CMSHOES 10.1 “So, kamusta naman ang paghahanap niyo nang sapatos ni Argen ng sapatos na nauwi sa date?” nakataas kilay na tanong ni Minda habang isa-isa na tinitignan ang mga pictures namin ni Argen sa cellphone ko. “Hindi ‘yon date ‘no!” pagtatanggi ko pero sabay-sabay na mas lalong tumaas ang kilay nila including Heaven na nag-aabang din sa sasabihin ko. “Wala kang maloloko dito, Candy. I know you, maganda ang ngiti mo sa mga pictures niyo.” Sabi ni Atonia bago napatakip ng bibig niya. At as always nagkatinginan sila ni Minda bago muling tumingin sa’kin, “Don’t tell us na fall ka na sa kanya?” sabay nilang tanong. “Hindi ako makapaniwala. So, talagang pagpapansin mo lang ‘yon inis ka sa kanya?” tanong ni Minda na akala mo’y mahihimatay na sinundan naman ni Antonia, “O baka ginawa

