CMSHOES 19.2 Hindi kami nagtagal mula sa Jollibee at bumalik din kami sa sasakyan. Pansin ko na rin ang pagiging pabebe niya pagdating sa’kin, gusto niya palaging hawak ang kamay ko. At maya-maya naman ay nakatingin siya, maski pagsubo ko ay nakatitig din siya. “Saan tayo pupunta?” tanong ko sa kanya. Nakaupo kami parehas ngayon sa likod nang van. Hawak niya ang kamay ko na medyo pinagpapawisan na dahil sa kanina niya pa hawak. “Sa bahay,” maigsi niyang sabi bago hinigpitan ang paghawak niya, “Nando’n, sila mommy’t daddy. Ipapakilala kita sa kanila,” diretso niyang sabi na parang walang pake. “Huh? Bakit, sa susunod n-nalang,” sabi ko na may pag-aalilnagan. Hindi pa ako handa sa gusto niya mangyari, kanina niya lang ako nililigawan pero ngayon ay gusto niya na agad ang meet the pare

