CMSHOES 20.2 Hindi na sila nangulit. Sinara ko na ang laptop ko at hinayaan ‘yon na nakapatong sa side table. Pinili ko nalang ang bumababa papunta sa kusina para kumain, nang may mag doorbell sa gate namin. “Ako na po, manang!” sigaw ko mula sa salas. Nagmadali akong lumabas nang bahay. Tirik ang araw pero iba na ang lamig nang simoy nang hangin na dumadapo sa balat ko. Kumunot ang nook o nang mapansin si Argen. He’s wearing white fitted shirt at nakashort lang siya. May suot din siyang sombrero at shades na mas lalong nagpalakas nang appeal sa kanya. “Hey!” bati niya sa’kin bago nilaro-laro ang susi nang sasakyan niya sa kamay niya. Mabilis akong lumapit sa kanya bago binuksan ang gate nang bahay namin. Walang sabi-sabi ay dumiretso siya nang pasok sa loob at hinila ako nang m

