CMSHOES 11 Tahimik lang ako na mag-isang pumapasok. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko. Bakit sa lahat ng magiging kapatid ni Ate Loaf ay si Argen pa, kaya naman pala ang parehas nilang pangalan ay delata. Hindi ko ‘yon agad nahalata dahil sa ibang-iba nilang ugali dalawa. Malalim akong bumuntong hininga bago pumunta sa mini garden ng school namin. Ilang araw na rin akong hindi nakakapunta dito pagtapos nang malaman ko na kapatid niya si Argen. Paano kung malaman nila kuya ang ginawa kong kalokohan? Paano kung magsumbong sa kapatid niya si Argen dahil sa sobrang kadesperada ko. Siguradong hindi lang basta-basta sermon ang makukuha ko, kundi pati na ang malakasan na parusa. Hindi pa nila ako kinukulong sa kwarto ko, pero nang mga nakaraan na nalaman nila na nakikipagkita ako s

