CMSHOES 20 Argentina de’ lata: Free ka ba ngayon? Tara, alis tayo may gusto akong puntahan. Hindi ko mapigilan ang pag-angat ng gilid ng aking labi. Ito nanaman siya. Simpleng pag-aaya niya lang ay hindi na pumapalya ang kilig ko sa kanya. Kinuha ko ang cellphone ko at denial ang phone number niya. Ilang ring lang nito ay agad na din siyang sumagot, animo’y inaabangan talaga ang pagtawag ko. “Hello, hon?” bungad niya sa kabilang linya. “Saan ba tayo pupunta? Im free naman, pero mamayang hapon pa.” nakanguso kong sagot sa kanya. Wala rin naman akong kasama dito sa bahay. Lahat sila ay may kanya-kanyangg lakad ngayon, at kahit malapit na magpasko ay hindi pa rin kami nagkikita-kita. “Great! Maganda roon tuwing hapon. Sunduin kita later?” tanong niya. Marahan akong tumango. “Okay, h

