"Brew, nandito na siya." Pinahid ni Hebrew ang mga luha at nag-angat ng mukha kay Chavez. He took a deep breath and gave him a nod. "Sige, susunod na ako sa loob." It was a day ago since they had landed on an exclusive hospital in Manila, parehong araw kung saan nadurog ang kanyang puso. At ngayon, habang humahakbang siya papalapit sa mala-gintong kabaong, pakiramdam niya'y sa blackhole siya patungo dahil unti-unting nilalasog nito ang kanyang kaluluwa. Nakapalibot doon sina Selina at Beau, Beatrice at ang amang si Roberto. Lahat sila'y namamaga ang mga mata at tila walang patid ang pagtulo ng mga luha. Siya lamang ang bukod tanging hindi tumatangis. He was afraid of breaking down in front of them. Baka kasi hindi nila makayanan na muling pagbuklurin ang bawat piraso niya. "Hebrew…"

