Chapter 15

2079 Words
"S-SIR Dwight?" nanlalaki ang mga matang bulalas ni Syrellie. Bigla ay nawala ang nakapagkit na ngiti sa mga labi niya. Bakit ito ang nasa swivel chair ng boss niya? Unang beses din niya itong nakitang naka-coat and tie with hair tied at the back. And she could say that he was oozing with authority and power. "B-Bakit ikaw ang nandito? Where's Sir Dwayne?" Nagpalinga-linga siya. "You missed him already, huh!" Dwight sarcastically commented. "Sa tingin mo makakapasok siya ngayon sa tinamo niyang sugat at galos?" Oo nga naman. Nakakahiya naman kasing magpakita roon si Sir Dwayne. Baka mamaya mapag-tsismisan pa ito ng mga empleyado na nabugbog-sarado ito. Hindi 'gaya ng lalaking nasa harapan niyang halos hindi nga yata halatang pumutok ang mga labi. "Kung hindi mo ba naman kasi pinuruhan," wala sa sariling aniya. She rolled her eyes. Naningkit ang mga mata ng binata. Kumibot-kibot ang mga labi nito, pero hindi naman nagsalita. Marahil ay nagpipigil lang itong mabulyawan siya. Naroon kasi sila sa opisina. Napatitig ito sa kapeng nasa mesa. Mas lalo itong napakunot-noo. "I want it black. I'm not used into sipping coffee with lots of creamer. Change it," maawtoridad nitong utos. "Okay, Sir." Kinuha niya ang kape, saka ito tinalikuran. She again rolled her eyes. Hindi man lamang marunong mag-please ang mokong. Ibang-iba talaga ang ugali nito sa kakambal nito. Dwayne knew how to say please and utter thank you even just to a smallest effort given by his subordinates. Unlike this egocentric fagot behind her back na waring kung sino kung makapag-utos. Lumabas siya sa silid nito. Deretso siyang nagtungo sa silid kung nasaan ang coffee maker. She made another one. A black coffee as to what he wanted. Pagkatapos ay bumalik siya sa opisina nito. Napansin niyang salubong ang kilay nito habang nakatutok ang mga mata sa laptop. Hindi ba ito marunong ngumiti man lang? Siguro kung hindi ito kamukha ng boss niya ay talagang maku-curious siya sa hitsura nito kapag nakangiti. "Here's your black coffee, Sir." Inilapag niya ang tasa ng kape sa mesa. Ilang sandali siyang nakatayo lang doon. Hinihintay ang iba pang utos nito. "What is it now, Ms. Ramos?" Mas lalong nagsalubong ang kilay nito. Sa laptop pa rin ito nakatutok. "Ahm, baka po may ipag-uutos pa po kayo, Sir?" "If there is, I would say so. You can go," may halong sarkasmo na saad nito. Nagtipa ito ng kung ano sa keyboard ng laptop. "Okay po, Sir." Yumukod siya rito. Tinalikuran niya ito, at iniwan sa loob ng opisina. Mukhang ipinaglihi sa sama ng loob ang kapatid ng boss niya. Hindi pa niya ito nakitang tumawa, ni ngumiti nang peke. Palaging galit at mapang-uyam na reaksyon lang ang nakikita niya rito. Hindi niya alam kung gan'on ba ito sa lahat o sa kaniya lang? Ipinilig niya ang ulo. Bakit ba siya nag-aaksya ng panahon kakaisip sa kumag? Bahala ito sa buhay nito. Ito lang naman ang tatanda agad sa kasungitan. Napatingin siya sa pumpon ng bulaklak na nakalatag sa mesa niya nang eksaktong makarating siya sa cubicle. She picked it up. Curiousity was written all over her face. Hindi naman sa unang beses niyang nakatanggap ng ganoon. Sa katunayan ay maraming nanligaw sa kaniya noong college siya, at binibigyan din siya ng mga bulaklak ng mga iyon. Pero unang beses niyang makatanggap ng bulaklak sa trabaho. Tiningnan niya ang nakakabit na note sa bulaklak. Binasa niya iyon. Hi, Hon! I'm not going to the office today. Please do take care of yourself. Dwayne "Ay, hala, may relasyon pala kayo ni Sir Dwayne, girl?!" bulalas ni Reah. Isa itong HR sa hotel. Impit itong napatili. Hindi niya napansing nasa likuran pala niya ito. Napaharap siya rito. "Nanggugulat ka naman," aniya, saka tiningnan uli ang bulaklak na hawak. "Wala kam—O-oo, inilihim lang namin dati," aniya nang biglang bumukas ang opisina ng boss niya. Iniluwa mula roon ang nakakunot-noong si Dwight. Balak sana niyang sabihin sa katrabahong wala naman silang relasyon ni Sir Dwayne, pero ano pa bang magagawa niya? Kundi ang ipagpatuloy ang nasimulang pagpapanggap, lalo na't naroon ang taong dapat na makarinig niyon. "Hala, matagal na? Kailan pa? My gosh, Syrell. Jackpot ka kay Sir Dwayne. Gwapo na nga, mabait pa, at mayaman pa! S'an ka pa, 'di ba?" sunod-sunod na ani Reah. Hindi nito napansin si Sir Dwight. Nakatalikod kasi ito sa kinaroroonang pintuan ng opisina. Kimi siyang ngumiti sa katrabaho. "Hindi naman kasi yaman ang—" "You both!" Turo nito sa kanilang dalawa. "Oras ng trabaho, nagtsi-tsismisan kayo!" "Sir, hindi pa naman time," aniya nang mapansing wala pang alas-otso. "I'll be your boss for a week. Just follow my command. Obey what you are told to do, Ms. Ramos!" he said full of authority. Derederetso itong naglakad palabas ng opisina. Nagkatinginan sila ni Reah. Pigil-pigil ang mga ngiting napailing sila. "Punta ka na sa HR Department. Hayaan mo na, isang linggo lang naman 'yan nandito," saad niya sa katrabaho. Wala na itong nagawa, kundi ang bumalik sa pwesto. Huling sulyap ang ginawa nito sa mga bulaklak. Tinapunan pa siya nito ng mapanudyong tingin. *** HINDI akalain ni Syrellie na ang simpleng pagtulong sa boss niyang si Dwayne noong gabing napuruhan ito sa suntok ni Dwight ay magdudulot sa kaniya ng mas malalang suliranin sa hinaharap. Mabilis na kumalat sa Hotel Solivaness ang kunwaring relasyon nila ni Sir Dwayne. Panay ang tudyo ng mga katrabaho niya sa kaniya. Hindi pa pumapasok ang lalaki sa hotel dahil nagpapagaling pa ito sa mga natamong galos at pasa sa panununtok ng kakambal nito. Nalaman ng mga katrabaho niya ang lihim 'di umano nilang relasyon dahil panay ang padala ni Sir Dwayne ng bulaklak sa kaniya. Every morning when she entered her cubicle ay may nakikita siyang presko at mabangong pumpon ng bulaklak. Iniuuwi na lang niya iyon sa bahay pagkatapos. Gusto sana niyang kausapin ang boss, at patigilin ito sa ginagawa. They needed to talk first. Kailangan nilang malinawan sa napakabilis na pangyayari. Magmula kasi nang gabing nagsuntukan sina Dwight at Dwayne ay hindi pa sila nakakapag-usap ng huli. Hindi naman kasi ito tumatawag sa opisina, ni hindi ito tumatawag sa personal number niya. Ayaw naman niyang pangunahan ito dahil boss pa rin naman niya ito kahit na papa'no. "Follow me inside, Ms. Ramos." Syrellie heard that authoritative voice from Dwight. Kararating lang nito nang hapong iyon pagkatapos ng lunch nito. Pang-anim na araw na nito sa Hotel Solivaness. At sa mga nakalipas na mga araw na naroon ito ay talaga namang katakot-takot na trabaho ang palagi niyang inaatupag. Marami itong utos. Masyado itong perfectionist. Kaunting mali lang niya ay agad nitong napapansin. Kaya naman ang resulta, uulit at uulit na naman siya sa mga ipinapagawa nito. Halos araw-araw rin ay nag-u-overtime siya sa mga hindi natatapos na utos nito. Mukhang pinapahirapan talaga siya ng lalaki. Noong si Sir Dwayne ang humahawak sa Hotel Solivaness ay hindi naman siya nito pinaulit-ulit ng mga files na ginawa niya. Minsan nga ay napupuna nito ang mali niya, pero hindi naman nito pinapaulit at hinahayaan lang. Ang sabi pa nito ay konte lang naman daw at kaya pang masolusyunan. Hindi katulad ng Dwight na ito na talaga namang pinapahirapan siya. Daig pa ang babae sa sobrang arte. Kung hindi lang ito gwapo at macho ay talagang iisipin niyang bading ito. O baka naman closet queen, at insecure lang sa beauty niya? Ipinilig niya ang ulo, saka napangiti. Kung anu-ano na lang ang iniisip niya. She headed towards the door of the office. "What's with this file, Ms. Ramos? How many times do I have to tell you, I wanted it to be properly done?!" bulyaw ni Dwight nang eksaktong makapasok siya sa opisina nito. Halos mapatalon siya sa kinatatayuan nang pabalibag nitong ibinagsak ang makapal na folder sa mesa. "S-Sir, bakit? Ano na naman po ang mali?" Diyos Ko, kung ito lang din ang magiging boss niya, paniguradong mag-a-absent without leave na lang siya. Magkakasakit siya sa puso sa araw-araw na pambubulyaw nito. Ano kayang problema nito? "Do I really need to tell you again what's wrong?" Naningkit ang mga mata nito. "See it for yourself! Kaya hindi ako masyadong kumbinsedong mapapalago ni Dwayne ang hotel branches na plano niyang itayo, dahil na rin sa mga empleyadong iniha-hire niya!" "W-What do you mean?" tanong niya kahit pa alam na niya ang kasagutan niyon. "You're such an incompetent secretary, Ms. Ramos," prangkang komento nito. "Nagtataka lang ako kung bakit ikaw ang ini-hire ni Dwayne. Do you really have knowledge on your work, Ms. Ramos? Dahil kung hindi, mas mabuti pang mag-resign ka na lang!" "You don't have the right to tell me what to do dahil hindi ikaw ang boss ko! Kung may magpapatalsik man sa 'kin dito, si Sir Dwayne lang 'yon!" angil niya. Nakalimutan niyang kapatid pa rin ito ng boss niya. Naiinis na talaga siya sa pang-aalipusta nito sa kaniya. Sa nakaraang anim na araw, napapansin niyang siya lang ang pinagdidiskitahan nito. Civil naman kasi ito kung makitungo sa ibang empleyado. Sa kaniya lang ito palaging galit at nakaangil. Hindi niya alam kung ano'ng problema nito sa kaniya. Mas lalo kasi itong naging masungit sa kaniya kompara noong unang beses nilang pagkikita sa stag party nito. "What's your problem with me, Sir Dwight? Bakit mo ba ako pinagdidiskitahan?" lakas-loob niyang tanong. Hindi sumagot ang binata. Bagkus ay nag-igtingan lang ang muscles nito sa panga. "You can't find any answer because you're such a nonsense egocentric fagot, Mr. Solivan! Wala akong kasalanan sa 'yo na gaganituhin mo ak—" Nagulat na lamang siya nang bigla itong tumayo sa pagkakaupo, at malalaki ang hakbang na nilapitan siya. "W-What are—" "You ruined my supposedly wedding, slut! At hindi lang 'yon dahil—" Bigla ay huminto ito sa nais na sabihin. Nakita niya sa mga mata nito ang sobrang poot, kaya naman kinabahan siya. Akmang aatras siya, subalit pabigla nitong hinaklit ang braso niya. Marahas siya nitong isinandal sa pintuan ng opisina. "S-Sir, let go of—" "Gusto mong malaman kung bakit ako galit sa 'yo, huh? Pwes, ipapakita ko!" Hinawakan siya nito sa baba, at walang babalang tinawid ang pagitan ng mga labi nila. Marahas ang mga halik ni Dwight. Waring pinaparusahan siya sa kasalanang kaniyang nagawa. She felt him bit her lower lip, kaya naman napahawak siya sa matikas nitong dibdib para manulak. Pero mas lalo lamang siya nitong hindi pinakawalan. Naramdaman na lamang niyang kinabig siya nito sa beywang. Ang palad nitong nasa baba niya ay pumaikot sa batok niya. He pulled her head closer to him. Ang mga halik nito ay naging agresibo, naging mapusok. Ang dila nito'y malayang naglilikot sa loob ng bibig niya. A soft moan escaped from her throat. She was beginning to like his kisses. And before she could ponder everything in head ay tinugon niya ito. Dwight moaned. Malaya nitong hinimas ang beywang niya. He even pressed himself towards her body. Allowing her to feel his manly erection. Nang dahil sa naramdamang 'iyon' sa binata ay pilit niya itong inilayo sa kaniya. Baka kung magtuloy-tuloy sila ay maisuko na niya rito nang tuluyan ang bagay na hindi niya naipagkaloob dito dalawang taon na ang nakakalipas. "S-Stop..." nanghihina niyang sambit nang pakawalan nito ang mga labi niya. Dwight was already kissing her on her jawline, down to her neck. "P-Please stop..." Ngunit waring hindi siya nito naririnig. Patuloy pa rin ito sa kakahalik sa leeg niya. Nanghihina na siya sa sensasyong binubuhay nito, pero kailangan niya iyong mapaglabanan. "I said stop!" she blurted when he was about to kiss her again on her lips, sanhi para matigil ang binata. Naitulak niya ito. Dwight stared at her. Pero wala siyang nakikitang galit sa mga mata nito nang mga sandaling iyon. Hindi katulad kanina nang bago siya nito halikan na puro poot at galit ang nasisilayan niya. Dwight's eyes were full of passion and...lusts? Wala sa sariling bumaba ang tingin niya sa pagitan ng mga hita nito. Halos manlaki ang mga mata niya nang makitang tayong-tayo at tila sumasaludong sundalo ang armas nito. Iniiwas niya ang paningin. Napatitig siya uli sa binata. Sinundan nito ang tiningnan niya kanina. She saw how his face depicted a shock reaction. Waring gulat na gulat ito. Mayamaya pa'y umangat ang sulok ng labi nito. She wasn't sure if he was smiling or what. Muli ay tumitig ito sa kaniya. She saw pure lusts on Dwight's eyes while glaring at her. Waring hinuhubaran siya ng mga titig nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD