Chapter 3
Masama ang tingin na ipinukol sa unggoy sa harap ko. Ang kapal ng mukhang pumasok sa condo ng kuya ko, samantalang sa zoo naman siya nababagay!
“Kumalma ka, Candy.", hila sakin ni Heaven bago ako pinaupo sa isang single sofa.
“Paanong kakalma ako may unggoy sa harap ko at sa condo ni kuya?”, sabay duro sa lalaking kaharap ko. "Hindi mo ba alam na ninakaw niyan ang sapatos ko?”.
Sabay masamang tinignan ulit ang unggoy na ‘yon. “Diba ninakaw mo ang sapatos ko?”
“Sino ka ba? I don’t know you.", sagot niya nang walang gana bago ako tinignan mula ulo hanggang paa.
Ang kapal naman talaga ng mukha niya. Hindi niya ako kilala, kung gano’n mas mabuti nang ulitin ko ang ginawa ko sakanya para maalala niya ang kinuha niyang sapatos sakin!
“Ah, hindi mo pala naalala.", kinuha ko ang heels na suot ko. Ngayon black shoes ko naman ‘to, siya naman ang mabibinyagan.
“Candy!”, suway ni kuya bago kinuha ang heels na hawak ko. “Tumigil ka at mag-usap kayo nang maayos hindi ‘yong nagbabatuhan kayo ng kung ano-ano.”
Bumuntong hininga ako bago sumuko, pero ang mga mata ko ay masama pa rin nakatingin sa lalaking unggoy na ‘to. Habang si kuya ay naupo sa harap namin dalawa.
“Ano ba ang problema niyong dalawa’t may balak kayong ubusin kakabasag ang mga gamit ko sa kusina? Huh, Candy at Argen?”, maowtoridad na tanong ni kuya sa’min dalawa.
“Siya ang nag-umpisa, Choco.", sabay turo sakin. “Kumakain lang ako sa kusina nang pumasok siya ng makita niya ako hinagisan niya ako ng mahawakan niya!”.
Humawak pa siya sa dibdib niya bago umiiling na tumingin sakin. “Nakakaturn-off”
“Wala naman akong sinabi na maturn-on ka sakin, besides hindi naman ako pumapatol sa mukhang unggoy na katulad mo. At ako hindi mo kilala, kung hagisan kaya kita ng isa pang takong para magpantay ‘yang noo mo.”, Nangigil kong sabi bago tumingin kay kuya.
“Siya ang kumuha ng sapatos ko nang sunduin kita kuya, kaya muntik na akong umuwi nang nakayapak!” At isa pa, favourite ko pa naman ang sapatos na kinuha niya.
“Ikaw pala ang may gawa sa noo ni Argen.”, sabi ni Pink hair. “Bullseye”, natatawa niyang sabi bago pa nag-approve. Inirapan ko nalang siya at binalingan ang unggoy na humahaba ang nguso.
“Ang problema mo, Candy ay ang sapatos mo na kinuha niya. Bakit kailangan mo pa siyang batuhin ng plato sa kusina?”, seryosong tanong sakin ni Kuya.
“Paano may unggoy sa kusina mo!”, inis kong tili.
Bakit sa kalagayan ko, ‘yan pang unggoy na yan ang kakampihan niya. Imbis na ako na kapatid, bunso at kadugo niya.
“Ganito nalang, para matapos na ‘yang away niyo. Ibalik mo ang sapatos niya, Argen. Nang matigil na ang spoiled brat na ‘to” sabay turo sakin ni kuya.
Talagang ibalik niya sa’kin ang heels na ‘yon dahil kung hindi. Hindi ko siya titigilan, I will make sure na lagi siyang mauurat hangga’t naaalala niya ang pangalan ko.
“Ikaw naman.", sabay baling sakin ni kuya. “Pagbinalik na niya, kalimutan niyo na ang nangyari. Hindi ka pinalaki nila mommy para lang mang bato ng iba dahil hindi nagsorry. You acting like a spoiled brat again, Candy.", napanguso nalang ako sa sinabi ni kuya.
“Nasaan na ba ang sapatos niya, Argen?”, tanong ni kuya.
Halata sa kanya na nagulat siya sa tanong ni kuya. Bago siya nagkamot ng batok at napangiwi sa harap namin. Don’t tell me.
“Hindi ko na maalala kung saan ko nailagay, basta ang alam ko naitapon ko na ‘yon sa basura. Peke lang naman yon.", diretso niyang sabi bago ako nginisihan.
Aba’t nang-aasar talaga siya.
“Anong peke? Excuse me, wala akong gamit na peke!”, sighal ko sakanya bago tumayo mula sa kinauupuan ko. "Akin na ang sapatos ko!”
Hindi niya pwedeng maiwala ‘yon, akin yun.
“Nawawala nga! Anong gusto mo hanapin ko pa sa basurahan o sa imbakana? Bumili ka nalang ng bago.", suggestion niya bago tumayo rin.
“Anong bago? Yung sapatos ko na kinuha mo ang gusto ko, hindi yung kung anong bago!”, bulyaw ko.
Hindi siya marunong makaintindi.
“Maupo nga kayong dalawa.”, kalmadong sabi ni kuya na hinihilot na ang sintido niya.
Alam niya naman, once na heels ko ay heels ko! Hindi yun pwede palitan ng kahit anong bago mas lalo na pagsinabi kong paborito ko. Mas lalo na ‘yon pink na ninakaw niya.
Ang tagal kong hinintay na magkasya sakin ‘yon, sabay in the end iwawala niya lang at sasabihin na bumili ng bago?
“Alalahanin mo kung saan mo nailagay, Argen. Kung gusto mo ng tahimik na buhay at walang gumugulo", may halong pagbabanta ni kuya sakanya. Bago ako nanaman ang binalingan niya.
Akmang magsasalita na sana siya ng sunod-sunod na doorbell ang umagaw sa atensyon. Binuksan yun ni Pink Hair at agad na bumungad sa’min ang apat na babae.
Si Minda, Antonia, Aliyah, Latty at Pepsi.
“Anong ginagawa niyo dito?”, bungad ko sa kanila. Pero imbis na sagutin nila ako ay agad silang nagtakbuhan sa pwesto ni kuya at isa-isa nilang niyakap.
As if naman. Sumisipsip lang ang mga ‘yan dahil alam nilang maraming chocolate na baon si kuya at ayaw nilang gumastos.
“Masama ba? tsaka sabi sa’min ni Heaven kanina ay papunta kayo dito, kaya naman ayun!”, sagot ni Aliyah na ngiting-ngiti.
Habang si Minda naman ay aligaga sa kakatingin ng bisita ni kuya.
“Teka, why so serious pala dito? Like diba dapat nagkakasiyahan na?”, nagtataka na tanong ni Latty.
Sana. Kung wala lang ang pesteng lalaki na ‘to sa harap ko at sa buong lugar edi sana masaya na. Kaso wala, nandito siya at sinira nanaman niya ang araw ko.
“Nagbatuhan sila ng plato sa kusina, dahil ninakaw daw ni Argen ang sapatos niya.”, sabi ni Jonas. Hindi naman siya madaldal ‘no?
“Omg! So siya ‘yon yung unggoy na kwinento mo. Sis, di naman mukhang unggoy.”, sagot ni Minda na ngiting-ngiti. Haliparot nanaman siya.
“Basta babae talaga mga chismosa.”