bc

End Of Days

book_age18+
28
FOLLOW
1K
READ
spy/agent
dark
zombie
no-couple
witty
expert
female lead
apocalypse
realistic earth
horror
like
intro-logo
Blurb

Luna, an heir of a wealthy business tycoon is working as an agent in a secret organization called Hierarchy. But a certain mission will suddenly change her life forever.

She will wake up in a world full of flesh eating creatures lurking everywhere.

Everything she knew about the old world vanished in an instant, her family, friends, but most of all the entire human civilization.

How can she survive a harsh world full of zombies ready to devour everything that has flesh and life on it?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1- HIERARCHY
Luna’s currently driving her car papunta sa headquarters ng organization na pinagtatrabuhan niya. Their HQ is located on a cliff, kumbaga para siyang tree house, ‘yun nga lang sa cliff siya nakasabit at hindi sa puno. Mukha siyang abandonadong mansyon kung titingnan sa labas dahil sira-sirang kahoy ang sasalubong sa mga mata mo. But the funny thing is front lang ng HIERARCHY ‘yon. I-pinark niya yung sasakyan niya sa gilid ng mansion and kusa na ‘yon bumaba sa private parking area nila nang pindutin niya yung maliit na button sa wall doon sa lobby ng sira-sirang mansyon. When she entered the living area of the mansion, the floor splitted into two at sa gitna no’n ay may lumabas na retinal scanner para sa mga agents na papasok doon. Pero syempre before mahati sa gitna yung sahig may bagay muna siyang hinawakan sa tabi ng painting na nakasabit sa dingding malapit sa pintuan. Part of security ‘yon para kahit may maligaw na mga turista or kahit mga locals at makapasok sa mansion ay hindi nila ‘yon paghihinalaan. Habang naglalakad si Luna sa hallway ng HQ ay binabati siya ng mga Newbie agents o ang mga tinatawag nilang BISHOPS. Their organization is divided into four divisions; Bishops sila yung mga bagong members ng Hierarchy at kalimitang inaatasan sa mga lower missions like investigations and stuffs, but in some cases humahawak din sila ng Class-B missions pero required na may kasamang senior agents for their own safety na rin. Next is the ARCHBISHOPS, sila naman yung mga agent na mas trained at mas beterano na sa field kaysa sa mga Bishops dahil nga mas matagal na sila sa trabaho. Usually, sa kanila ibinibigay yung mga Class-B at Class-C missions. Malimit din silang pagsamahin ng mga Bishops. Next naman ay ang mga Elite agents or CARDINALS, seven agents lang ang total number of agents na kabilang sa division na ‘to. They are the star agents of the Hierarchy organization, sa kanila madalas ibigay ang mga Class-A missions dahil highly-trained agents ang bawat isa sa kanila. Best of the best kumbaga kaya lahat nang mga pinaka-delikadong missions ay ang Cardinals ang tuma-trabaho. Every agent inside the organization has their own codenames in order to protect their own identity especially when they’re doing a mission. As a Cardinal agent, Luna and her collegues should take names from the seven-deadly sins or seven cardinal sins. Wherein they do not hold any idea why should they take such funny names. After the Cardinals, there is a much higher rank, and they are called POPES. No one actually knows how many popes they have, dahil wala pa namang nakakakita sa kanila. But they are the boss of the whole organization. They are the ones who founded Hierarchy to eliminate crimes inside their rotten society. They are the one who decides everything when it comes to the organization lalo na sa sa pagbibigay ng missions. And for the safety of every individuals within their flank, ang mga Pope lang rin ang authorize na tumanggap nang mga missions with the help of some Information technology experts. Nakarating na si Luna sa dapat niyang puntahan. Meeting room. They take and discuss missions here. Obviously, dito lang nila nakakausap ang Pope or “mga” Popes. Nang hahawakan na niya ang seradura ng pinto para buksan ‘yon ay napatigil si Luna dahil bigla siyang nakaramdam ng kakaiba. Masyadong tahimik sa loob na usually naman ay maingay dahil sa kakulitan ng mga naroroon at dahil na rin sa meeting na madalas ginaganap doon. She smelled some trouble. Napatili pa si Luna nang bumagsak sa ulo niya ang isang balde na puno ng mga harina, nakasabit ‘yon sa itaas ng pinto upang siguradong tumapon ang laman niyon sa kung sino man ang pobreng magbubukas ng pinto at sa kasamaang-palad si Luna ang maswerteng nagwagi ng harinang tropeyo. She clenched her teeth in irritation. Dumako rin ang tingin niya sa mga agents na nakita niyang pinagtatawanan ang kamalasang sinapit niya. Mabilis na nagkanya-kanya sila sa pag-iwas ng tingin dahil alam nilang madadamay sila sa gagawin niyang pagkatay sa kung sino man ang may kagagawan ng kalokohang iyon. Tumayo siya sa harapan ni Candice Morillo o kilala sa buong Hierarchy sa codename na “Envy”, her bestfriend. Kasalukuyan itong nakasuot ng eyeglass at nagbabasa ng isang libro. Nang maramdaman nito ang nagbabagang pagtitig ni Luna ay nagpakawala ito ng isang malalim na buntong-hininga at ibinaba ang hawak-hawak na libro, inginuso ni Candice kung sino ang may pakana ng kawalang-hiyaang sumira sa napakaganda sanang umaga ni Luna. Sinundan niya nang tingin ang direksyong itinuturo ni Candice, si Jacob James Peterson na mas kilala as Agent “Wrath”. Bigla itong napatingin sa sahig na animo’y naroroon ang sagot sa matagal nang pinagtatalunan at pinag-aaralan ng sangkatauhan. Ang misteryo ng buhay. Sa gilid ng pinto ay may nakitang walis tambo na plastic ang handle si Luna. Agad niyang kinuha ‘yon at mabilis na ipinukpok sa ulo ni Jacob na napaigik lang sa sakit at napasimangot. “Ang sungit mo naman, Luna! Parang binibiro lang kita eh,” reklamo ng lalaki habang sapo-sapo ang nasaktang ulo. “Aba! Eh kung ikaw kaya ang paliguan ko ng harina ngayon?” Imbis na humingi ng paumanhin ay inirapan pa siya ng lalaki. Kaya naman ay mabilis niya itong hinabol at binabalak pa sanang pukpukin ng walis ni Luna si Jacob, subalit, napahinto ang dalaga nang tumunog ang malaking TV screen na nakasabit sa wall ng ‘Meeting Room’. Nag-flash na kasi roon ang shadow image ng Pope. Nakikita niya ang lahat ng nasa silid dahil may CCTV camera na nakadikit sa bandang itaas ng monitor, ngunit ang tangi lamang nakikita ng mga agents ay ang shadow image na ipinalalabas sa TV screen. Tumikhim ang Pope para makuha ang atensyon ng lahat kaya inihinto na rin ni Luna ang kasalukuyang pagtatangka niyang saktan ang pasaway na kaibigan. “This is a meeting room for Pete’s sake, Agents! You should behave yourselves when you are inside this room. Take this as a warning, kapag naulit pa ‘to you’ll get a very nasty punishment.” “And what was that nasty punishment boss? Ikukulong mo ba ako sa isang room kasama ang mga walang kasipag-sipag sa katawan na tao ‘tulad ni Sloth?” Nakangisi pang tanong Jacob sa Pope. “No, but I will lock you up in a room full of big snakes,” “S-snakes, Boss?” “You heard me.” Halos takasan na ng kulay si Jacob at mabilis pa sa atletang si Usain Bolt na kumaripas nang takbo at umupo sa isang bakanteng upuan. Ipinatong pa nito ang mga kamay sa mesa na tila ba isang elementary student na pinagagalitan ng masungit niyang homeroom teacher. Natawa naman ang lahat dahil ang Pope lang talaga ang nakapipigil sa mga kalokohan nang mapagbirong si Jacob. Kung ang bawat isa sa kanila ay mayroong kanya-kanyang personalidad, ay halos iisa lamang ang kanilang pag-uugali sa tuwing magkakaroon sila ng misyon. “Let’s get started, Agents.” pagsisimula ng Pope. “Read those files na nasa harapan ninyo, it contains pictures of our target. Aries Santillan. He is an Army General who owns different night clubs na pinanggagalingan ng mga babae na binebenta nila sa iba’t-ibang mga bansa to become s*x slaves. Our client Mr. Rhaymund Montes wants her long-term girlfriend, Amanda Buenavista out of that club,” dagdag pa nito. Napakunot-noo si Luna sa kanyang narinig ko.“His girlfriend, Sir? Papaanong napasok sa club ni Santillan ang girlfriend ni Mr. Montes?” nagtatakang pagputol niya sa sinasabi ni Pope. “Pamangkin ni Santillan yung girlfriend ni Mr. Montes, Luna.” Napanganga naman lahat sa kanilang narinig. “In short, ibebenta ni Santillan sa ibang bansa yung niece niya?” Luna asked suspiciously. “Sad to say but yes,” “What a wicked man.” Napapailing na wika ni Jacob. “Such an asshole!” saad naman ni Agent Smile, an Archbishop rank agent na kasalukuyang nakaupo sa tabi ni Luna. “As you all knew. This is an A-class mission given to the four of you, Cardinal Sin Agents; Wrath, Envy, Lust and Archbishop agent Smile, so you must be careful, Get Amanda out of that place, and most of all come back home safely.” The Pope ordered. “Roger, Pope!” The four answered in unison. After the meeting, Luna went back to her place. Their mission will start tomorrow kaya naman naisipan niyang mag relax lang muna sa condo unit na nabili niya buong maghapon. Humiga siya king-sized bed niya na napaliligiran ng napakaraming stuffed toys. Ngayon lamang siya ulit nagkaroon nang pagkakataon na makapahinga dahil sa sobrang hectic schedule niya these past few months. She inhaled deeply and exhaled happily, trying to drive away her exhaustion and frustrations. Luna needed to make sure that she’s in good shape, physically and mentally before their mission so that she can come back safe and sound. All of a sudden, Luna felt sleepy. She yawned while drowning herself in her deep thoughts. What could possibly happen if they failed their mission? What would be the possible outcome of their failure? Moments later, Luna’s surrounding succumbed to a familiar pitch-blacked dimension eating everything on its way. She tried to stay awake and continue giving herself a hard time by overthinking about their upcoming mission. But then she finally fell asleep. A few minutes after the sunset, her phone loudly rang repeatedly. Luna who was still lying in her bed, opened her left eye and lazily find her phone. Her expression hardened when she found out who was calling her. Her secretary. “What? I told you not to disturb me for the next few more days, Daisy!” iritableng bungad niya sa kabilang linya. “I’m very sorry, Ms. Norhall but this is an urgent matter,” kalmadong sagot naman ng kausap ni Luna. She realized that Daisy was just doing her job as her secretary so she felt bad sa naging asal niya rito. “I’m sorry for being rude, Daisy. I’m just exhausted. So, what’s the matter?” “The first son of the Saxon Corporation, Mr. Drake Saxon is now in the country. He came to your office earlier,” balita sa kanya ni Daisy. Drake is Luna’s fiancée. As the heir of the Norhall Group of Companies, she was obliged to be the sacrificial lamb in order for their company to continue growing in the future. In short, fixed marriage. Although she was against for the marriage before ay pumayag na rin siya dahil sa mabuting ugali na ipinakikita sa kanya ni Drake. Drake is one-of-a-kind person. He was the type of guy na aalagaan at po-protekhan ka sa abot ng kanyang makakaya. Kahit na alam nitong against siya sa pagpapakasal dito noon ay hindi nagalit ito o nagtanong man lamang sa rason kung bakit ayaw ni Luna sa kasalanang magaganap. The both of them eventually became best buddies. Pero kinailangan nitong lumipat sa states para maging head ng kanilang business doon. But whenever he’s not busy, Drake will always book a flight to come back home and meet her. “What?” gulat na tanong ni Luna. “Where is he now?” “Wala po siyang sinabi, MS. Norhall. Umalis siya kaagad noong malaman niya na wala ka sa office mo.” Daisy politely answered. “Okay, Thanks, Daisy!” paalam ni Luna bago pinindot ang buton sa cellphone na hawak. Hindi inaasahan ni Luna ang biglaang pagdating ng lalaking itinututuring na niyang pinakamatalik na kaibigan. Masaya siya na muli silang makakapag bonding but this is not the right time. Mayroon siyang misyon na kailangang mapagtagumpayan. Dali-dali siyang nag hubad ng damit at nagtungo sa shower room upang linisin ang katawan. Makalipas lamang ang ilang minuto ay lumabas na siya ng shower room. Suot-suot ang tuwalyang nakatapis sa hubad na katawan ay malayang naglakad si Luna sa malawak na living area ng kanyang condominium unit upang magtungo sa kanyang silid at makapag bihis. Subalit, labis ang pagkagulat na nadama niya nang biglaang may nagbato sa kanya ng isang black shirt. “You never change, Luna.” Nakaupo sa malaking sofa si Drake na nakade-kwatro pa na animo’y siya ang tunay na nagmamay-ari sa lugar. Mabilis pa sa alas kwatro na nagtungo si Luna sa kanyang silid at nagbihis. Few minutes later ay lumabas din naman kaagad ang dalaga upang harapin ang nag hihintay na bisita. “That shirt looks good on you girl.” Nakangiting komento ng lalaki. Isinuot kasi niya ang inihagis nitong black shirt sa kanya na may tatak na “I LOVE MYSELF” sa pinaka gitna. Tinarayan lamang niya ito at naupo sa kaharap nitong upuan. “You jerk! If you’re going to give your fiancée a gift, you should at least give me some sweets to brighten up the mood, look at my closet, it is full of shirts with weird and nonsensical designs.” Itinuro pa ni Luna ang closet niya na nasa kanyang silid. Pagak na tumawa naman si Drake dahil sa tinuran ng dalagang kaharap. Inginuso niya lang ang maletang nakapatong sa center table na nakapagitna sa kanilang dalawa ni Luna. Naningkit naman ang mata ni Luna sa pagdududa, bahagya pa niyang ipinilig ang ulo para mas ipakita sa kaharap ang birong pagdududa niya. “You’re surprisingly weird today, Drake. What’s in that bag? A bomb?” biro ni Luna. Napahagalpak naman nang tawa si Drake sa pinakawalang punch line ni Luna. Umiling-iling pa ito na para bang nakapanood ng isang comedy movie scene. “Of course not! You silly creature! Just open that damn bag,” sagot naman ng lalaki. Nagningning naman ang mata ni Luna nang sundin ang inuutos ni Drake. The bag was full of different kinds of chocolates and candies with different colors and sizes. “Oh my god! Thank you, Drake. Thank you! Thank you!” pasasalamat ni Luna na sinabayan pa nito nang mahigpit na pagyakap at paghalik sa pisngi ng binata. “Get off of me, Luna! Kadiri ka!” pagtataboy ni Drake kay Luna. Natatawang nilayuan naman ni Luna ang binata at nag peace sign pa dahil sa pagsasalubong ng kilay nito. “You’ll surely catch diabetes at that rate, Luna. Masyado kang matakaw sa matatamis,” “Sira! Syempre hindi ko naman mauubos lahat ito, ipamimigay ko ang karamihan nito sa mga batang nasa lansangan, oh ‘di ba ang ‘bait ko?” Napailing naman si Drake sa sinabi ng kaibigan. “Napakayaman mo tapos nanghihingi ka pa ng sandamakmak na tsokolate sa akin para lang ibigay sa ibang tao. I can’t believe you,” dagdag pa ng lalaki. “That’s why I’m rich!” pagdadahilan naman ni Luna, “anyway, what brought you back to the Philippines?” Umayos naman sa pagkakaupo ang lalaki bago sumagot. “Well. I’ve got some business to take care of,” Nagpatango-tango naman si Luna habang may nguya-nguyang tsokolate. Ilang sandali pa ay tumayo na si Drake mula sa pagkakapo matapos makatanggap ng isang tawag mula marahil sa secretary nito. “I need to go now, Luna.” Nagtataka man ay mabilis na tumayo si Luna mula sa pagkakaupo at sinabayang maglakad si Drake patungo sa pinto para magpaalam dito. “It’s totally weird na hindi ka magtatagal ngayon para makipag kwentuhan sa akin,” wika ni Luna. “Busy kasi akong tao, Luna. Hindi mo ako katulad na tamad,” pagbibiro pa ng lalaki at mabilis na binuksan ang pinto at tumakbo palabas nang akmang babatukan siya ng kaibigan. “Let’s watch movies before you get back to states!” sigaw ni Luna sa tumatakbong kaibigan. Kinawayan lamang siya ni Drake bago ito pumasok sa nakabukas na elevator sa tapat nito. What a great friend she has.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Agent Series 18: Black Lipstick ( R-18 SPG)

read
98.2K
bc

THE EVIL STRANGER: MAFIA LORD SERIES 12 (R-18 SPG)

read
105.5K
bc

Bastarda (SPG- R-18)

read
228.1K
bc

SILENCE

read
394.0K
bc

Dangerous Spy

read
323.0K
bc

Agent Series 16: Wrong Move, Honey (SPG R-18)

read
97.0K
bc

DON'T TOUCH ME: AGENT SERIES 21 (R-18 SPG)

read
29.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook