Chapter 14

1386 Words
"SO, YOU finally remembered me, huh!" Dumukwang ang binata sa kaniya. He stared at her with malice. "Pervert slut!" Syrellie's eyes grew wide-open. Bakit ngayon lang ba niya iyon napansin? Kaya pala kanina tinawag din siya nitong 'pervert slut' at kung anu-ano pa ang sinabi sa kaniya. Kaya pala napakapamilyar nito sa kaniya. Akala niya noong una ay dahil lang iyon sa rasong kamukha nito ang boss niya, pero hindi pala. Ngayon ay malinaw na sa kaniya ang lahat. Ito pala ang lalaking muntikan na sanang wawarak sa dignidad niya, na kung hindi siguro tumawag ang fiancee nito ay paniguradong may nangyari na sa kanila. Natuloy ba ang kasal nito? Marahil ay natuloy, hindi naman kasi siya nito ginantihan. "S-Sir Dwight, ikaw pala 'yan." Kimi siyang ngumiti rito. Sh*t! Bakit ba biglang lumitaw sa balintataw niya ang gabing kung saan sinayawan niya ito at kinandungan. Hindi lang iyon, they even made out for Pete's sake! Bigla ay namula siya sa isiping iyon. Nataranta siya nang mas lalo nitong inilapit ang mukha sa kaniya. Gusto sana niyang umiwas, pero hindi niya magawa. 'Gaya noong una ay tila tuod lang siyang hindi makagalaw habang nakatitig sa mga mata nito. Mas mabuti pa kanina, nakakaya niyang pagtarayan ito. Ngayon kasi ay tila nakaramdam siya ng hiya sa isiping halos nakita na nito ang mga itinatago niya, halos nakita na siya nitong hubad na naka-panty at bra lang. At hindi lang iyon, halos nahawakan na siya nito sa iba't parte ng katawan niya, partikular sa mga maseselang bahagi niyon. Sh*t! She blushed hard just by the thought of that one wild night. Mas lalong inilapit ng binata ang mukha sa kaniya. Halos wala nang ni gahiblang pagitan sa kanila. Wala sa sariling unti-unti niyang ipinikit ang mga mata. Hindi niya alam kung ayaw niya lang makita ang mukha nito sa malapitan o sadyang hinihintay niyang mahalikan uli siya nito. "I'm not fond into kissing a wh*re like you." Bigla ay napadilat siya sa sinabi nito. Nang tingnan niya ito ay inii-start na muli nito ang kotse. Seryoso ang mukha nito. "Kung ikaw lang din ang mapapangasawa ng kakambal ko, mas mabuti pang hindi na lang niya makuha ang shares at mana niya." Muling sumulak ang inis niya sa lalaki. Oo, nasaktan siya sa maling paratang nito patungkol sa pagkatao niya, pero mas nanaig ang galit na naramdaman niya sa sinabi nito. "Akala mo naman may magagawa ka pa oras na maikasal na kami? Bakit sinabi ba ng Papa niyo na bawal ang slut at wh*re na katulad ko?" she said emphasizing those two words 'slut' and 'whore.' Kung gan'on ang pagkakakilala nito sa kaniya, eh, di hayaan. Basta't alam niya sa sarili niya kung ano siyang klase ng babae. She saw him clinched his jaw. Napahawak ito nang mariin sa manibela. Matalim siya nitong tinitigan. "Sisiguraduhin kong hindi matutuloy ang kasal niyo! My brother deserves someone better than you." "Huh! Really? Maybe he deserves someone better than me, but I am the one he loves. Mahal na mahal niya ako at gan'on din ako sa kaniya! Kaya wala kang karapatan panghimasukan ang kung ano'ng relasyon mayroon kami!" gigil niyang litanya. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang mga kasinungalingang pinagtagpi-tagpi niya. Kusa na lang kasi iyong lumabas sa bibig niya. Marahil ay dahil sa inis sa lalaking katabi. Mas lalong umigting ang bagang ni Dwight. "Mahal? Siya ba talaga ang mahal mo? O ang perang makukuha niya? You can fool my brother, but you can never fool me, gold-digger slut! Kaya nga nagbebenta ka ng aliw para sa pera, 'di ba?" May namuong luha sa mga mata niya sa sinabi nito. Gusto sana niya itong sampalin, pero pinigilan niya. Bagkus ay iniiwas na lamang niya ang tingin dito. Ayaw niyang makita nito ang luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata niya. Aaminin niyang nasaktan siya sa mga pinagsasabi nito. That was the first time someone regarded her with contempt. She felt like she was treated with disrespect. She felt cheap and degraded. "If you have nothing to say good, better yet maglakad na lang ako pauwi. Hindi ako nagpahatid sa 'yo para lang makarinig ng mga nonsense galing sa 'yo!" Akmang bubuksan niya ang kotse nang pabigla nitong hawakan ang braso niya. Blangko ang ekspresyong sinulyapan niya ito. "Stay still, slut! Ihahatid kita. Baka mag-away na naman kami ni Dwayne nang dahil lang sa 'yo!" inis na anito. "Then watch your words, Sir Dwight! Think before you blurt something offensive at me!" "Inglisera ka na pala ngayon," he commented in an insulting grin. "At ngayon naman pinapakialaman mo kung paano ako magsalita. Talaga lang, Sir Dwight? Lahat na lang napapansin mo sa 'kin? I wonder why..." she paused, then grinned at him, too. "Baka naman nagpapapansin ka lang sa 'kin?" "Why would I?" His brows creased. "Aba, malay..." Saglit siyang tumigil nang may maisip na isagot. "Baka may gusto ka lang sa 'kin kaya ka nagkakaganyan." Tumawa siya—mapang-uyam. Nagulat na lamang siya nang ihambalos nito sa upuan ang bag niyang nakapatong sa may kandungan niya. "Damn you! Don't you ever say those words again, slut! Dahil kahit ikaw na lang ang natitirang babae sa mundo, hinding-hindi ako magkakagusto sa 'yo! Huwag mataas ang lipad! You f*cking are not my type! Hindi ako pumapatol sa babaeng pinagpasa-pasahan na ng kahit na sinong lalaki!" gigil na gigil nitong litanya, saka tuluyan nang pinaandar ang sasakyan. Hindi na muli siyang nagsalita dahil sa takot. Mukhang bayolenteng tao ang kakambal ng boss niya. Mukhang madaling magalit. Ayos lang dito na ito ang makapanakit ng damdamin, pero kung ito naman ang ginagantihan ay halos maghurumintado. Muli ay tinanong nito kung saan ang address niya. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hindi na ito muli pang nagsalita. Hanggang sa maihatid siya nito ay wala na silang imikan. Agad nitong pinaharurot ang kotse pagkababa na pagkababa pa lamang niya. She drew a deep breath. Mas madali yatang tanggaping 'fiancee' na niya in an instant si Dwayne—na ikakasal siya rito. Ang mahirap lang ay ang pakisamahan ang nakatakda niyang maging brother-in-law...'pag nagkataon. *** NAGTATAKANG napatingin si Syrellie sa mga empleyado ng Hotel Solivaness. Nagbubulungan ang mga ito na tila ba may pinag-uusapan. Halata sa mga ito ang tinitimping kilig. Ang iba nama'y halos magkisay-kisay na. "Grabe, ang hot niya, 'no? Mas hot pa siya kaysa kay Sir Dwayne." "May gan'on palang aura ang mukhang 'yon, 'no? Mukhang wawarak ng bandila." "Nasanay na ako sa happy-go-lucky na aura ni Sir Dwayne. Pero mas bet ko ang ngayon, girl! Mukhang pa-mysterious at parang hindi ka tatantanan sa kama." Napangiwi siya sa mga naririnig na bulungan ng mga empleyadong nakasabayan niya sa lobby. Ano kayang pinag-uusapan ng mga ito? O ang tamang tanong sino kaya? "Hoy, Syrell! Dalian mo. Pinapatawag ka na ni boss," narinig niyang saad ni Dennis sa kaniya. Isa ito sa Admin Staff ng hotel. Nagtataka man sa sinabi nito ay dali-dali na siyang nagtungo sa kinaroroonang opisina ng boss. Inilapag muna niya ang bag sa upuang nasa loob ng cubicle niya. Mas lalo siyang napakunot-noo nang may mapansing isang pumpon ng bulaklak sa mesa niya. Gusto sana niyang tingnan ang nagpadala, pero naisip niyang mamaya na lang, pupuntahan muna niya si Sir Dwayne. She peered at the digital clock located on the side of her table. It was thirty minutes after seven in the morning. Masyado pang maaga para sa pagdating nito. Ngayon lang nangyaring mas napaaga ng dating si Sir Dwayne sa kaniya. Kadalasan kasi ay quarter to eight na ito dumarating, at mas nauuna pa siya rito. She headed towards the room kung nasaan ang coffee maker. Ipagtitimpla muna niya ito ng kape bago pumasok. Pagkatapos na makapagtimpla ay agad siyang nagtungo sa opisina ng boss. She knocked three times, then opened the door after. She saw him sitting comfy on his swivel chair. Nakatalikod ito, at malayang pinagmamasdan ang tanawin sa labas. Mga braso lang nitong nakasablay sa armrest ang nakikita niya. "Good morning, Sir!" she greeted with a sweetest smile on her face. Inilapag niya ang tasa ng kape sa mesa nito. "Here's your cup of coffee, Sir." "What's good in the morning, Ms. Ramos?" he questioned, saka humarap ito sa kaniya. "S-Sir Dwight?" nanlalaki ang mga matang bulalas niya. Bigla ay nawala ang nakapagkit na ngiti sa mga labi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD