"HOW dare you do this to my fiancee!"
Hindi alam ni Syrellie kung bakit iyon ang mga lumabas sa bibig niya. Gusto sana niyang bawiin ang mga sinabi, pero nang bahagya niyang balingan si Sir Dwayne na tila hirap na hirap tumayo ay nagbago ang isip niya. Naawa siya rito.
Taas-noo niyang hinarap ang lalaki. "I and Si—I and Dwayne will be getting married next year. Kaya 'wag kang atat, Mr. Soli—Mister Who-You-Are!" Pinameywangan niya ito. Bigla ay lumabas ang tapang niya. Ang ayaw niya talaga sa lahat ay 'yong may taong nadedehado. Kaya kahit na ikapahamak pa niya ang pagtulong ay gagawin pa rin niya. Huwag lang siyang sapakin. Takot siyang mabugbog. Masakit kaya iyon.
Nakita niyang bahagyang umangat ang kilay ng lalaki. Pinakatitigan siya nito. Waring may inaalala. Mayamaya pa'y nagliwanag ang mukha nito. Kumibot-kibot ang mga labi nito.
Siya nama'y nagtaka sa reaksyon nito. Nagulat na lamang siya nang lumapit ito sa kaniya. Dumukwang ito. Iniatras niya ang ulo.
"Pervert slut," bulong nito sa tainga niya. Sakto lang na siya lang ang makakarinig.
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig na sinabi nito. Kusang umangat ang kamay niya para sana ito sampalin.
"Don't you ever dare lay your hand on my handsome face, kung ayaw mong malaman ni Dwayne kung anong klase kang babae," he whispered again.
Halos mangilabot siya nang maramdaman ang bahagyang paglapat ng labi nito sa puno ng tainga niya.
Napaatras siya. Sakto namang nakatayo na si Sir Dwayne. Lumapit ito sa kaniya. Ipinulupot nito ang braso sa beywang niya.
Nagulat man siya sa ginawa nito ay hindi siya nagpahalata. 'Fiancee' na nga pala niya ito in an instant!
"Honey, let's go. Ihahatid na kita."
She saw how the man gazed at Dwayne's arm on her small waist. Nang muli itong mag-angat ng tingin ay seryoso na ang mukha nito.
"Let me drive you home, bro. Hindi mo na kakayanin. Iwan mo na lang ang kotse mo rito. Ako nang bahala."
"I'm not disabled and I'm not drunk. I can manage. Let's go, Syrell." Hinawakan nito ang kamay niya.
"I insist, Dwayne," the man said with authority.
Naramdaman niya ang panginginig ng kamay ng boss niya. Nang tingnan niya iyon ay may mga sugat at dumudugo. Puno ba ng kalyo ang mukha ng kapatid nito? Bakit parang napuruhan si Sir Dwayne, pati kamao hindi nakaligtas. Samantalang ang isang hinay*pak sa harapan nila ay parang hindi nabugbog. Isang putok lang sa labi ang nakikita niya.
Wala sa sariling inirapan niya ito. Umangat ang gilid ng labi nito sa ginawa niya.
"Si—Dwayne, honey," malambing niyang tawag dito. Magaling siyang umarte, eh. "Pahatid ka na lang kaya sa...sa kaniya. Mukhang nanginginig ang mga kamay mo." Nag-aalala talaga siya rito.
Napabuntong-hininga si Dwayne, saka marahang tumango. Mukhang masunuring 'fiancee' naman pala ito. Wala silang magiging problema kung gan'on.
Namalayan na lamang niyang nasa sasakyan na sila. Magkatabi sila ni Sir Dwayne sa backseat. Nainis pa kanina ang kapatid nito. Nakabusangot nang magsimulang magmaneho. Ginawa raw kasi nilang driver. Ang gusto kasi nito, isa sa kanila ay nasa harapan. Ayaw naman ng boss niya. At lalo naman siya. Ayaw niyang makatabi ito. Naiinis talaga siya sa pagmumukha nito, gayong pareho lang naman ang mukha nito sa boss niya. May kakaiba kasi rito na hindi niya maintindihan.
"Where will I drop you off?" mayamaya'y basag nito sa katahimikan. Nakatitig ito sa kaniya mula sa rear-view mirror.
"Ihatid mo muna si Si—Dwayne. Gagamutin ko pang sugat niya nang dahil sa kagagawan mo." Umismid siya.
Nakita niyang napailing ito.
Nang makarating sa bahay ng boss niya ay agad siyang naghagilap ng alcohol at bulak. Mabuti na lang at may stock ito. Nilinisan muna niya gamit ang malinis na bimpo ang mga sugat ni Sir Dwayne. Pagkatos n'on ay dinampian na niya iyon ng bulak na may halong alcohol. Panay ang daing nito, kaya naman mas lalo lamang siyang naawa rito.
Paano ito makakapasok bukas kung ganito ang mukha nito? Dahil sa naisip ay tinitigan niya nang masama ang nakaupong lalaki sa harapan niya. Nakasalampak ito sa pang-isahang couch na tila walang ginawang masama. Nakakabuwesit talaga ang pagmumukha nito.
Inirapan niya ito nang bigyan siya nito ng 'What are you staring at' look.
"Ayan, tapos na." Nginitian niya nang matamis si Sir Dwayne.
"Thank you, honey."
Lihim siyang napangiwi. Paano pa kaya niya lulusutan ang gusot na pinasok niya? Ah, ewan, saka na niya iyon iisipin.
Akmang liligpitin na niya ang mga ginamit nang mapansing may dugong tumagas mula sa putok na labi ng kumag. Kaya naman imbis na ibalik ang mga iyon sa lagayan ay nilapitan niya ito. Lumuhod siya sa harapan nito.
"What are you doing?" nagtatakang tanong ng kumag.
"Honey, magpapalit lang ako ng damit," narinig niyang sabi ni Sir Dwayne na tinanguan naman niya.
"Gagamutin 'yang sugat mo," sagot niya rito nang makitang papaakyat na sa hagdan ang boss niya.
"No need," wala sa mood na saad nito.
Aba't nagmamagandang-loob na nga siya, tinatanggihan pa siya. Antipatiko talaga!
Hindi niya ito pinansin. Bagkus ay inis niyang hinawakan ang panga nito, saka idinampi ang bulak na may alcohol.
"Aray! Dahan-dahan naman," reklamo nito.
"Indahin mo! Basagulero ka, eh!" Pinanggigilan niya ang bulak sa sugat nito. Gaganti siya para kay Sir Dwayne.
"If you just wanted to get even, then you better stop it, woman. Or else...you will never like what I'm capable of doing," he warned.
Bigla ay kinabahan siya sa tono ng boses nito. Dinahan-dahan niya ang paggamot sa sugat nito. Baka magalit na ito nang tuluyan sa kaniya, at pagsasapakin din siya. Mukhang barumbado pa naman ito.
"Masunurin ka naman pala." The man smirked.
Tinaasan niya lang ito ng kilay. Hindi na siya nagkomento pa.
Wala sa sariling napatitig siya sa mga mata nito. Natuliro siya nang mapagtantong sobrang lapit ng mga mukha nila. Titig na titig ito sa mga labi niya.
Napalunok siya. Tila napapasong dumistansya siya rito, at tumayo.
Sakto namang pababa na si Sir Dwayne ng hagdan. Ngumiti siya rito.
Mabuti pa kay Dwayne, pakiramdam niya'y safe siya. Hindi 'tulad sa kapatid nito na kulang na lang lumabas sa rib cage ang puso niya sa kaba. Marahil ay natatakot lang siya sa lalaki. Mukha kasi itong bayolenteng tao. Nakaka-intimidate din ang aura nito. Hindi katulad ng boss niya na mukhang palakaibigan.
Isinalansan niya sa lagayan ang mga ginamit sa panggagamot sa mga sugat ng mga ito.
"Let's eat first. Magpapa-order na lang ako," narinig niyang wika ng boss niya.
"Naku, Si—" Kanina pa siya nadudulas. Ewan kung nakakahalata na ang kumag sa harapan nila na wala naman talaga silang relasyon ng kapatid nito. "Honey, I'll be going home na. Next time na lang. May pinapabili rin kasi si Lance sa 'kin."
Lumapit si Sir Dwayne sa kaniya. "Sigurado ka, hon?" Hinawakan nito ang magkabilang gilid ng ulo niya, saka hinalikan siya sa noo.
Nagulat siya sa ginawa nito. Pero nakahinga pa rin siya nang maluwag dahil sa noo lang niya dumampi ang halik nito. May respeto pa rin ito sa kaniya.
Marahan siyang tumango, at ngumiti rito.
Napabaling ang paningin nila sa kapatid nito nang bigla ay marahas itong tumayo. "Let's go. Ihahatid na kita. Marami pa akong dapat gawin." Nagpatiuna itong naglakad palabas. Nasa may pintuan na ito nang bigla ay lumingon ito. "What now?!" Salubong ang kilay nito.
Natatarantang napasunod siya rito. Isinukbit niya ang bag. Ni hindi na niya nilingon ang boss niya sa takot na atakihin na naman ng topak ang lalaking basagulero.
"Hindi mo ako driver," narinig niyang saad ng lalaki nang akmang bubuksan niya ang pintuan sa backseat.
Wala na siyang nagawa, kundi ang tabihan ito sa front seat. Ni hindi man lamang siya pinagbuksan ng kotse. Barumbado na nga, hindi pa gentlemen. Napailing siya sa naisip.
Wala silang imikan habang lulan ng kotse nito. Naisip niya ang mga pinapabili ni Lance. She peered at her wristwatch. Alas-otso pasado na. Bukas na lang niya bibilhin ang mga it-in-ext ng kapatid. Magpapaliwanag na lang siya rito.
"May bibilhin ka pa ba?" mayamaya'y basag nito. Ni hindi siya sinulyapan.
"Wala na," tipid niyang tugon.
"Aren't you going to tell me where should I drop you off? Hindi ako manghuhula para malaman ang bahay mo."
She rolled her eyes. Antipatiko talaga! Ngali-ngaling sabunutan na niya ang mahaba nitong buhok.
Napangisi siya sa naisip. Pero bigla rin siyang napangiwi nang pumasok sa balintataw niya ang gabing kung saan may lalaking long hair din na hinaplos niya sa buhok habang nakakandong siya rito.
"Dwight..." wala sa sariling naisatinig niya.
Nilingon siya ng lalaki. Unti-unti nitong itinigil sa gilid ng madilim na daan ang sasakyan. She saw him smirked.
"So, you finally remembered me, huh!" Dumukwang ito sa kaniya. He stared at her with malice. "Pervert slut!"