CMSHOES 5 Nakasunod lang ako kung saan papunta si Jonas. Ngayon ko lang na pansin na kahit paano’y bagay sa kanya ang buhok niyang pink, pero hindi pa rin mag babago na baduy siya sa paningin ko. Hanggang balikat niya lang ako, habang ang mga damit niya ay plane shirts kaya nag mumukha lang s’yang mahirap. Hindi ko nga akalain na isa siya sa may-ari nitong bar na ‘to. “Saglit lang,” paalam niya bago kami iniwan sa isang harap ng kwarto. “Titig na titig ka sa kaibigan ko masyado. May gusto ka sa kanya ‘no?” ani ng nasa likod ko. Walang iba kundi si Argen. Ang latang walang laman kaya puro’s nalang ingay at reklamo. Argen Tina. “Alam mo, ikaw, puro ka issue kaya siguro single ka pa rin hanggang ngayon” sabay irap sa kanya. “Anong connect sa pagiging single ko sa pag titig mo kay Jonas

