CMSHOES 28 “HAY!” Malalim na buntong hininga ko bago tuluyan na bumangon sa higaan. Hindi ako nakatulog nang maayos sa ka-iisip sa sinabi ni kuya, sa boses ni Argen na kung may anong kahulugan ang napapasa-ilalim. May part sa akin ngayon na gusto ko malaman kung ano ba talaga ang rason niya, kung bakit niya ‘yon ginawa at kung sapat ang rason niya. Papatawarin ko ba? Nakangisi na bumangon ako sa higaan. At nag-umpisang mag-ayos nang sarili, mamayang gabi pa naman ang magkikita kami. Mas maganda na munang tumulong sa baba para sa paghahanda nang pagkain para mamayang noche Buena. Ganito ang nakasanayan namin lahat dito sa bahay. Walang ibang katulong dahil pinapa-uwi ni mama’t papa para mag celebrate din sa kani-kanilang mga pamilya. At kami naman ay ang gagawa nang mga Gawain, mula sa

