"SHE'S all yours tonight, Dwight MS!" narinig niyang saad ng isang lalaking naroon.
Tila napapasong iniiwas ni Syrellie ang paningin sa tinawag na Dwight. Hindi niya matagalan ang mga titig nito. Waring nanunuot iyon sa bawat himaymay ng pagkatao niya.
"Yoo-hoo! Let's start the ball rolling!" sigaw ng isang lalaking may pagka-chinito, kaya naman napabaling ang paningin niya rito. Iwinagayway nito sa ere ang isang kamay na may hawak na bote ng alak.
Hindi siya makagalaw. Tila tuod lang siyang nakatayo sa labas ng kahon. Marunong naman siyang sumayaw, sa katunayan ay magaling siya sa larangang iyon. Pero tila nanghihina ang mga tuhod niya nang mga sandaling iyon. Tila wala iyong lakas.
"Sasayawan ba tayong lahat niyan?" narinig niyang tanong ng isang lalaking prenteng nakaupo sa pang-isahang couch. Tingin niya rito'y may halong banyaga. Mukhang half Spanish.
"Of course!"
"No!"
Magkapanabay na tugon ng dalawang lalaki. Nagpalipat-lipat ang titig niya sa mga ito.
"Yes. Ang lagay si Dwight lang ang mag-i-enjoy dito?" saad n'ong isa na nagsabing "of course." Tingin niya'y may pagkapalikero ito.
"No. She's just exclusively for Dwight," tugon naman ng nag-no kanina. Mukhang mabait ang aura nito.
"Tsk! Ang laki-laki ng iniambag ko, hindi man lang ako masayawan. Ang lagay, hanggang tingin lang tayo nito? Free to see but not to touch? Ang bobobo niyo!"
Sabay-sabay na nagtawanan ang mga kalalakihang naroon.
Nang bahagya niyang sulyapan ang tinatawag ng mga itong Dwight ay nakatingin lang ito sa kaniya. Hindi nga lamang niya mabasa ang ekspresyong nakaguhit sa mga mata nito. Blangko kasi iyon. Tahimik lang itong umiinom ng isang bote ng beer.
"Okay, here's the deal. Let's cast our vote."
"What is this, board voting for CEO?"
Muli ay nagtawanan ang lahat.
Gusto na niyang maiyak nang mga sandaling iyon. Pakiramdam niya'y napakababa niyang uri ng babae. Nasa harapan siya ng mga ito na halos wala nang saplot. At may gana pa ang mga itong mag-usap-usap kung sino ba ang sasayawan niya. Pakiramdam niya'y sobrang bagal ng oras. Gusto na niyang matapos iyon nang makauwi na siya...makauwing warak.
"Hey!" pukaw sa kaniya ng lalaking nagsabi kaninang exclusively for Dwight lang siya. Marahan nitong pinitik ang noo niya.
Napakurap-kurap siya. "Yes?"
Muli ay naghiyawan ang mga lalaki.
"Pati boses ang ganda! Pang-kama," palatak ng tinawag na Dave.
"Oo nga, pare. Mukhang hindi lang one round si Dwight nito," segunda n'ong isang pumito kanina para tawagin siya sa loob ng kahon.
Narinig na naman niya ang tawanan ng mga ito.
"The floor is yours, Miss Beautiful." Iminuwestra ng maka-Dwight ang braso nito.
Nang tingnan niya iyon ay nakaturo iyon kay Dwight. Umawang ang mga labi niya.
"You're exclusively for him. Manunuod lang kami o 'di kaya lalabas para iwas inggit," the man chuckled.
Binato ito ng throw pillow ng lalaking atat na atat masayawan. "Ulol!"
Nagtawanan ang lahat.
Marahan niyang inihakbang ang mga paa. Nanginginig iyon. Pakiramdam niya'y mabubuwal siya ilang sandali na lang.
Hindi niya alam kung paano nagkasundo-sundo ang mga ito na ang groom lang ang sasayawan niya dahil malalim ang mga iniisip niya. Pero hindi na iyon mahalaga. Lihim na lamang niya iyong ipinagpasalamat na sa isang lalaki lang siya mapupunta. Oo, naroon nang nakabalandra ang katawan niya sa mga ito. Pero ang katotohanang isang lalaki lang ang makakahawak sa kaniya ay malaking bagay na.
Bahagya siyang napailing. Wala nga pala siyang dapat na ipagpasalamat dahil kahit pa isa lang ito, ang katotohanang mawawasak siya nang mga sandaling iyon ay naghuhumiyaw ng pag-protesta sa kaloob-looban niya.
Namalayan na lamang niyang nasa harapan na siya ni Dwight. Mas lalo siyang nanginig. Mas gwapo pala ito sa malapitan. Matipuno ang pangangatawan. Lalaking-lalaki ang dating kahit pa long hair ito. Nakalugay kasi ang gabalikat nitong buhok.
Nakatitig ito sa kaniya, kaya naman mas lalo lamang nanghina ang tuhod niya. Imbis na masayawan ito ay nabuwal siya. Bumagsak siya sa kandungan nito.
Narinig niya ang singhapan ng mga kasamahan nito, na napalitan ng hiyawan.
"Gusto pala ni Miss Beautiful kandong agad. Wala nang sayaw-sayaw," tudyo ni Dave na ikinatawa ng lahat. Puwera lang sa lalaking kinakandungan niya. Seryoso pa rin ang mukha nitong nakatitig sa kaniya.
Hindi niya alam kung guni-guni lang ba niya, pero waring may nabanaag siyang disgusto na nakaukit sa mga mata nito. Ni hindi siya nito pinagkaabalahang hawakan man lang nang matumba siya. Bagkus ay sa iniinom na beer lang ito nakahawak, at ang isang braso nito'y nakasablay sa headrest ng couch.
May naramdaman siyang inis sa paraan ng pakikitungo nito sa kaniya. Hindi ba ito naa-attract sa katawan niya? Maraming nagsasabing maalindog siya. At kahit nga ang mga kaibigan nito'y halos kanina pa siya pinagmamasdan ng may paghanga at...may pagnanasa.
Wala sa sariling kinuha niya ang bote ng alak sa binata. Sunod-sunod niya iyong tinungga. Hindi niya alam kung dahil ba sa inis dito o dahil sa gusto lang niyang humugot ng lakas ng loob.
Narinig niyang nagsipulan ang mga kasama nito. Habang ang binata nama'y umigting ang panga sa ginawa niya.
Tumayo siya. Bahagya siyang sumuray. Napahawak siya sa sentido. Mukha yatang tinamaan na siya ng espirito ng alak. Napangisi siya.
Humarap siya sa lalaki. Hinawakan niya ito sa isang balikat, at nagsimulang umindayog. Sakto namang pumailanlang ang malamyos na musika. Mas lalo siyang ginanahan sa ginagawa. Itinaas niya ang kaliwang braso, at tila isang GRO na gumiling-giling sa harapan nito.
Hindi na niya narinig pa ang hiyawan ng mga kalalakihan. Hindi niya alam kung naroon pa ang mga ito o nagsi-alisan na. Nakatutok kasi ang atensyon niya kay Dwight. Pakiramdam niya'y sila lamang dalawa ang naroon.
Nakita niyang napalunok ito habang nakatutok ang paningin sa pagitan ng mga hita niya. Talagang mapapatutok ito roon dahil halos kasing-level ng mukha nito ang kayamanan niya.
Dahil sa nakitang reaksyon nito ay mas ginanahan siya. Isinablay niya ang isang binti sa couch. Mas lalo lamang iyon nagbigay daan na makita nito ang kayamanan niyang nakabuyangyang sa harapan nito.
"Stop it, woman," tila nahihirapang saad ni Dwight. Tumaas-baba ang dibdib nito.
Pero hindi niya ito pinakinggan. Ewan ba niya, waring nag-iinit na siya nang mga sandaling iyon. Marahil ay dahil sa ininom na alak. Hindi naman kasi siya sanay na uminom, kaya madali siyang malasing.
Bahagya siyang dumukwang sa binata. Mas pinag-igihan pa niya lalo ang paggiling. Naroong hawakan niya ang sariling dibdib habang umiindayog sa saliw ng mabining musika. Napaungol siya sa ginagawa.
Tinitigan niya ang binata. Isang mapang-akit na titig ang iginawad niya rito. Sinunod niya ang sinabi ng Tiyang Letty niya na eye contact sa groom. Mas lalo pa niyang pinapungay ang mga mata, kahit na alam niyang namumungay na iyon dahil sa tinamaan na siya ng espirito ng alak.
Kumandong siya paharap dito. Patuloy pa rin sa pag-indayog ang balakang niya. Bawat pagpilantik ng kaniyang balakang ay pinag-igihan niya. Ayaw niyang mapahiya sa lalaking kaharap. Isinukbit niya ang mga braso sa batok nito.
"f**k!" narinig niya ang mahinang mura ni Dwight. Hinawakan nito ang magkabilang braso niya. Mariin. "Stop this, woman." Tumaas-baba ang dibdib nito. Ang Adam's apple nito ay gumalaw-galaw.
Pinasadahan niya ng kaniyang mga daliri ang mahaba nitong buhok. Halos ipagduldulan niya ang dibdib sa binata habang gumigiling-giling pa rin sa harapan nito. Lumiyad siya. Halos nakabukaka siya sa harapan nito.
Bahagya siyang natigilan. May naramdaman siyang tila tumusok sa pagitan ng mga hita niya. Wala sa sariling tiningnan niya iyon.
Namilog ang mga mata niya nang makitang may bumubukol na malaki sa pagitan ng mga hita ng binata.
Dahil doon ay bumalik sa huwisyo ang kamalayan niya. Kailangan na niyang tumigil. Tutal ay pinapatigil na siya nito kanina pa.
Akmang lalayo siya rito, subalit hinapit nito ang bewang niya. Napasinghap siya. Muli siyang napaupo sa kandungan nito.
"And where do you think you're going, woman?" paos ang boses na tanong nito. Hinimas-himas nito ang balakang niya.
"P-Pinapatigil mo na 'ko. Titigil na po ako, Sir. S-Sorry po," kandautal niyang tugon.
Dwight snorted. "Too late. Binuhay mo na." Mas lalo siya nitong hinapit para iparamdam ang naghuhumindig nitong p*********i.
Nataranta siya. Nagsimula na siyang kabahan. Mawawarak na nga siguro nang tuluyang ang dignidad niya.
"S-Sir, kasi—" Hindi niya naituloy ang nais na sabihin nang walang babalang tinawid nito ang pagitan ng mga labi nila.
Nanlaki ang mga mata niya. Iyon ang una niyang halik. Hindi niya alam kung ano'ng gagawin. Tila tuod lang siya habang gumagalaw ang bibig nito sa mga labi niya.
"Don't you know how to kiss?” Bahagya itong humiwalay sa kaniya. Nakakunot ang noo nito. Waring nagtataka.
Wala sa sariling tumango siya. Iyon naman kasi ang totoo.
Nagpakawala ito ng nakakainsultong tawa. "Pretending to be a virgin, huh! Don't act like one. Sa trabaho mong 'yan." Pinasadahan siya nito ng mapang-uyam na titig.
Gusto sana niya itong sampalin sa pang-iinsulto nito sa kaniya. Pero kasalanan din naman niya kung bakit gan'on ang tingin nito. Sino ba naman kasi ang babaeng birhen na papayag na iregalo sa lalaking nakatakda nang ikasal?
Akmang tatayo siya, pero hinigit nito ang bewang niya.
"We're not yet done. Perform your duty, slut!" Muli ay walang babalang tinawid nito ang gahiblang pagitan ng mga labi nila.
Puno ng gigil ang mga galaw ng bibig nito. Waring naghahanap ng ebidensya sa maling paratang nito sa kaniya. Sino ba naman kasi ang matinong taong maniniwala na dalisay siya?
Naramdaman niya ang paghagod ng eksperto nitong mga kamay sa iba't ibang parte ng katawan niya.
Napaungol siya nang masahiin nito ang dalawa niyang dibdib. Naibuka niya ang mga labi, sanhi para malayang makapasok ang dila nito sa bibig niya.
Dwight kissed her expertly, kaya naman namalayan na lamang niyang tinutugon na niya ito. Noong una ay hindi niya alam kung paano, hanggang sa matutunan niya.
Narinig niyang umungol ang binata. Marahil ay naramdaman nito ang pagtugon niya.
Pinaglakbay nito ang palad sa kaselanan niya. Nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman ang kamay nitong nasa pagitan ng mga hita niya.
Akmang itutulak niya ito, pero napaungol siya nang himasin nito ang p********e niya. Ang mga palad niyang akmang manunulak ay nawalan ng lakas. Nangunyapit iyon sa batok ng binata.
"You're soaking wet, baby," bulong nito nang saglit nitong pakawalan ang mga labi niya.
"Ah..." she moaned when Dwight expertly caressed her private part. Nasa loob na ng panty niya ang palad nito.
Muli ay hinalikan siya nito sa mga labi na buong alab naman niyang tinugon. Halos mapugto ang hininga niya sa paghahalikan nilang iyon.
Akmang tatanggalin na nito ang hook ng bra niya nang marinig nila ang pag-ingay ng cellphone nito.
Saglit itong natigilan, pero mayamaya'y inignora nito ang tawag. He kissed her again with intensity. Naglakbay ang mga halik nito sa leeg niya.
"Hmm..." napaungol siya sa sensasyong binuhay nito sa kaniya. Hindi niya akalaing may gan'on palang pakiramdam.
Muli na naman sana nitong tatanggalin ang hook ng bra niya na naantala kanina nang marinig na naman nila ang tunog ng cellphone nito.
He slowly stopped kissing her neck. "Wait, baby. I'll just answer the call." Kinuha nito ang cellphone sa bulsa.
Nakita niyang nanlaki ang mga mata nito habang nakatitig sa screen. Bigla ay naitulak siya nito. Halos masubsob siya sa sahig, kundi lang siya nakahawak agad sa gilid ng couch.
Tumayo ito. Tila nataranta. Tuluyan na siyang inignora. Tinalikuran siya nito.
"H-Hi, honey," bungad nito sa tumawag.
Tumayo siya habang hawak-hawak ang sumasakit na balakang. Nakatungo siya. Hindi maipinta ang mukha niya sa pamimilipit sa sakit.
"Who's that naked woman on your back, Dwight?!"
Bigla ay napatunghay siya. Halos manlaki ang mga mata niya nang makita ang isang maganda ngunit galit na galit na babae sa screen ng cellphone ni Dwight.
Nakita rin niya buhat doon ang sarili nila ni Dwight. Nasa likuran siya ng binata. Halos hubo't hubad.