CMSHOES 9.1 Nagkukumahog akong lumabas ng school nang mabasa ang text message ni Argen na nasa labas siya nang school. Hindi pa naman sabado ngayon para magkita ulit kami. ‘yon lang naman ang schedule naming sa isa’t-‘isa para magkita, at wala ng kahit ano pang dahilan. Hawak ang hand bag ko’t iilang mga libro ay nakita ko siya sa hindi kalayuan. Pinagtitinginan siya nang iba babae na kiliig na kilig sa lalakeng ‘to. Gustong-gusto niya talaga ng atensyon ng ibang tao. Nakakagigil. “Ano nanaman ba ‘yon?” naiinis kong tanong sa kanya bago malakas na binagsak ang libro ko sa harap ng kotse niya, “Alam mo naman na may klase ako ngayon sabay pupunta ka? Ang lakas talaga ng sapak mo,” Naiirita kong sabi sa kanya, pero nakatingin lang siya sa’kin. Hindi siya nakasimangot, nakakunot ang noo

