CMSHOES 10.2 Nakahanda na ang lahat. Mula sa pagkain, damit, at mga iba’t-ibang kailangan para sa dinner na ‘to. Ang sabi ng isa kong kuya na si Kuya Ice ay dadalhin niya ang girlfriend niya ngayon, kaya naman ay napa-uwi nang bahay nang wala sa oras sila mama’t papa. Ngayon lang ‘to unang mangyayari, ang ipapakilala ang girlfriend ni kuya. Sobrang pihikan kasi ito sa mga babae, at balita ko pa’y isa sa mga anak nang business partners nila papa ang girlfriend ni kuya. Hindi na ako magtataka kung sakaliman na gustuhin ‘yon agad ni papa. “Hand a ka na ba, Candy?” tanong ni Kuya Choco na binuksan ang pinto ng kwarto ko. Tumango ako sa kanya at sinenyasan siya na lumapit. Mabilis naman s’yang sumunod at ako naman ay tumalikod sa kanya. “Pa-zipper naman.” Pakisuyo ko sa kanya. Hindi ko n

