MADELINE’s POV: “The VIP is on the move!” Sigaw ni Serena. Ano iyon susundan namin siya? Mabilis kumilos si Robert. Ako nakatayo, nakasunod lang ang mga mata sa kanilang dalawa. "Maddy, why are you standing there still?" Sigaw sa akin ni Robert tsaka pa lang ako natauhan at kumilos. Hindi ko na dinala ang sniper rifle ko pero kumuha ako ng baril na may silencer. “Yeah!” Bitbit ko na ang isang backpack ko, na may lamang bala at ilang 45 caliber. Lalo akong sinalakay ng kaba. “Coms guys!” Paalala ni Serena sa amin, dinig na dinig ko ang takatak ng keyboard nito. Malalaki ang hakbang ni Robert. Sa basement ang tungo namin. Kumunot man ang noo, hindi na ako nag tanong sumunod na lang ako sa kanya. “The VIP is on Rafael St. corner Buenviaje St. headed to Maysilo Circle.” Imporma sa amin ni

