MADELINE’s POV: Hindi pa naman ako tuluyang nawalan ng malay, pero malapit na malapit kung ganito ka gwapo ang bumubuhat sa akin. Bakas na bakas sa mukha niya ang pag-alala kahit hindi niya naman ako kilala. Is he, this nice person? “Open the f*****g gate and give me the car keys!” Malakas niyang sigaw. Hindi naman gusto magkadikit ang katawan namin pero parang gano’n na nga. Nakagat na ako't lahat-lahat ngumingiti pa rin ako sa isip ko. Kahit sinabihan ako na bawal na bawal makipag lapit sa kanya. Sadyang ang tadhana ang gumawa ng paraan. Kailangan makagat ka ng aso Madeline? Hindi ba kahibangan ‘yon? Nang mailagay niya ako sa likod ng sasakyan bigla akong nalungkot. Parang ayaw ko pang mawala ang init ng katawan niya sa akin. Hala Madeline ang harot mo! Kastigo ng utak ko. Hindi ko na

