KINABAHAN si Syrellie sa nababanaag sa mga mata ni Dwight. Waring nakita na niya ang ganoong klase ng titig sa mga mata ng binata noong stag party nito kung saan nabuhay rin niya ang p*gkalalaki nito.
He didn't utter any word. He was just staring at her with full of passion and lusts.
Hindi niya tuloy alam kung ano'ng susunod na gagawin. Gusto niyang kumaripas nang takbo, at iwan ito, but she froze while glaring directly at his eyes, too.
Hindi rin niya maintindihan ang huli nitong sinabi sa kaniya kanina. Dwight told her two reasons why he hated her, pero hindi malinaw ang pangalawa. Naguguluhan siya.
Nagagalit ba ito sa kaniya dahil binubuhay niya ang makamundo nitong pagnanasa? Ano naman ang ikakagalit nito, gayong halos lahat naman ng lalaki ay ganoon? Makakita lang ng sexy at magandang babae ay waring naghuhurumintado na ang nasa pagitan ng mga hita ng mga ito.
Naalarma siya nang makitang kumilos ang binata. Akmang lalapit ito sa kaniya. She held the doorknob, and was about to open it nang bigla iyong bumukas.
"Hi, hon!" bungad ni Dwayne. He hugged her, then gave her a kiss on the forehead. "I missed you. Did you miss me, too?" May lambing sa boses nito.
"O-Oo, I missed you, too," aniya na lang. Ginantihan niya ito ng yakap. Hindi niya alam kung bakit, but she felt safe with Dwayne. Hindi katulad kay Dwight na palagi na lang nagrarambulan sa kaba ang dibdib niya sa hindi niya malamang dahilan. "I thought, sa Lunes ka pa papasok?" tanong niya nang maalala ang sinabi ni Dwight na isang buong linggo itong hahalili kay Dwayne.
"Yeah, sa Lunes pa. I just came here to see you. I missed you already, hon." Nginitian siya nito nang matamis.
Gusto niyang pumalakpak sa pagiging best actor ni Dwayne. Mukhang magaling itong umarte. Mukhang nakakadala, at mukhang totoong-totoo na may relasyon sila.
"Mabuti naman hindi na halata ang mga pasa at galos mo," she commented when she saw Dwayne's bruises wasn't noticeable already. Hinawakan niya ang mukha nito para mas masipatan pa lalo.
"Yeah, because—"
"Have you picked the right location for your hotel branch somewhere in Manila, Dwayne?" basag ni Dwight sa kanila. Naglakad ito patungong swivel chair. Seryoso itong umupo roon habang ang mga mata ay nakatutok sa kakambal nito.
"Yeah, I'm planning to open it in Pasig City alongside with the hotel owned by MegaUni Corporation," Dwayne answered confidently.
Napansin niyang nagsalubong ang kilay ni Dwight. Mukhang hindi nito nagustuhan ang tugon ng kakambal. Tumayo ito, saka nakapamulsang nagpalakad-lakad na tila professor na nagtuturo. "One of the most important factors that you need to consider before starting a hotel business is finding the right location for your venture. Unless you have something unique and different to offer, it's best to house your hotel somewhere that isn't too close to your competitors." Huminto ito, saka tinitigan si Dwayne. Kinuha nito ang folder na ibinalibag kanina sa harapan niya. "Tell your secretary to change the plans written in here. Dapat hindi lang sunod nang sunod ang sekretarya mo sa mga iniuutos mo. She should also know how to voice out her sentiments and suggestions, not unless wala talagang kaalam-alam 'yang sekretarya mo, kundi ang mag-encode at tumunganga lang sa harap ng computer." Bahagya siya nitong sinulyapan. She saw again disgust in his eyes.
Napaangat ang kilay niya. Ano't pabago-bago ito ng mood? Kanina halos pagnasaan siya nito sa paraan ng pagtitig nito. Ngayon naman ay halos isumpa na naman siya.
She was about to open her mouth to defend herself when she felt Dwayne's arm on her waist, kaya naman doon napatitig si Dwight. She saw him clinched his jaw.
"Spare my secretary here. Tayo ang mag-usap," seryosong ani Dwayne. Binalingan siya nito. "May you please excuse us for awhile, Syrell?"
Marahan siyang tumango, saka tinalikuran ang mga ito. Inirapan muna niya si Dwight bago lumabas. Kahit man lang sa paraang iyon ay makaganti siya sa sinabi nito. Masyadong matalas ang dila nito, kasing talas kanina nang maglilikot ito sa loob ng bibig niya.
Ipinilig niya ang ulo. Naiinis siya sa sarili. Palagi na lang niyang naiisip ang mga pinaggagagawa nito sa kaniya.
She sat on the office chair next to the table inside her cubicle.
Hindi niya alam kung ano na ang pinag-uusapan ng dalawa. Sana lang ay hindi na naman umabot sa puntong magsusuntukan ang mga ito. Mukhang pikunin pa naman ang Dwight na iyon. Kung hindi niya lang ito naririnig magsalita ay talagang iisipin niyang pakikipag-away lang ang alam nito. But in all fairness, she was impressed by the words that came out his mouth. He was full of knowledge, and knew everything about business. Napansin niya iyon sa nakalipas na anim na araw na ito ang boss niya. He might be a perfectionist one. He sets unrealistically high expectations for himself and others, but his standards were always of rising, and he approached work with optimism, pleasure and a desire to improve in all aspects.
"Erase! Erase!" Ipinilig niya ang ulo. Ayaw niyang tingnan, ni maisip man lang ang positive attributes ng kumag na iyon. Nakakaloka ang mga iniisip niyang magagandang katangian nito. Hindi iyon maaari!
Ipinagpatuloy na lang niya ang trabaho. May pinapatapos pa kasi sa kaniya ang Dwight na iyon. Baka mamaya paulitin na naman sa kaniya, tiyak niyang mag-u-overtime na naman siya nito.
She was seriously glaring at the laptop monitor nang mayamaya'y bumukas ang pintuan ng opisina ng boss niya. Napaangat siya nang tingin. She saw Dwayne heading outside the office. Ngumiti ito sa kaniya na ginantihan naman niya.
"Syrell, can I pick you up after work? We needed to talk," saad nito nang eksaktong makalapit sa cubicle niya.
"Sure." Iyon din sana ang gusto niyang sabihin dito. Marami silang dapat na pag-usapan patungkol sa mga pangyayari na palala nang palala. Panay ang kakapanggap nila gayong wala pa naman silang napag-uusapan hinggil sa relasyon nila kuno.
Nagpaalam ito. Sinabi nitong babalik na lang mamayang alas-singko para sunduin siya na tinanguan na lamang niya.
Mabilis lumipas ang mga oras. Namalayan na lamang ng dalaga na mag-a-alas-singko na pala. She immediately packed up her things para ready siya mamaya. Nasa ganoon siyang ayos nang bumukas ang opisina ng boss niya. Iniluwa mula roon si Dwight. Nagsalubong ang mga kilay nito nang mapansin ang ginagawa niya.
"It's not yet time, Ms. Ramos," saad nito habang nakatingin sa mamahalin nitong wristwatch. Pagkatapos ay lumapit ito sa kaniya. May inilapag ito sa mesa niya. "You must finish this ASAP!"
"B-But, Sir—"
"No buts, Ms. Ramos. I needed the files before eight AM tomorrow." Tinalikuran siya nito.
"Hindi na lang kasi ibinigay kanina. Alam nang oras na ng uwian," bubulong-bulong na maktol niya. She rolled her eyes.
Hindi iyon nakaligtas sa binata. Bigla kasi itong humarap sa kaniya. Umangat ang dalawang kilay nito. He painted a strange grin. Bumalik ito sa cubicle niya. He leaned forward. Napaatras ang ulo niya. Halos maghalikan na kasi sila sa sobrang lapit ng mukha nito sa kaniya.
"I can make that eyes in a delirium state once I push my c*ck into its maximum depth inside you..." he whispered behind her ear.
Her eyes grew wide-open. "Bastos!" Namula siya. Hindi niya akalaing may ganitong side pala ang lalaking ito. Noong una kasi ay halos diring-diri ito sa kaniya. Ni hawakan siya ay ayaw nito, lalo na ang mahalikan siya. 'Tapos ngayon ay magsasalita ito ng ganoon—dirty talks with her?
"My pleasure, babe," he smirked. Mas lalo pa nitong inilapit ang mukha sa kaniya. Kulang na lang ay maglapat ang mga labi nila. She could feel his breathe fanning on her face.
Nataranta siya. Baka may makakita sa kanila, at kung ano na lang ang isipin. Halos lahat kasi ng empleyado ay alam nang may 'relasyon' sila ni Dwayne.
"Y-You should never talk that way to your soon-to-be sister-in-law."
Dwight smirked. Bahagya nitong ikiniling ang ulo. He licked his lower lip, then stared at her again. "Soon-to-be." He emphasized. "Meaning no guarantee yet. There is no assurance that the plans you both have will remain. Life is unpredictable, Ms. Ramos. We will not even know what's going to happen next."
"I decided that I am going to choose my own destiny, and that is to marry Dwayne. Even you cannot hinder the plans we have!" aniya nang mapansing kinokontra na naman siya nito. Hindi talaga siya nito tanggap maging bayaw.
"Let's see, Ms. Ramos. Let's see," he said with clinched teeth, saka tuluyan na itong pumasok sa opisina. Pabalibag pa nitong isinara ang pinto.
***
INIS na ibinalibag ni Dwight pasara ang pinto. Marahas siyang umupo sa swivel chair. He massaged his temple. Sumasakit ang ulo niya.
That woman was really consuming him. Kailangang hindi ito maikasal sa kakambal niya. Hindi niya ito kailanman matatanggap bilang bayaw. Ayaw niyang mapunta lang sa pipitsuging nagbebenta ng aliw ang kapatid niya. He wondered if Dwayne knew everything about that Syrell. Kahit pa sabihing tinalikuran na nito ang dati nitong trabaho ay hindi pa rin mawawala ang katotohanang marumi ito, at pinagpasapasahan na ng kahit na sinong lalaki.
He needed to do something to ruin Syrell and Dwayne's relationship. Kung kinakailangang akitin niya ang babaeng iyon para lang masiraan ito sa kakambal niya ay gagawin niya. Huwag lang matuloy ang kasal ng mga ito.
Alam niyang magtatagumpay siya kapag gawin niya iyon. That Syrell was into s*x, and he knew it. Madali itong madala sa mga halik at haplos niya. He could still remember how her body reacted to his touch.
He could also remember the feel of her skin everytime he caress her.
"F*ck!" he cursed when he felt his 'thing' twitched. Bahagya niyang iniyuko ang ulo. A hint of a smile tugged on his lips the moment he realized what was going on. He was aroused just by the thought of Syrell. And he must not deny the fact that he was attracted to her when it comes to s*xual fantasies. Pinagnanasaan niya ito.
He was happy about that. Ilang taon na nga ba noong huli niyang maramdamang tumigas ang alaga niya? Mahigit dalawang taon na yata. Kaya hindi pa rin matuloy-tuloy ang kasal nila ni Maitha dahil na rin sa pakiusap niya. Nang dahil sa nangyari sa kaniya ay alam niyang hindi niya magagampanan ang mga tungkulin at pangangailangan ng babaeng mahal niya, kaya naman ipinagpaliban lang muna nila ang kanilang kasal. Nagpapasalamat na lang din siya at pumayag si Maitha. Nasa ibang bansa kasi ito. She was busy with her modelling career.
He needed to heal first. At kapag magaling na siya, aalukin niya uli ng kasal ang babaeng mahal niya. Gagawin niya ang lahat para gumaling alang-alang sa kaligayahan niya, alang-alang sa pamilyang gusto niyang mabuo kasama si Maitha.
Nasa ganoon siyang pag-iisip nang bumukas ang pintuan ng opisinang kinaroonan niya. Iniluwa mula roon ang inosenteng mukha ni Syrell. Siguro kung hindi niya lang ito nakitang nagbebenta ng aliw noong gabi ng stag party niya ay hindi siya kokontra na ito ang magiging asawa ng kakambal niya. She was so perfect when it comes to physical features. Her face was so innocent. Malalantik ang pilik-mata nito. Napakaganda ng mga mata nito—nangungusap kung tumitig. She had that small pointed nose paired with pouty kissable lips. May biloy din ito sa magkabilang pisngi na lalong nagpapatingkad sa ganda nito lalo na kung ngumingiti—ngiting kay Dwayne lang nito ibinibigay.
Bahagya siyang nakaramdam ng inis sa naisip.
Wala sa sariling pinasadahan niya ito nang tingin. Napalunok siya, kasabay ng paggalaw na naman ng alaga niya sa baba.
Syrell was wearing her office uniform—a dark mini skirt and white polo shirt na hapit na hapit sa katawan nito. She was so sexy. She had that voluptuous figure—big breasts, skinny waist, big bottom. She was attractive in a s*xual way, kaya marahil kahit na napakainosente ng mukha nito ay nagagawa pa rin nitong mang-akit ng lalaki dahil sa angking-ganda ng katawan nito. Katawang alam niyang ilang ulit nang pinagsawaan ng kakambal niya.
He clinched. Mas lalo siyang nagalit sa babaeng kaharap. Ang katawan nitong iyon ang dahilan kung bakit magpahanggang-ngayon ay hindi pa rin sila naikakasal ni Maitha. Kung hindi ba naman siya nito inakit ay paniguradong may sarili na siyang pamilya ngayon. Marahil ay may isa na silang anak ni Maitha, at namumuhay nang masaya.
Because of Syrell, he got into an accident that night...an accident that will change his life...an accident that led him to hate Syrell for life!