CMSHOES 8.2 “Super ang bababoy nang mga tao na ‘yon. Omg!” maarteng sabi ni Latty habang pinupunasan ang katawan ng tissue. “truth sis, required ba na magtapon ng ihi sa bote at ihahagis. So gross!” maarteng sagot naman ni Minda na sobrang haggard na. Natatawa ako sa mga itsura nila, they look fresh kaninang pumasok sila doon pero look at now. Mukha silang mga kawawang sisiw na binasa ng mga ihi (?). Pinatigil ang event, dahil sa batuhan ng mga bote ng softdrinks at mga ihi na nilagay sa loob. At isa na rin dito sa sobra-sobrang pagdagsa ng mga tao sa buong lugar. “sabi ko na sa’yo mukhang hindi magandang idea eh,” sabi sakin ni Heaven na nakatingin lang sa apat na diring-diri sa mga sarili nila. “Buti nalang talaga,” sabi ko nang nakangiwi. Ang panghi nilang lima, isama mo na rin

