Chapter 11

1551 Words
"GOOD morning, Sir!" masiglang bati ni Syrellie sa guwapo niyang boss nang eksaktong dumating ito sa opisina. Ngumiti ito sa kaniya. "Please bring me a cup of coffee, Ms. Ramos," anito sa kaniya na dali-dali naman niyang sinunod. Nagtungo siya sa silid kung nasaan ang coffee maker. Ipinagtimpla niya ito. Her boss was into coffee with lots of creamer, kaya naman iyon ang itinimpla niya. Pangiti-ngiti pa siya habang hinahalo sa coffee blender ang kape at tubig. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho bilang sekretarya ng may-ari ng isang sikat na hotel sa kinaroroonang probinsya. Maganda ang pasahod ng boss nila, at mabait pa ito sa mga empleyado, kaya naman imbis na plano sana niyang lumuwas ng Maynila kasama ang kapatid na si Lance at Tiyang Letty niya ay hindi niya magawa. Sadyang mapalad siya sa boss at sa trabaho niya. Iyon ang una niyang trabaho mula nang maka-graduate siya ng college. Mahigit isang taon pa lang siya sa hotel na iyon. At masasabi niyang pinalad siya buhat nang araw na akala niya'y magkakandaletse-letse na ang buhay niya. Mahigit dalawang taon na ang lumipas magmula nang muntikan nang mawarak ang dignidad niya. Noong gabi pagkatapos na iwanan siya ng Dwight na iyon ay agad siyang nagbalik sa silid kung nasaan ang Tiyang Letty niya. Hindi na niya naabutan doon ang baklang si Rhoda. Ang sabi ng tiyang niya ay puntahan na lamang daw nila sa bar na pag-aari nito. Atubili pa siya noong una. Hindi niya kasi alam kung may makukuha bang kabayaran ang tiyang niya. Hndi naman kasi naging matagumpay ang bachelor party na iyon. Baka mamaya ay bigla na lamang sumulpot doon ang hin*yupak na Dwight, at sabihing kailangan ng refund sa ibinayad ng mga kaibigan nito. Hindi iyon imposible, sa kasamaan pa lang ng ugali ng lalaking iyon. Ngunit laking tuwa niya nang ibinigay ng may-aring si Rhoda ang kabuuang bayad sa tiyahin niya. Doon lamang niya nalamang isang milyon ang halaga niya. Isang milyon ang ibinayad ng mga kaibigan nito para sa stag party na iyon. Hindi pa niyon kasama ang komisyon na nakuha ni Rhoda at ng bar nito. Lihim siyang nagalak nang mga sandaling iyon. Natulungan na niya si Tiyang Letty, hindi pa nawarak ang p********e niya. Sa isip-isip niya'y mukhang namigay lang ng pera ang mayayamang iyon. Wala na rin siyang naging balita pa sa mokong na si Dwight. Sa isip-isip niya'y baka natuloy ang kasal nito. Hindi naman kasi siya nito ginantihan, kaya naman lihim siyang nagpasalamat. Magmula rin noon ay naging mabuti na sa kanila ang tiyang nila. Humingi ito ng tawad sa kanilang dalawa ni Lance na walang pag-aatubili naman nilang tinanggap. Sino ba naman sila para hindi magpatawad? Ang Diyos nga ay nagagawa iyon. Sila pa kaya na tao lang? At isa pa, malaki rin naman ang naitulong ng tiyang nila sa kanila kahit pa may pagkamasama ang ugali nito. Magmula rin noon ay nagbago na ito. Hindi na ito naging sugarol. Bagkus ay palagi na lang itong nasa bahay. Ang sabi pa nito'y tumatanda na ito kaya nararapat lang daw na magbagong buhay na at maging mabait na lihim naman niyang ikinatuwa. Nang makapagtapos siya ay nangibang bayan sila, at ngayon nga ay nasa Tacloban City sila kung saan siya nakahanap ng trabaho. Ang sobra ng ibinayad sa kanila sa stag party ang siyang pinangsimula nila sa bagong nilipatang lugar. Ang iba nama'y ginastos nila ni Lance sa pag-aaral, at ang iba ay inipon nila. She sighed, then smiled. Tapos na siyang magtimpla ng kape. Maingat niya iyong inilagay sa saucer, saka dali-daling pinuntahan ang boss niya. "Here's your coffee, Sir." She smiled at her boss, she then carefully put the coffee on the desk. "What else can I do for you, Sir?" "Have a seat, Ms. Ramos." Itinuro nito ang visitor's chair na nasa unahan ng mesa nito na agad naman niyang tinalima. He drank his mug of coffee, and put it down after. Sumandal ito sa swivel chair, at bahagya iyong ipinaikot-ikot. Nakatukod ang mga siko nito sa armrest habang magkasalikop ang mga palad. Pinakatitigan siya nito. "I have an offer." Nangunot ang noo niya. Seryoso kasi ang mukha nito. Hindi siya sanay. Palagi kasi niya itong nakikitang nakangiti at masaya. "Ano po 'yon, Sir?" "Marry me." Kulang ang sabihing halos mahulog siya sa kinauupuan. Ano raw? Hindi ba siya namali ng pandinig? Sigurado naman siyang wala siyang tutuli. Halos araw-araw siyang nagtatanggal niyon. "Pardon, Sir?" "Marry me, Ms. Ramos," ulit nito. Ngayon ay mas klaro. Bahagya siyang tumawa. Kumibot-kibot ang mga labi niya, pero hindi naman siya makapagsalita. Hindi pa rin maproseso ng utak niya ang sinabi nito. Paano sila magpapakasal na wala naman silang relasyon nito at hindi nagmamahalan? Oo, guwapo ito. Sa katunayan ay perpekto ang mukha at katawan nito. Dagdag pang mayaman ito at mabait. Pero hindi niya ito mahal. Hindi sila nagmamahalan. Hindi pa rin niya binabali ang pangako sa sarili na magpapakasal lamang siya at ibibigay ang sarili sa lalaking mamahalin niya. "B-But why, Sir? I-I mean, wala naman po tayong relasyon," prangka niyang saad. Marahan itong tumawa. Lumapit ito sa mesa. Itinukod nito ang mga siko, at bahagyang dumukwang sa kaniya. "This is just a marriage for convenience, Ms. Ramos." "What do you mean?" "I have a thirty percent share in my father's company. But unfortunately, to some unforseen circumstances, he got sick and my brother took over the finances. Siya ang mas may alam sa pamamalakad ng kompanya at ng pera," he paused. "Now I wanted to expand this hotel, Syrel." Humina ang boses nito, waring namumroblema. "You know how passionate I am with this business. Alam kong alam mong matagal ko nang planong magkaroon ito ng iba't ibang branches sa kahit saang sulok ng mundo, pero..." "Pero ano?" curious niyang tanong nang huminto ito. "He told me that the only way I can get my share is to get married." "Who?" "My brother." Umiling-iling ito. "Ewan ko nga d'on kung bakit pinag-aasawa na 'ko." Marahan itong tumawa sa huling sinabi. "Siguro hindi siya kumbinsidong mapapalago ko ang negosyong plano kong itayo. Malaki-laki rin kasing pera ang kakailanganin, kaya pag-aasawa ko ang pinagdiskitahan. He knew that I still don't want to settle, kaya siguro malakas ang loob niyang iyon ang hinging kapalit." "That's unfair. How rude of him," wala sa loob niyang komento. Napatitig siya sa name plate nito na nasa ibabaw ng office table. "He is!" segunda nito, kaya naman napabaling siya rito. "So please help me with this, Syrel," pagsusumamo nito. Waring nawawalan na ito ng pag-asa. Hinawakan nito ang palad niyang nasa ibabaw ng mesa nito. "Anyway, this is just for a year. Pagkatapos na maisalin sa 'kin ang shares at finances na dapat ko pang makuha ay magpapa-annul tayo. Or better yet, we will get married in the US. Mas mapapadali ang pag-process doon dahil may divorce." "B-But, Sir..." Paano ba niya ipapaliwanag dito na ayaw niya dahil hindi naman niya ito mahal. Oo, naroon nang marriage for convenience lang ito at maghihiwalay rin sila agad, pero kasi hindi naman iyon ang gusto niya. Kung ikakasal man siya ay gusto niya sa isang tao lang...sa taong mahal niya lang. Walang dibu-divorce. Walang anu-annulment na dapat mangyari. "Five million, Syrel. I can pay...rather give you five million pumayag ka lang. May makukuha ka pang five percent shares kapag maisalin na sa 'kin ang finances at shares ko." Napaawang ang mga labi niya. Gan'on kalaki ang perang iwawaldas nito mapa-oo lang siya? Talaga nga yatang malaki-laki ang dapat na makuha nitong mana at shares. Siguro nga sobrang yaman ng angkan nito. At talaga nga yatang desperado na itong makapagbukas ng iba't ibang branches ng hotel nito worldwide. "B-But why me? Ang dami namang iba d'yan." "Dahil wala akong makita na iba na puwede kong pagkatiwalaan. I've known you for so long, Syrell. Alam kong mabuti kang tao kaya kampante ako sa 'yo. And besides, you're gorgeous and beautiful enough para mapaniwala ang hinayupak kong kapatid na iyon. Hindi siya magtataka kung bakit nahulog ako sa 'yo, at kung bakit ikaw ang pakakasalan ko. You have that innocent-looking face any man couldn't resist staring at." Bahagya siyang namula sa sinabi ng boss niya. Kung makapagbigay ng komento sa kaniya ay waring siya na ang pinakamagandang babae sa paningin nito. Pasimple niyang inilayo ang palad dito. "I-I'm sorry, Sir, pero hindi ko talaga matatanggap ang offer niyo." Oo, malaki-laking pera ang makukuha niya, pero hindi naman siya gahaman sa salapi. Okay na sa kaniya ang nakakakain ng tatlong beses sa isang araw, may kongkretong bahay na nasisilungan, may sapat na savings sa bangko, at walang nagkakasakit sa kanila nina Lance at Tiyang Letty. Nakita niyang bumagsak ang balikat ng binata. Tila nakonsensya tuloy siya. "Sir, I'm sorry po talaga." "It's okay, Syrell. I understand." Ngumiti ito. "Mas pinahanga mo nga ako sa paninindigan mo. Hindi ka nasilaw sa salapi," anito. Kimi siyang ngumiti sa boss niya. Tinitigan niya ito. Ewan ba niya, pero napakapamilyar talaga sa kaniya ng mukha nito. Hindi nga lamang niya maalala kung saan niya ito nakita. Nang tanungin naman niya ito noon kung nagkita na ba sila dati, ang sagot lang nito ay hindi pa. Siguro nga ay nagaguwapuhan lang siya rito, kaya parang pamilyar sa kaniya. She gazed again at the desk name plate. DWAYNE MARCUS SOLIVAN
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD