce rate in that country was high compared to other nations. Getting a divorce in Russia can take no more than a few weeks and one can sometimes end their marriage in a single court procedure only.
Nakasaad din sa kontrata na magpa-file sila ng divorce makalipas ang isang taon ng kanilang kasal. Ginawang isang taon ni Dwayne para hindi raw umano magduda ang ama nito kung bigla-bigla na lang silang maghiwalay matapos maisalin dito ang shares at mana nito.
Nakasulat din sa kontrata na wala silang pakialamanan sa mga kani-kaniyang buhay nila. They can do whatever they want. Puwede silang makipagrelasyon sa iba basta't walang dapat na makaalam dahil sa mga mata ng ibang tao ay kasal sila.
They should be sweet and act like a happy couple in front of other people. But what caught her attention were the three words written in bold letters—NO S*X ALLOWED. At iyon naman ang dapat. Kailangan pa rin niyang pakaingatan ang sarili hanggang sa maikasal siya nang totoo sa lalaking mamahalin niya.