KAKARATING lang ni Syrellie. Nagpaalam kasi siya sa boss niyang magha-half day lang siya ngayon. May inasikaso kasi siya kanina patungkol sa Business Permit ng negosyong plano niyang buksan sa syudad na iyon. Plano niya kasing magbukas ng Beauty Products Shop. Matagal na niya iyong pinapangarap magmula nang tumuntong siya ng college. Wala nga lamang siyang sapat na pera para ipangpuhonan. Kaya ngayong malaki-laki na ang naipon niya'y susugal na siya. Magtatayo siya ng sarili niyang shop. Si Tiyang Letty lang muna ang papakiusapan niyang mamalakad niyon, at magha-hire na lang siya ng Sales Agent or Beauty Consultant. At syempre pa, sisilip-silipin din niya ang negosyo niya pagkatapos ng trabaho niya kay Sir Dwayne. Hindi na muna siya magri-resign. Kumbaga part-time na lang niya ang negosyong itatayo niya.
"Sorry," hinging paumanhin sa kaniya ni Annedale nang makabanggaan niya ito sa lobby ng hotel. Isa itong Receptionist sa Hotel Solivaness na pag-aari ni Mr. Dwayne Solivan.
Kunot-noo siyang napatingin sa dalaga. Nakatungo ito. Waring kagagaling lang sa pag-iyak. Bahagyang namumugto kasi ang mga mata nito. "What happened, Anne?"
"N-Nothing. Sige, maiwan na kita. 'Punta na 'ko sa front desk." Dali-dali itong naglakad palayo.
Nagtataka niya itong sinundan nang tanaw. Iyon kasi ang unang pagkakataong may nakita siyang umiiyak sa trabaho. Nagkibit-balikat siya.
"Ay, palaka!" gulat niyang bulalas nang paglingon niya'y nasa harapan niya ang nakapameywang na si Ingrid. Isa itong Maintenance Supervisor sa nasabing hotel. "Nanggugulat ka naman," maktol niya habang hawak ang sariling dibdib.
"Ano kasi ang tinitingin-tingin mo r'on?" Inginuso nito ang papalayong si Anne.
"Eh, kasi naman ano'ng nangyari sa kaniya? Bakit umiiyak?" may pag-aalalang tanong niya.
Alam niyang may alam si Ingrid. Kahit na Maintenance Supervisor ito ay may pagka-tsismosa kasi ito.
Lumapit ito sa kaniya. "Pinagalitan kasi ni Sir," bulong nito sa tainga niya.
"Huh? Sinong sir?"
"Sino pa ba ang boss natin? Sino ba sa tingin mo ang may-ari ng hotel na 'to? Gosh, Syrell!"
"You mean, si Sir Dwayne?" namimilog ang mga matang tanong niya. Hindi kasi siya makapaniwala. Sa sobra isang taon niyang pagtatrabaho roon ay hindi pa niya ito nakitang nagalit, ni sigawan man lang ang mga empleyado nito.
"Tumpak!" palatak nito. Itinuro pa nito ang hintuturo sa taas.
"Bakit daw?"
"May nagreklamo kasing customer. Namali yata ng bigay na Room number si Anne." Nagkibit-balikat ito.
"Bakit daw? May problema ba siya?"
"Ewan. 'Di ko na inalam."
Bahagya siyang napaangat ng kilay. Tsismosa ito, pero hindi inalam ang buong detalye. Mukhang mas tsismosa pa nga yata siya. Siya kasi itong maraming tanong.
"Pero alam mo, first time magalit ni Sir, 'no? Ano kayang problema niya? 'Di naman siya dating ganyan. Ako nga na maraming kapalpakan, ni hindi naman niya pinagalitan. Pinagsasabihan lang. At isa pa, hindi man lang daw ngumiti kanina sa mga empleyado nang batiin nila. Ni hindi sila pinansin," litanya ni Ingrid.
Napaawang ang labi niya sa mga sinabi nito. Parang hindi nga si Sir Dwayne kung pagbabasehan ang ikinuwento nito.
Bigla ay naalala niya ang offer nito sa kaniya noong nakaraang linggo. Hindi kaya masyado itong na-stress at namumroblema makuha lang ang shares nito? Bigla tuloy siyang na-guilty.
"Sige, Syrell, vavush na. Baka mamaya tayo naman ang mapagbalingan ni Sir Pogi." Dali-dali itong naglakad palayo.
Nagkibit-balikat na lamang siya. Nagtungo siya sa loob ng cubicle malapit sa opisina ng boss niya, saka binuksan ang laptop at printer para makapagtrabaho.
Lumipas ang ilang sandali. Oras na naman ng uwian. Ni hindi pa niya nakikitang lumabas si Sir Dwayne sa loob ng opisina nito. Hindi naman siya naglakas-loob na pumasok, wala rin naman kasi itong iniuutos sa kaniya. Halos tumunganga lang siya buong oras ng trabaho niya. Nag-half day pa siya kung ganito lang din naman. Dapat itinuloy-tuloy na lang niya ang pag-absent niya.
She peered at the laptop monitor. Nakita niya mula roon na oras na ng pag-uwi niya. Alas-singko kasi ang out niya. She shutdown the laptop monitor, saka itiniklop iyon. Tatayo na sana siya bitbit ang bag nang bigla ay bumukas ang opisina ng boss niya.
Napatunghay siya. Nakita niyang lukot ang mukha ni Sir Dwayne. Tila pinagsakluban ng langit at lupa. Naawa tuloy siya rito.
"Ms. Ramos, can you work overtime? May ipapatapos lang sana ako. Pasensya, ngayon lang. Ngayon lang din kasi ipinadala sa email ko. I'll send you the attachment," anito, saka bumalik uli sa loob ng opisina nito. Ni hindi na nito hinintay ang tugon niya.
Ibinaba niyang muli ang bag na hawak. Binuksan niya uli ang laptop. Mayamaya pa'y sinimulan na niya trabahuhin ang ipinadalang email ng boss niya.
"Syrell, just tell me when you're done. I'll take you home." Nasa may bungad ito ng pintuan, at bahagyang nakasilip.
Tumango na lamang siya. Sanay na siya rito. Kapag kasi pinag-u-overtime siya nito'y palaging ito ang naghahatid sa kaniya pauwi.
Mayamaya pa'y natapos na niya ang ipinapagawa nito. She printed the documents, and properly filed it in a long folder.
Tumayo siya dala ang folder. Kumatok muna siya sa pintuan bago pumasok. Nabungaran niya si Sir Dwayne na kunot-noong nakatitig sa cellphone nito habang nagtitipa.
Ewan ba niya, kapag kasi nakakunot-noo ito o 'di kaya'y salubong ang kilay ay may naaalala siya. Hindi nga lamang maproseso ng utak niya kung sino.
Napabuntong-hininga siya, saka ito nilapitan. Hindi siya nito napansin. Marahil ay importanteng tao ang ka-text nito. Tumikhim siya. Saka lang ito nag-angat ng tingin.
"Sir, ito na po ang files." Inilapag niya iyon sa office table nito.
Ibinalik nito ang cellphone sa bulsa ng slacks nito. "Thank you, Syrell." Kinuha nito ang files. "Are you done fixing your stuffs? Let's go." Isinilid nito ang files sa brief case na dala.
"Okay, Sir." Nagpatiuna na siyang lumabas para kunin ang mga gamit niya. Pinatay muna niya ang printer at ang laptop na ginamit.
Sakto namang nasa harapan na niya ito. He was still serious. Hindi talaga siya sanay na ganito ito. Palagi kasi itong nakangiti.
They headed towards the elevator. Wala silang imikan sa loob. Sa isip-isip niya'y problemado nga talaga yata ang kasama niya.
Akmang kukunin niya ang cellphone sa loob ng bag para sana tingnan ang text ni Lance. May mga ipinapabili kasi ito sa kaniya, at sinabi nito iyon sa text kanina. Kinalkal niya nang mabuti ang bag, pero wala siyang makapa na cellphone. Saka lang niya naalalang naipatong niya pala iyon sa desk niya.
"What happened?" Napansin marahil ng lalaki ang ginagawa niya.
"Sir, naiwan ko kasi ang cellphone ko sa table. Mauna na lang po kayo. Magku-commute na lang po ako."
"I'll wait for you in the parking lot."
"S-Sige po." Nahiya siya. Paghihintayin pa talaga niya ito.
Dali-dali siyang pumasok uli sa elevator nang tumigil iyon sa ground floor. Nang makaakyat ay agad siyang nagtungo sa cubicle niya. Naroon nga sa desk niya ang cellphone. Kinuha niya iyon, saka bumalik uli.
Habang nasa elevator ay binasa niya ang mga pinapabili ni Lance sa kaniya. Hindi siya sigurado kung mabibili niya ang mga iyon, kasama niya kasi ang boss niya. Alangan namang isama niya ito, at papaghintayin na naman. Makapal na ang mukha niya kung gan'on.
She headed towards the parking lot. Paliko na sana siya kung nasaan ang kinaroroonan ng kotse ng boss niya nang may marinig siyang mga boses na tila nagtatalo.
Napahinto siya. Nagtago siya sa may pader.
"What the f**k! What are you doing here? I told you not to be here!"
Tinig iyon ng boss niya. Tila galit ito. Unang beses niya iyong narinig na gan'on ang boses nito. Malumanay kasi ito kung magsalita.
"I texted you I'm coming. Aren't you happy to see me again, brother?"
Bahagyang napakunot ang noo niya. Magkapareho ang boses ng mga ito. Ang pagkakaiba nga lang ay tila mapang-uyam kung magsalita ang huli.
"Damn you! Why would I be happy to see you?! Ibigay mo muna ang shares ko nang walang hinihinging kapalit!"
Kausap ba nito ang sinasabi nitong kapatid nito? Base kasi sa itinatakbo ng usapan ng mga ito ay tila pinag-aawayan ng dalawa ang shares ni Sir Dwayne na hindi maibigay nito.
Out of curiosity ay sumilip siya nang bahagya. Nakita niya roon ang boss niya na tila hindi maipinta ang mukha. Bahagyang namumula ito. Marahil ay dahil sa galit.
Nang balingan niya ang kausap nito ay napakunot-noo siya. Mukhang pamilyar sa kaniya ang tindig nito. Kapareho nito ng bulto si Sir Dwayne, pero mas astig ito kung kumilos. Mas mukhang lalaking-lalaki. Hindi niya makita ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa kaniya. Ang nasisilayan lang niya'y ang likurang bahagi nito. He was wearing a tight dark denim jeans paired with black leather jacket. On his feet was a pair of snickers na dark din ang kulay.
Mas lalong nagsalubong ang kilay niya nang mapadaku ang tingin niya sa uluhan nito. He was a long-haired man!
"How many times would I tell you to get married first. 'Iyon ang sinabi sa 'kin ni Papa!" Tumaas na rin ang boses ng kausap ng boss niya.
"Huh! Sinabi niya o plano mo dahil ayaw mo lang ibigay ang shares ko?!"
"Why would I do that? Kung ako lang ang masusunod, kahit ngayon din ay ibibigay ko 'yon sa 'yo!" tila gigil na saad ng lalaking nakatalikod sa kaniya.
"Oh, c'mon! 'Wag ka nang umaktong kung sinong mabait na santo d'yan! You just wanted to earn fully the shares because you f*****g are greedy! f**k—"
Napatili siya nang walang anu-ano'y biglang suntukin ng lalaki ang boss niya. Nagpalitan ng suntok ang dalawa. Ni hindi ng mga ito namalayan ang sunod-sunod niyang pagtili dahil sunod-sunod din ang pagsusuntukan ng mga ito.
Nagpalinga-linga siya. Gusto sana niyang humingi ng tulong para awatin ang dalawa, kaso wala siyang makita ni isang tao roon. Ni guard na nagpapatrolya ay wala.
Nakita niyang kinuwelyuhan ng lalaki ang boss niya. Napatili siya nang muli nitong suntukin si Dwayne sa mukha. Bumagsak ang huli sa semento. Duguan ang nguso.
Natataranta na siya. Wala talaga siyang mahingan ng tulong. Natatakot naman siyang lumapit sa mga ito. Baka mamaya, siya ang mapagbalingan ng lalaking kausap ng boss niya. Mukha pa naman itong basagulero at barumbado.
Akmang susuntukin na naman nito ang boss niya. Pero naging maagap siya. Bago pa man muling dumapo ang kamao nito sa mukha ng boss niya ay napasugod na siya sa kinaroroonan ni Dwayne.
Lumuhod siya at niyakap ito. Napaluha siya. Hindi niya alam kung bakit. Halo-halo na kasi ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Naroon ang takot sa pagsusuntukan ng dalawa, awa sa boss niya na mukhang napuruhan, at galit sa lalaking bigla na lang nanuntok.
Hinawakan niya sa magkabilang pisngi ang boss niya. Mas lalo siyang napaluha sa awa rito. Puno ng sugat at pasa ang mukha nito. Putok ang labi, at halos hindi maidilat ang mga mata.
"Oh, my God, Dwayne!" Ni hindi na niya ito natawag na 'Sir.'
Hinaplos nito ang mukha niya. "I-I'm okay, Syrell." Pilit itong ngumiti sa kaniya kahit na namimilipit na ito sa sakit. Bahagya nitong hinawi ang buhok niya. Halos matabunan na kasi ang mukha niya sa pagkakasabog ng buhok niya.
Inis siyang tumayo. Nilapitan niya ang lalaki. Hinawi niya ang buhok na nagkalat. "How dare you do this to my fiancee!" Dinuro niya ito sa dibdib.
She gaped at the tall man. She froze. Bakit kamukhang-kamukha nito ang boss niya? At bakit parang pamilyar ito sa kaniya?