"HOY! Magbihis ka! B-Bakit ba humarap ka sa 'kin nang walang suot? Ang bastos nito!" pagtatalak ni Syrellie habang pinapasadahan ng tingin ang makalaglag panty na katawan ng binata.
Dwight chuckled. "At sino bang humarap sa 'ting dalawa? Ikaw naman, ah!" patay-malisya nitong tugon.
Aba't pinilosopo pa siya. Ngali-ngaling batukan na niya ito. Naikuyom niya ang kamao. Kasabay ng paniningkit ng mga mata niya ay ang pag-iisang linya ng mga labi niya dahil sa inis.
"Kasi naman pinatunog mo 'yang high-tech sliding door mo. Pasalamat ka wala akong sakit sa puso, kundi aatakihin ako sa 'yo! Naku naman, ayoko pang mamatay. May mga anak pa ak—" Natutop niya ang sariling bibig. s**t! Mahuhuli pa siya sa katabilan ng dila niya.
Dwight creased his brows. "What did you just say? Mga anak?" He emphasized the word 'mga.'
"A-Ah, wala. I mean, hindi. D-Dinala ko kasi 'yong dalawa kong Shih Tzu. Oo, tama, dinala ko...'yong Shih Tzu. A-Anak kasi ang turing ko sa dalawang 'yon." Alanganin siyang ngumiti. Iniiwas niya ang paningin.
Huwag naman sana siyang tamaan ng kidlat sa kasinungalingan niya. Ginawa pa niyang Shih Tzu dog ang mga anak niya. Kasi naman ayaw niyang makita nito ang kambal. Lalong-lalo na si Kenjie na kamukhang-kamukha nito. Alam niyang alam ng binatang may anak siya, pero hindi nito alam na kambal ang ipinagbuntis niya noon. At isa pa, hindi naman nito alam na siya ang ina ng dalawang bata na nakausap nito sa airport. Oo, nakita siya nito roon, pero hindi naman siya lumapit sa kambal at bigla na lang siyang nagtago.
"Really?" Umangat ang gilid ng labi ni Dwight. Waring hindi kumbinsido sa sinabi niya.
"O-Oo nga. Kaya sige na. 'Wag mo na lang akong ihatid. Kaya ko namang umuwing mag-isa." Humarap siya uli sa sliding, at akmang bubuksan iyon pero hindi niya magawa. "Puwede bang pakibuksan na lang?" Bahagya niya itong nilingon.
"I told you I'll send you home. Just stay here. Magbibihis lang ako." Tinalikuran siya nito, at pumasok uli sa walk-in closet.
Napapadyak siya. Hindi pa rin pala talaga ito nagbabago. Ang gusto nito'y palaging nasusunod. Inis na umupo siya sa couch.
Ilang sandali siya sa ganoong ayos. Nagngingitngit ang kalooban niya. Humugot siya ng sunod-sunod na buntong-hininga para pawiin ang nararamdamang inis.
Mayamaya pa'y bumalik na ito. Halos mapanganga na naman siya habang pinapasadahan ito ng tingin. He was just wearing a white T-shirt and gray coloured sweatpants with simple slippers on feet. Nakapambahay lang ito, but he was still oozing with charisma. Nakalugay pa rin ang buhok nito.
"So you're just gonna sit there and stare at me all night, huh?" The corner of his lips twitched. Humalukipkip ito.
Isinarado niya ang nakaawang na bibig. Napalunok siya. Hindi niya namalayang nasa harapan na pala niya ito. s**t! Ano ba itong nangyayari sa kaniya? Hindi ito puwede. She was supposed to hate this man in front of her. Malaki ang kasalanan nito sa kaniya...sa kanila.
Sukat sa naisip ay sumeryoso siya. Tumayo siya. "Let's go. I needed to go home early."
Bahagya itong natigilan. Marahil ay nagtaka ito sa biglaang pagbabago ng mood niya. Kanina lang kasi ay halos makipagbangayan siya rito.
"Wear this first." Iniabot nito ang red high heels niya. Hindi niya namalayang hawak pala iyon ng binata.
Kinuha niya iyon. Umupo siyang muli, saka iyon isinuot. Tumayo siya. "Let's go." Humarap siya sa sliding door.
Narinig niyang napabuntong-hiniga si Dwight. Hindi na rin ito nagsalita pa. Binuksan nito ang pinto.
They went outside the penthouse, then got inside the elevator. Panaka-naka siya nitong sinusulyapan buhat sa salamin ng elevator, but she just stiffly held her head up. Deretso ang tingin niya.
Hanggang sa makababa na sila, at makarating sa parking lot. Napansin niyang mukhang ekslusibo ang parking lot na kinaroroonan ng kotse nito. Sabagay, ito naman kasi ang may-ari ng building na iyon. Bakit ba hindi niya iyon naisip kanina nang basta-basta na lang siya nag-trespass? Halata na nga dahil DMS ang nakaukit na malalaking letra sa gusaling iyon.
Akmang pagbubuksan siya nito ng pinto ng kotse, pero inunahan niya ito. Agad siyang pumasok. She sat in the front seat beside him.
Wala silang imikan. Wala ni isang bumasag ng katahimikan. Tahimik lamang sila habang lulan ng sasakyan nito.
She peered outside the tinted window. Naririnig niya ang panaka-nakang pagbuntong-hininga ng binata.
"How long has it been? Four years? Five years? I don't know exactly. So how's life? Kumusta ka na?" mayamaya'y basag nito.
Nagsalubong ang kilay niya. Bahagya niya itong binalingan. Seryoso ang mukha nito habang nakatutok ang mga mata sa daan.
"I'm good," walang emosyong tugon niya, saka napabaling muli sa labas.
From there, she could see the darkness of the night, and she couldn't escape the pain in her heart. It was hard to forget the hurt he had caused her.
She smiled bitterly.
She prayed that the night brings some comfort to her heavy heart. But the silence of it just creeps sadness and it overwhelms her.
She wanted to cry herself out, but she couldn't. She just hoped that one day, she would forget everything...about him...