CMSHOES 29 Suot ang isang puting bestida na pinaresan nang kumikinang na pares ng sapatos ay humarap ako sa salamin at tinagnan ang sarili. Maayos ang pagkakapusod nang buhok ko habang si mama ay patuloy na nilalagyan nang kolorete ang mukha ko. “Ma, mag-uusap lang naman kami. Bakit kailangan pa ganito ang ayos?” may halong pagka-irita kong tanong. Ilang beses akong pabalik-balik kanina sa banyo para magpalit ng damit na papasa sa panlasa niya. At ang suot ko ngayon ay ang pang-sampong bestida na pinagpilian niya. “Ayaw mo ba maging sa paningin niya pag nakita ka niya mamaya?” pagtataka nito bago tinigilan ang paglalagay nang blush on sa pisngi ko. Marahan akong umiling bago pinikit ang mga mata, “Hindi naman sa ganon, ma. Ang akin lang naman ay ayaw kong isipin niya na masyado kong p

