EMBERLYNN’s POV: Ilang araw din akong nagkulong sa aking kwarto, wala akong kinausap. Maging sina nanay at tatay. Si Barone ilang beses din akong kinatok. Wala rin akong ganang kumain. Para akong nasisiraan ng ulo. Naririnig ako ang mahinang tawa ni Romulo. Ang ngiti niya sa akin. Sa bawat pagpikit ko ng aking mga mata mas nakikita ko siya, maamo ang mukha. Nagsusumamo. Nagmamakaawa. Naririnig ko rin ang pagtawag niya ng pangalan ko ng paulit-ulit. Nararamdaman ko ang presensya niya sa aking silid na tila bumubulong sa aking tainga. Divine! Divine! Divine! Kahit takpan ko ang aking pandinig. Naririnig ko pa rin siya. Imulat man o ipikit ko ang aking mga mata nakikita ko siya. “Patawarin niyo ako! Please parang araw mo na lubayan mo na akooo!” Gusto ko nang iumpog ang aking ulo sa pader.

