CMSHOES 26 Nagmamadali akong umuwi sa bahay. Ayaw ko s’yang makita o kahit ano pa man Gusto ko nang tapusin kung anoman ang meron sa’min dalawa. Tapos na kami, ayaw ko na. “Ang aga mo ata?” nagtatakang tanong ni kuya Choco bago sumilip sa likod ko, “Nasaan si Heaven?” “Umuwi na siya. Tinawagan na siya nang mommy niya para umuwi,” diretso kong sabi bago hinubad ang suot kong sapatos. “Gano’n ba? Sino naghatid sa’yo?” tanong niya pa ulit. “Nagtaxi ako. Wala naman akong cellphone para magpasundo” aniko bago siya tinalikuran at pumasok sa loob nang kwarto. Wala ako sa mood para makipagtalo. Ayaw ko na maungkat nanaman ang mga bagay na hindi na kailangan maungkat. Sigurado naman ako na maghihinala nanaman siya na hinatid ako ni Argen. It’s been 3 days simula nang nangyari ‘yon. At hin

