CMSHOES 4
I SWEAR! Ayaw na ayaw ko na talaga Makita sana ang lalaki na ‘yon pero wala akong magawa kundi ang makipagkita sa kanya.
I hate it. Kailangan ko Makita ang sapatos na ‘yon, bukod na bigay sa’kin ni mama yun ay sobrang importante din sakin.
Ang tagal ko pa naman hinintay na magkasya sa’kin ang sapatos na ‘yon sabay at the end iwawala lang din ng kumag na ‘yon.
“Ang tagal mo naman!” nakasimangot niyang bungad sa’kin habang naka-pwesto siya sa labas nang sasakyan niya at pa-cool na nakasandal. With shades pa ‘yan.
Tinitignan ko siya mula ulo hanggang paa. Mukha naman s’yang tao pero sa pangalan at pag-uugali para siyang delata na walang laman. Maingay at hindi kapani-paniwala ang pangalan.
Pinag-titinginan din siya nang iilan na mga dumaraan. Paano’y naka-uniform pa siya at nakasabit pa ang Id lace niya sa leeg. Pabida talaga kahit kalian.
“Ang sabi ko kasi alas-tres pa ang labas ko, hindi 2: 30!” naiirita kong sabi.
Kung hindi ba naman kumag. Imbis na makakasama pa ako kela Heaven ay napilitan pa akong umalis at makipagkita sa unggoy na ‘to. Sabay siya pa ang mag rereklamo eh, kasalanan niya naman.
“Sabi mo alas dos,” sabi niya bago binuksan ang pinto ng sasakyan niya. Pumasok naman ako agad sa loob at mabilis niyang sinara.
“San naman natin pupuntahan ngayon?” nakasimangot kong tanong.
“Sa bar ng kaibigan ko,” diretso niyang sabi bago pinaharurot ang sasakyan niya.
Hindi na ako umimik. Mas alam niya ang pupuntahan namin ngayon. Wala akong magagawa sa mga gusto niya dahil sa oras na ‘to siya lang ang may alam.
At ako? Taga bunganga lang sa kanya, para masigurado ko na hinahanap talaga niya ang pares ng sapatos ko. kasalanan niya naman kasi ‘ton, kung sana ay hindi niya tinakbo at winala ay sana walang ganito ngayon.
Napagkasunduan kasi namin na hanapin ng sabay. Isa-isa naming pupuntahan ang mga pinuntahan niya ng araw na ‘yon para maalala niya kung saan na ilagay.
Inamin niya naman na hindi niya ‘yon tinapon, pero hindi niya alam kung saan niya na ilagay. At ako naman, para makasigurado na nag hahanap talaga siya ay sasama. Wala akong tiwala nahahanapin nitong lalaki na ‘to ang sapatos ko. halata naman sa itsura niya.
Ilang oras ang tinagal ng byahe, kita ko na papunta ‘yon sa malapit sa NAIA. Talagang sa malayo pa ang bar na pinupuntahan niya.
“Malayo pa ba?” nakataas ang kilay ko na tanong sa kanya.
“Naiinip ka na ba? Pwede ka ng tumalon palabas,” bastos niyang sabi.
Gusto talaga ng away nitong lalaki na ‘to. Maayos akong nag tatanong dahil na iihi na ako. Nakalimutan ko pa ang mag banyo kanina kakamadali nang malaman na kanina pa siya na sa tapat ng school.
Iskandaloso masyado.
“Alam mo ang panget mo sa kausap!” singhal ko sa kanya. Tinignan niya ako, mula ulo hanggang paa bago tumingin sa mukha ko at biglang humagalpak ng tawa.
“Alam mo ang panget ng kausap ko,” tawang-tawa niyang sabi.
Nakaka-inis ‘tong lalaki na ‘to. Kung hindi lang ‘to nag drive ay kanina ko pa siya sinapok. Ang kapal ng face!
“Fyi ako lang naman ang pinakamaganda sa’min mag kakaibigan no!” pagmamalaki ko sa kanya.
Totoo. Ako lang talaga, dahil kung maganda sila edi sana ay hindi ako ang napili bilang Ms. Intrams ng high school pa kami.
“Mas maganda si Heaven, mahinhin, mabait at babaeng-babae. Samantalang ikaw, parang dahilan mo lang ang sapatos mo para masabihan kang babae,” mahaba niyang sabi.
Pakiramdam ko ang namumula na ang mukha ko sa sobrang inis sa lalaking ‘to.
“Whatever!” sabi ko bago humalikipkip.
May point naman ang sinabi niya na maganda si Heaven. Totoo ‘yon mas lalo na sa pagiging mahinhin na animo’y hindi nagagalit. Laging kalmado at nakangiti sa bawat oras, matalino’t masipag din. Pero tama ba naman na ikumpara ako sakaibigan ko?
Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa pupuntahan namin. Malaki ang labas niya, habang ang loob naman ay mukhang tahimik. Kung sabagay ay alas-kwatro pa lang nang hapon.
“Sarado pa” sabi ko sa kanya bago kinatok ang pinto nang bar.
May tao na sa loob at nag-aayos, habang ang ibang mga college student ay naka-abang sa labas na animo’y alak na alak.
“Ano ba? Sarado pa nga ‘ya-“ hindi ko maituloy ang sasabihin ko nang Makita si Jonas sa loob, “Sabi ko nga,”
Naka-suot siya nang apron, habang ang nasa loob naman no’n ay ang long sleeve niya. Nang mapatingin ako sa kanya ay mabilis siyang ngumiti sa’kin at kumaway.
“Long time no see, Candy” may halong pang-aasar niyang sabi bago lumipat ang tingin niya kay Argen na nasa likod at walang kabuhay-buhay ang mata.
“Pasok kayo,” sabay nilakihan niya ang pagbukas ng pinto.
Nauna na akong pumasok, at sunod no’n ay halos mapanganga ako sa taas ng ceiling. Sobrang ganda sa loob, ang mga gamit ay rose gold, habang ang mga susunod na floor naman ay may salamin. Mukhang para lang ‘yon sa mga VIP at ang dance floor ang lawak.
Hindi ko inaakala na ganito ang loob, bukod sa wala gaanong desenyo sa labas ay sobrang simple din nito.
“Ang sabi sa’kin ng mga janitor wala naman daw silang nakitang sapatos. Hindi ko lang alam sa kwarto namin sa taas, try niyong tignan. Pero ang sabi sa’kin talaga wala silang na itapon,” paliwanag niya bago sumenyas sa isang bar tender na nag-aayos ng mga alak sa counter.
“Hindi ako iinom,” biglang sabi nitong si Argen. Mukhang na pansin din niya ang oagsenyas nitong si Pink head na ‘to.
“Hindi naman ikaw ang iinom. Bisita ko si Candy, kaya malaman ililibre ko s’ya dito,” pang babara naman na sagot niya kay Argen. Natameme naman ‘tong kumag na ‘to at napa-iling.
“Sa susunod kasi wag masyadong feelingero, para di mapahiya,” sabay irap sa kanya.
Sinamaan niya lang naman ako ng tingin. Walang keber.
Binalik ko na ang atensyon ko kay Jonas na nag-uumpisa na ituro ang daan. Sana, nandito lang ‘yon para hindi ko na ‘to ulit masaya ang kumag na Argen na ‘yan.
Nakakang-urat ang mukha. Mukhang ungoy na nakasimangot na ewan.