Pakiramdam ni Mauve ay sa hotseat siya nakaupo imbes na sa ordinaryong bangko. She wasn't moving at all but deep inside, her heart was banging itself against her ribcage. "I'm asking you, Mauve. Are you coming with me?" Napasinghap ang dalaga nang hawakan ni Hebrew ang kamay niya. Simple lang naman sana ang sagot sa katanungang iyon – Hindi o Oo lang. Ngunit ni hindi nga niya maibuka ang bibig. Ang malala pa ay halos huminto ang kanyang paghinga sa kakaisip sa itutugon. "A-ano kasi…" she finally said. Ngunit hindi pa rin ito rumirehistro sa kanyang isipan. "Um… sandali. Liligpitin ko muna 'tong pinagkainan natin ha." Halos tulala na pinagpatong ni Mauve ang dalawang pinggan at dinala sa lababo. She groaned inwardly. Bakit tila nanginginig ang mga kamay niya? Gusto man niyang kontrolin

