The Khan family gathered in the living room hours after they brought Jim to his permanent destination. Kasama nitong nakahimlay sa exclusive Khan cemetery ang kanilang pagmamahal ngunit kailanman at hinding-hindi nila ito malilimutan. Pinaalis muna ni Roberto ang katulong na nag-serve ng tsaa bago nagtanong kay Chavez. "Ano ang update sa tauhan ni Conrado?" He sipped his brisk tea soundly. "Na-turnover na po siya sa police department, Señor," Chavez answered like a robot. Diretso lang ang paningin nito habang tuwid ang katawan na nakatayo sa kanto ng sala. "Sa kasamaang palad, hindi siya umaamin tungkol sa koneksyon niya kina Conrado at Mauricio. Kaya ang isinampang kaso laban sa kanya ay yung pagpapanggap bilang nurse at ang muntikang pagkapahamak sa bata." Gumuhit ang pag-aalala sa m

