Chapter 17

1994 Words
DWIGHT'S FLASHBACK... "I SWEAR, I'll hunt you day and night if Maitha would cancel our wedding! I'm gonna make your life a living hell!" Puno ng gigil na hinimas ni Dwight ang pisngi ng babaeng kaharap. "I won't forget this f*cking face of yours, pervert slut!" Walang lingon-likod niya itong iniwan. Pabalibag niyang isinara ang pinto. Derederetso siya sa parking lot pagkalabas na pagkalabas sa b****a ng kinaroroonang hotel. Agad siyang nagmaneho nang makapasok sa kotse. He was already tipsy. Marami-rami rin siyang nainom na alak kanina, kaya marahil pinatulan niya ang babaeng bayaran na iyon dahil na rin sa espirito ng alak. He heard his cellphone ringing. Agad niya iyong sinagot nang makitang si Maitha ang tumatawag. Ni-loudspeaker na lang niya iyon. "Where are you? Bakit ang tagal mo? Are you coming to my condo to explain everything, Dwight?" Hindi pa nga siya nakakapagsalita ay ang sunod-sunod na nitong tanong ang bumungad sa kaniya. "Yeah, I'm coming. I'm on my way, hon," masuyo niyang tugon. Mabait naman na nobya si Maitha. May pagkaselosa nga lang, kaya naman naiintindihan niya kung saan nanggagaling ang galit nito sa kaniya ngayon. Nagustuhan niya ang dalaga dahil lahat halos ng katangiang hinahanap niya sa isang babae ay narito na. Maitha was beautiful, sexy, well-educated. She also came from a well-known family. Isa rin itong modelo sa ibang bansa. "You better be, Dwight! Alam mong ayokong niloloko!" angil nito sa kabilang linya. Napahilot siya sa sentido. Sanay naman siyang uminom. Pero ewan ba niya, nahihilo siya nang mga sandaling iyon. Panay kasi ang tungga niya kanina habang pinagmamasdan ang babaeng regalo sa kaniya sa stag party. "That will never happen, hon. You know it's you since the day I laid my eyes on you. At isa pa, hinding-hindi kita ipagpapalit sa ganoong klase ng babae," he gave her his assurance. Kahit na hindi na ito birhen nang makuha niya, pero mahal na mahal niya ito. Ikinurap-kurap niya ang mga mata. Pinaglalabanan niyang makatulog. Hilong-hilo na talaga siya. Nanlalabo na rin ang paningin niya. "Dapat lang, Dwight! Dahil pagtatawanan kita kung ganoong klase lang ng babae ang ipapalit mo sa 'kin." He smiled a little. Masyado talagang selosa ang fiancee niya. He was about to say something nang mahagip ng paningin niya ang nakakasilaw na liwanag na nagmumula sa isang malaking truck na makakasalubong niya. Huli na para atrasan niya iyon, kaya naman bigla ay nakabig niya ang manibela para makaiwas. Derederetso siya sa isang poste sa gilid ng daan. Malakas ang impact ng pagkakabangga niya. Yuping-yupi ang kotse niya. Basag ang windshield ng sasakyan. Halos maligo siya sa bubog niyon. Napaigik siya sa sakit. Naipit ang binti niya. Hindi niya iyon maigalaw. "Dwight, hon. What happened," he heard Maitha's worried voice from the other line. "N-Naaksidente ako," tugon niya bago mawalan ng malay. *** DWIGHT clinched upon remembering the accident that happened on that night. Kinabukasan ay nagising siya sa hospital na pag-aari ng pamilya nila—ang Solivan Medical Hospital. Nasilayan niya agad ang nag-aalalang mukha ni Maitha at ng kakambal niyang si Dwayne. Wala naman siyang ibang naramdaman nang mga sandaling iyon. He just got minor bruises. Other than that ay wala na. That's what he thought. Pero nang subukan niyang kumilos ay hindi niya maigalaw ang mga binti niya. He freaked out. Doon lang niya nalamang nagkaroon ng damage ang mga binti niya dahil sa pagkakaipit. He hired a full-time physical therapist. It took him six months bago makalakad uli. Hindi rin natuloy ang kasal nila ni Maitha dahil sa nangyari sa kaniya. Gusto man niyang matuloy ang seremonyas kahit pa baldado siya, pero kinontra iyon ni Maitha. Ayaw nitong ikasal sila na naka-wheelchair siya. Nang muli siyang makalakad ay pinlano niyang alukin muli ang kasintahan ng kasal. But it wasn't easy tho, dahil nang isang gabing dapat na may mangyayari sa kanila ay napansin niyang hindi na siya tinitigasan. Maitha did everything, she uttered dirty talks, moaned wildly, did some erotic movements on top of him. But his 'armor' remained soft. It wasn't hard. He wasn't aroused! Gulat na gulat ang nobya sa natuklasan. Siya nama'y nanlumo. Nang magpasuri siya sa espesyalista ay natuklasan niyang nagkaroon ng damage ang s*x organ niya. May posibilidad din daw na mabaog siya. He freaked out. Hindi iyon maaari! He wanted to have his own family with Maitha. He must do something to get rid of his s*xual dysfunction. He needed to do something in order to be healed. Lahat ay ginawa niya. He took different kinds of medicines by mouth. Nagpa-inject din siya ng medicine drug for s*xual disorder. Naroong manood siya ng mga porn videos, kumuha ng iba't ibang babaeng maikakama, pero wala pa ring nangyari. He got frustrated. Isa lang ang sinisisi niya sa nangyari sa kaniya—at iyon ay ang babaeng bayaran sa stag party niya. He wanted to get even. Hindi lang ang pagkaunsyami ng kasal nila ni Maitha ang kasalanan nito. Pati ang hindi pagkabuhay ng p*gkalalaki niya ay isinisisi niya rito. Kung hindi lang siya nito inakit, wala sanang magiging problema. Hindi siya aawayin ni Maitha, at hindi siya maaaksidente dahil lang sa pagpunta sa condo ng nobya para makapagpaliwanag. May posibilidad na mabaog pa siya dahil dito. He planned to look for that pervert slut. Pero sakto namang nagkaproblema ang isang kompanya ng kaniyang ama na nakabase sa Denmark, kaya naman wala na siyang nagawa kundi ang ipagpaliban muna ang paghihigante niya sa babae. He went back to the Philippines a year after, nang maiayos na niya ang lahat sa kompanya ng ama. He needed to talk to Dwayne personally. May sinabi kasi ang kanilang ama tungkol sa shares at mana na makukuha ng kakambal niya. Due to some unforseen circumstances, their father, Agustin Solivan, got sick and he took over the finances. Siya ang pinagkakatiwalaan ng kanilang ama dahil na rin sa mas matanda siya ng ilang minuto sa kakambal, at mas may alam siya sa pamamalakad ng kompanya at ng pera kompara rito. He told Dwayne what their father was asking him to do. Ang gusto ng ama nila'y maikasal muna ang kakambal niya bago nito makuha ang mana at ang thirty percent shares nito sa kompanya ng kanilang ama. That was insane, yes! Their father was being unfair to Dwayne. Pero hindi naman niya ito masisi dahil na rin sa kagagawan ng kakambal niya. Their father once gave Dwayne the benefit of the doubt. Ilang ulit itong binigyan ng pagkakataon ng kanilang ama para mapatunayan ang sarili nito, but the latter kept on disappointing the old man. Ngayon ay nakikita na niya ang pagbabago ni Dwayne. His twin brother was so serious in pushing his hotel ventures. Sinubukan niyang kausapin ang ama para ibigay na lang kay Dwayne ang shares at mana nito nang walang hinihinging kapalit, but the old man didn't bother to change his plans. Kaya naman wala na siyang nagawa, kundi ang puntahan ang kakambal noong gabing magpangbuno sila. He never thought that it was the night he had been waiting for so long—dahil sa mismong hotel na pag-aari pa mismo ng kakambal niya makikita niya ang babaeng plano niyang paghigantihan. What shocked him most was the revelation that the pervert slut was the same woman his brother wanted to marry! At ito rin ang nakapagpagaling sa erectile dysfunction niya! "Sir, here's the file you told me to finish." Nagbalik siya sa reyalidad nang marinig ang boses na iyon ni Syrell. Nasa harapan na niya ito. Marahan nitong inilapag ang folder sa mesa. He clinched, then shook his head. Umusog siya, at kinuha ang folder. Pinasadahan niya nang tingin ang nasa loob niyon. Sa totoo lang, pwede namang ipagpabukas na lang iyon dahil konte lang naman ang adjustments na kailangang gawin sa dokumento. Pero ewan ba niya, gusto niya itong pahirapan. Kaya naman palagi niya itong inuutusan, lalo na kung oras na ng uwian. Hindi niya alam kung nakakahalata na ang dalaga, pero wala siyang pakialam. "Lalabas na po ako, Sir." Akmang tatalikod na ito nang pabigla siyang tumayo. Mabilis niya itong nilapitan, at hinawakan sa braso. Agad din niya iyong binitawan nang makaramdam ng kakaiba—hindi niya maipaliwanag. "Bakit po?" Tumunghay ito sa kaniya. He wanted to curse upon seeing her innocent face. Looks can really be deceiving. "Be my s*x slave," walang paligoy-ligoy na saad niya. *** "BE MY s*x slave." "What?!" Nanlaki ang mga mata ni Syrellie. Kulang na lang ay panawan siya ng ulirat sa narinig na sinabi ng binata. Hindi naman yata siya namali ng pandinig. Silang dalawa lang ang nandoon, at masyado pang tahimik. Mayamaya'y tumawa siya nang mahimasmasan. "What's funny?" Nagsalubong ang mga kilay ni Dwight. "You are funny, Mr. Solivan." Turo niya rito. "I wanted to laugh at the absurdity of your offer. You really have the guts to offer something immoral to the fiancee of your twin brother?" She smirked. "Immoral..." Hinimas-himas nito ang sariling baba habang nakapamulsa ang isang kamay sa suot na slacks. Pinalobo nito ang pisngi gamit ang dila. "Look who's immoral in here, Ms. Ramos?" mapang-uyam na anito. Bigla ay nawala ang tawa niya. Nakalimutan niyang babaeng bayaran pala ang tingin nito sa kaniya. "I can pay you twice the assets of Dwayne. That sums up to a billion of peso, Ms. Ramos. Just be my s*x slave." Halos manlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Mas mayaman nga siguro ito kaysa kay Dwayne. Ang offer sa kaniya ni Dwayne noon ay five million lang at five percent shares ng asset na makukuha nito sa kompanya ng ama. Pero ang kumag ay halos bilhin siya sa halagang bilyon matikman lang siya. Napangisi siya. Though she felt offended by his offer, pero hindi siya nagpahalata. Nilapitan niya ito. Pinapungay niya ang mga mata. She traced her forefinger on his jawline, down to his neck. She saw him clinch his jaw. Gumalaw ang Adam's apple nito. Now she knew, Dwight was s*xually attracted to her. He fantasized her. Mas lalo siyang napangisi. Tinitigan niya ito—mapang-akit na titig. Bahagya siyang tumingkayad para kunwari'y hahalikan niya ito. She saw lust in his eyes. She smirked. "You wanted me to be your s*x slave, huh?" Pinalambing niya ang boses. Kunwa'y inayos niya ang necktie nito. "My answer is..." she paused. "No!" bulyaw niya sa harapan ng mukha nito. Lumayo siya rito. "Mr. Solivan, just so you know, kahit na ikaw pa ang pinakamayamang tao sa buong mundo, at kahit ikaw pa ang may pinakamalaking offer na pera, hinding-hindi ako papatol sa 'yo! You f*cking are not my type!" panggagaya niya sa sinabi nito noon sa kaniya. "And besides, 'di ba ayaw mo sa babaeng bayaran na katulad ko? How come na gagastos ka pa ng bilyones, maikama lang ako? So pathetic!" she smirked. Nakaganti na siya sa panglalait nito sa kaniya. Dwight clinched his fists. Naggalawan ang muscles nito sa panga. Tinitigan siya nito ng masama. Bahagya siyang natakot sa nakitang reaksyon nito. Baka mamaya bigla na lamang siyang bumalagta sa suntok nito. Napaatras siya. "I-I'm sorry, but I can't accept your offer, Mr. Solivan. If you can't respect me as a woman, then, at least, please respect me as the fiancee of your brother," malumanay niyang pagpapaliwanag. "I don't want to hear you say those words again. I-I love Dwayne, so please respect the relationship we had." Palala nang palala ang mga kasinungalingan niya. Natigilan ang binata sa mga sinabi niya. Kung kanina ay galit ang nababanaag niya sa mga mata nito, ngayon naman ay wala siyang makita ni anumang reaksyon mula rito. He just stared at her with poker face. Sakto namang bumukas ang pintuan ng opisina. She saw Dwayne smiling at her. "Honey, let's go." Inakbayan siya nito. He kissed her on the head. She just nodded. Hindi na niya muli pang sinulyapan si Dwight. "We'll go ahead, bro. May date pa kami," pang-iinggit ni Dwayne. Tumawa pa ito bago nila talikuran ang seryosong si Dwight.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD