CMSHOES 11.2 Hindi ako mapakali sa kina-uupuan ko, habang ang lahat ay busy sa paghahanap sa taong gumawa no’n. Nabalitaan ko na sinugod sa hospital si Heaven after niyang sunduin ng kuya niya. Gusto kong pumunta, pero heto ako at nakakulong sa kwarto. Tanging sila Latty lang ang nakaka-usap ko sa kalagayan ni Heaven, pero maski sila ay hindi rin alam kung bakit naging gano’n ang katawan ng kaibigan namin. Ilang araw na akong hindi nakakalabas. Wala rin nakakabisita kahit mga kaibigan ko pa, maliban sa parents ni Heaven na pumupunta dito para kamustahin ang nangyayari. Naka-usap na rin nila ang babae na nagdala sa’kin non sa room, pero wala siyang ibang sinabi kundi ang inabot lang sa kanya at pinabibigay sa’kin. Nakuha din sa CCTV ang panghaharass na ginawa ng may motor sa kanya bago

