Chapter 8

734 Words
NAALIMPUNGATAN si Syrellie sa malalakas na hiyawan at tawanan ng mga kalalakihan. Pupungas-pungas siyang bumangon. Bahagya niyang ikinurap-kurap ang mga mata. Napaunat siya nang upo nang mapagtanto kung nasaan siya. Nasa loob pa pala siya ng kahon. Madilim ang kinaroroonan niya. Tanging maliit na siwang lang mula sa maliit na butas ang nagsisilbing liwanag sa kinaroroonan niya. "Dude, are you ready for tonight?" narinig niyang tanong ng isang lalaki. Kababakasan ng kapilyuhan ang tinig nito. "What a question, Dave! Kailan pa ba hindi naging ready 'yan? Halos hindi nga 'yan maubosan ng babaeng ikinakama noon. Tumino lang n'ong napunta kay Maitha." Tumawa ang lalaking nagsalita. "Yeah, I know. Kaya nga ibabalik natin ang kamandag niya noon," saad ng tinawag na Dave, saka ito humalakhak. Mukhang lasing na yata. "Mga wala talaga kayong magawa. Alam niyo nang one-woman-man na itong number one playboy natin noon. Gusto niyo pang ibalik ang cobrang nanlalapa ng..." Nagtawanan ang mga ito. Nanindig ang balahibo niya. Hindi siya gan'on kainosente para hindi maintindihan ang mga sinasabi ng mga ito. Gusto na niyang magpalamon sa lupa nang mga sandaling iyon. Siguro kung may mapagtataguan lamang siya sa loob ng kahon ay tiyak niyang nagsumiksik na siya roon. "I really do not get the point of you all doing this. This is insane. Magkakasala pa ako nito kay Maitha." Hindi niya alam kung bakit tinambol ng kaba ang dibdib niya pagkarinig sa boses ng lalaki. Tiyak niyang iyon ang groom. Lalaking-lalaki ang boses nito, suwabe sa pandinig. "Sus, grab the opportunity, dude. I'm sure you will enjoy tonight. Baka nga hanap-hanapin mo pa." Muli ay nagtawanan ang mga kasamahan nito. "You all are nonsense. I can do it with Maitha during our honeymoon." "Sige, puwede naman. Pero ngayon pagbigyan mo muna ang iba. Itong babaeng nasa loob muna ng kahon." Narinig niya ang halakhakan ng mga lalaki. Mas lalo siyang kinabahan. Mukhang nasa malapit lang ang boses ng nagsalita. Mukhang nasa labas na mismo ng kahon. Napalunok siya. Sa oras na tawagin siya ay iyon na ang hudyat ng paglabas niya. Kumapit siya sa stool. Tila roon siya kumukuha ng sapat na lakas ng loob. Narinig niyang pumito ang nasa may malapit sa kahon. Iyon na ang hudyat. Nanginginig ang mga tuhod na dahan-dahang siyang tumayo. Napa-sign of the cross pa siya. Kinuha niya ang maskara na ibinigay ni Rhoda kanina. Isinuot niya iyon. Kulay itim iyon na may halong burdang kulay ginto. Mga mata at ang tungki ng ilong niya ang natatabunan. Sa gawing kanan niyon ay may hugis rosas na desinyo. Muli ay narinig niya ang pagpito ng nasa labas. Tatlong sunod-sunod na pito. Marahil ay nawawalan na iyon ng pasensiya sa katagalan niya. "Miss beautiful, anong petsa ka lalabas? Sa susunod na taon?" Nagtawanan ang mga kalalakihan. Dahan-dahan niyang iniunat ang mga kamay para buksan ang nagsisilbing pintuan ng kahon. Lumiwanag ang paligid. Bahagya pa siyang nasilaw. Nasanay kasi ang mga mata niya sa kadiliman kanina. Narinig niya ang sunod-sunod na pagpito ng mga kalalakihang naroon. Ang iba'y napapalatak. "s**t, ako na lang sana ang groom," narinig niyang saad ng isa na tinawanan ng iba. "Ang ganda ng katawan, pare. Nakakapanggigil. Ang puti-puti pa." "Ang sarap siguro niyan, lalo kapag birhen." Sunod-sunod na mga naririnig niyang komento na sinasabayan ng halakhakan ng mga ito. Mukhang mga lasing na yata. Nanindig ang mga balahibo niya. Mas lalo siyang kinabahan sa mga naririnig sa mga ito. Hindi naman siguro siya maga-gang rape dito, 'di ba? Nang masanay ang mga mata niya sa ilaw ay dahan-dahan niyang inilibot ang mga mata. Napanganga siya nang mapagmasdan isa-isa ang mga kalalakihang naroon. Halos lahat kasi ay nag-aangkin ng kakisigan at kagwapuhan. Mga anim siguro silang lahat. Ang isang nakaupo sa may gitnang bahagi ay hindi pa niya nasisilayan. Natatabunan kasi ito ng lalaking mukhang pilyo kung makatitig. "Hoy, Dave! Umalis-alis ka nga sa harapan ng groom. May balak ka pa yatang ikaw ang sumalo dahil ayaw niya." Nagtawanan ang mga ito. "Puwede rin. Puwede." Ngumisi ito nang nakakaloko. Mukhang lasing talaga. Umalis ito sa harapan ng sinasabing groom. Dahan-dahan siyang napabaling sa kinauupuan ng lalaking ikakasal. Napaunat siya nang tayo. Hindi niya maipaliwanag ang biglang pagsikdo ng dibdib niya nang magtama ang mga mata nila. Nakita niyang umigting ang panga ng lalaki habang nakatitig sa kaniya. Nagsalubong ang mga kilay nito. "She's all yours tonight, Dwight MS!" narinig niyang saad ng isang lalaking naroon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD