CMSHOES 27 Gulong-g**o ang isip ko. Hindi ko alam kung tama pa ba ‘to o hindi na. Gusto ko siya bigyan nang isa pang pagkakataon pero hindi ko alam kung worth it pa ba siya sa isa pang pagkakataon na ‘to. At may side din sa isip ko na gusto ko malaman ang rason niya, ang paliwanag niya pero hindi pa ba maliwanag sa akin na parehas lang na pinaglaruan namin ang isa’t-isa? At ako ang naging pasimuno sa laro na ‘to. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago binagsak ang sarili sa malambot na higaan. Hindi ko akalain na haharanahin niya ako sa mismong harap nang magulang ko, sa mismong harap nang mga kuya ko. Saan siya kumuha nang lakas nang loob ngayon? Hindi ba’t masaya na siya na sa babae niya, ang ganda pa nga nang ngiti niya habang magkasama silang dalawa at nagkatitigan. A

