CMSHOES 5.2 Matapos ang halos isang oras na paghahanap ako napa-upo nalang ako sa isang mahaba na sofa. Nakakapagod maghanap ng isang bagay na ayaw naman magpakita sa’yo. At kung kalian mo naman hindi hinahanap ay saka naman nag papakita. “Wala po dito maam,” sabi ni B2 na sinisilip din ang ilalim ng mga shelves. Napabuntong hininga nalang ako at tumayo mula sa kina-uupuan ko. pakiramdam ko ay nag sayang lang ako nang oras ko’t mas lalo ko lang pinatanda ang sarili ko. “Ayo slang kuya. Maraming salamat sa pagtulong maghanap,” nawawakan na pag-asa kong sabi. Sinandal ko nalang ang ulo ko sa sofa at pinikit ang mga mata ko. Pakiramdam ko ay sobra akong na pagod sa paghahanap sa sapatos na ‘yon. Ang dami naman kasing pinupuntahan nang lalaki na ‘yon na dala ang sapatos ko. Para akon

