"ANSWER me, Dwight! Who's that naked woman on your back?!" gigil na tanong muli ng babae.
Hindi alam ni Syrellie ang gagawin. Imbis na lumayo para hindi siya makita ng babae sa screen ay tila tuod lamang siyang nakatayo roon.
"H-Honey, she's just...ahm...nothing."
"Nothing?! Nothing ba 'yang naka-panty at bra lang sa likod mo?! How dare you, Dwight! You cheated on me!"
"No! I didn't cheat on you. It's just that..." Nag-iba ng pwesto si Dwight. Marahil ay naalibadbaran ito na nakikita pa siya screen. Hindi naman kasi siya gumagalaw. Matalim siya nitong sinulyapan.
"It's just that what?!" Don't you ever lie to me, Dwight!
"I'll explain everything to you personally. Pupuntahan kita, honey. Nasaan ka ngayon?" masuyo nitong tanong sa babae.
"Explain to me now! Damn you!"
"Pero mas mabuting sa persona—"
"If you wouldn't dare tell me who that woman is, I swear wala nang kasalang magaganap!
"No! Honey, please don't. Malapit na tayong ikasal, 'wag naman."
"Then tell me who that woman—"
"She's just a slut!" agaw ni Dwight sa sasabihin ng fiancee nito.
Lihim siyang nasaktan sa narinig na sinabi nito. Pang-ilang beses na ba nitong sinabing slut siya? Isa, dalawa? Hindi niya mabilang. Ang alam lang niya'y iyon ang pagkakakilala sa kaniya ng binata.
"Slut?" ulit ng fiancee nito sa sinabi ni Dwight.
"Yes." Napakamot sa batok si Dwight. "You know, Blake and the rest of the gang arranged this somewhat bachelor or stag party. Alam mo naman ang mga 'yon. Regalo sana nila sa 'kin ang babeng 'yan." Muli ay matalim siya nitong sinulyapan. "But believe me, honey, nothing happened."
Lihim na umangat ang kilay ni Syrellie. Nothing happened? Oo, marahil ay wala ngang nangyari sa kanila. Pero kung hindi yata tumawag ang fiancee nito, malamang sa malamang ay warak na siya ngayon.
"Then where are they? Blake and the rest I mean?" Waring kumalma ang fiancee nito.
"T-They...went outside."
"So you mean, kayo na lang dalawa ang nandiyan?!" Bumalik ang galit sa tinig nito. "Ha! I really needed to hear lots of explaining to do! You better come to my condo, Dwight! Or else...I won't hesitate to drop you like a hot potato!" Iyon lang at bigla itong nawala sa kabilang linya.
Nakaramdam ng awa si Syrellie sa binata. Bigla ay na-guilty siya. Kung hindi dahil sa kaniya ay hindi magkakaproblema ang mga ito. Nalalapit pa naman ang kasal ng dalawa, saka naman nagkaproblema nang dahil sa kaniya.
"Ahm, S-Sir—" Hindi niya naituloy ang nais sanang sabihin nang bigla siya nitong haklitin sa braso. Mariin. Tila doon ibinubuhos ang galit sa kaniya. Napadaing siya. "S-Sir, nasasaktan po ak—"
"Talagang masasaktan ka sa 'kin, pervert slut!" Nagngalit ang ngipin nito. "We would have had no problem if not because of you!"
Siya? Sa kaniya lang nito ibinubuhos ang galit na kung tutuusin dapat din nitong sisihin ang sarili, pati ang mga kaibigan nito. Wala sila sa sitwasyong iyon kung hindi naman nagpa-stag party ang mga kaibigan nito.
Pinilit niyang tanggalin ang palad nitong nakapulupot sa braso niya, pero hindi niya iyon magawa. Sadyang mahigpit ang pagkakahawak nito. Tingin nga niya'y magmamarka iyon pagkatapos.
Inis na tinitigan niya ito. She held her head up. "Kung hindi ka ba naman tanga, Sir! Kung pinuntahan mo na sana ngayon din ang fiancee mo, eh, 'di makakapagpaliwanag ka agad sa kaniya! Hindi 'yong ako ang pinagbubuntunan mo ng sisi!"
Nakita niyang natigilan ang binata. Nagtagis ang bagang nito. Marahil ay hindi nito inaasahan ang katapangang ipinakita niya. Pero sa totoo lang, nagtatapang-tapangan lang siya nang mga sandaling iyon. Ang totoo ay nanginginig na siya sa takot. Baka mamaya bigla na lamang siyang sapakin nito dahil sa galit sa kaniya. Kawawa naman ang beautiful face niya.
"What did you just say?" Naningkit ang mga mata nito.
"Tanga ka, Sir!" s**t, pinapahamak talaga niya ang sarili rito. "Ano, gusto mo pang ulitin ko—Ay!"
Nagulat siya nang bigla na lamang nitong tanggalin ang maskarang suot niya gamit ang isang kamay nito. Nanlaki ang mga mata niya. Bigla ay nawalan siya ng tapang. Bumahag ang buntot niya. Siguro nga ay nagtapang-tapangan lang siya kanina dahil hindi naman nito nakikita ang mukha niya. Hindi siya nito makikilala.
Namimilog ang mga matang napatunghay siya rito. Nakita niyang bigla itong natigilan. Mas lalong humigpit ang hawak nito sa braso niya. Napakunot-noo ito. Saglit na hindi ito nagsalita, bagkus ay nakipagtitigan lang ito sa kaniya.
Bumaba ang tingin nito sa mga labi niya. Gumalaw ang Adam's apple nito.
Nang muli siya nitong tinitigan ay naroon na naman ang balasik sa mukha nito.
Mas lalo siyang kinabahan. Nawala ang tapang niya. Tumambad na kasi rito ang pagmumukha niya. Kilala na siya nito.
"S-Sir, sorry po kung nag-away kayo ng fiancee niyo dahil sa 'kin. Tutulungan ko na lang po kayong magpaliwanag. P-Pangako, gagalingan ko po para maniwala siya." Hindi siya makatingin nang deretso sa binata.
"No need. I can manage," gigil nitong sabi. Pasalya nitong binitawan ang braso niya. "It wouldn't have come this far if you just stop early seducing me!"
Napaawang ang labi niya. Lahat na lang talaga isinisisi sa kaniya. "Huminto naman ako, Sir, ah! Lalayo na nga sana ako sa inyo. Pero ano'ng ginawa niyo? Pinigilan niyo 'ko! Itinuloy niyo pa rin! Ni mukha ngang ayaw niyo nang matapos dahil enjoy na enjoy kayo!" Huli na nang mapagtanto niya ang mga sinabi niya. Napatutop siya. Pahamak talaga ang bibig niya. "S-Sorry po, Sir." Napatungo siya.
"You and your bad mouth, slut!"
Nagulat na lamang siya nang bigla nitong hawakan ang baba niya. Mas lalo nitong inilapit ang mukha sa kaniya.
Nagrambulan sa kaba ang dibdib niya. Hahalikan ba siya uli nito?
Pinakatitigan siya ng binata. Waring isinasaulo nito ang bawat detalye ng mukha niya. "I swear, I'll hunt you day and night if Maitha would cancel our wedding! I'm gonna make your life a living hell!" Hinimas nito ang pisngi niya—puno ng gigil. "I won't forget this f*cking face of yours, pervert slut!" Iyon lang at walang lingon-likod na siya nitong iniwan. Pabalibag nitong isinara ang pinto.
Naiwan siyang natutulala. Aaminin niyang nakaramdam siya ng takot sa huling mga sinabi nito. Alam niyang magagawa nito ang banta sa kaniya. Sa yamang taglay nito ay kayang-kaya nitong gantihan siya.
"Lord, please, sana matuloy ang kasal nila," mahina niyang panalangin.
Lihim siyang nagpasalamat. Akala niya kanina ay uuwi siyang warak ang dignidad. Kahit na papaano'y umayon sa kaniya ang mga pangyayari.
Napangiti siya. Buong-buo pa siya. May maipagmamalaki pa siya sa lalaking mamahalin niya at nakatakdang pakasalan...kung sino man iyon.